Kabanata II: Ang Reinong Arabe

7 1 0
                                    

Sa halumigmig ng gabi'y magiginaw
sa umaga ma'y lanlirit'y natunghay
sapagkat nahan ba'ng tahan n'yaring malas
kundi pa't sa bayang liniblib ng oras.

Mangidlat baga'y abot ng kakayahan
sa tigpas ng ametista'y panginginang;
binilanggo't naruhaging sadyang lubha
sa hiwaga'y amis, ng reinong Arabya.

Daluhang lunos at manigwa'y mabata
ang reinong sinumpa'y mubog sa buhangin
mabangon-bango'y 'di kaya't mapaglihim
sa matang pagsilay ay malayong bituin.

Pugad ng nangalaksang ibong nasakdal
ng delitong pagkabuti nama't bait;
anupa't mabilanggo'y kutad at amis
bayang anaki'y pinangawan ng langit.

Sa kabila ng kaulupungang likas
ay mayroong sultang matwid ang paghigwas
na kapag harapin ang sakop na yaon
madla'y pasalagmak na samba't pumoon.

Sultang magiting ay walang kahulilip
ngalan niya'y kalagim-lagim na Fakhraddin
kung kaharia'y mamalas, ito'y lamang
palasyong hinaw-an ng 'sang panaginip.

Yaring sulta'y sadyang mapag-iigaya
ng mga obrang rikit, disi'y Italya
naglalarong kulay na bilanggo't adya
sa kabutihang tulot ng kalangitan.

Loob ng palasyong yungib ng selest'yal
nakukubli ang 'sang aklatang marangal
ang duklaya't himpil ng tanang nahangal
tanglaw ng Maragtas sa kanila'y hambal.

Kasuota'y lanang pula't pagkatimyas
kulay ng katapangan ang kanyang kiyas;
putong ang puting turbanteng binihisan
ng pagkalalaksang batong mapagningas.

Sa mga kulubot na daliri'y taglay
limahing singsing na pangitil ng buhay
nguni sa balanang kaalama'y lingid
ang hiwagang hinuhod ng gintong pinid.

Sa tuwing naidlip, sa palasyo'y inip
kaniya namang libutin ang Arabya;
nahon sa gulaylay, angat sa otoman
giting-gitinga'y muling iral at d'yata.

Kung masdan, palasyo'y nangakaigaya
mga okir na sining siyang panauhin
mga dingdinga'y tagistisan ng yaman
at mangingilid sa mata ang pagmangha.

Kaginsa'y hinanap ang turbanteng yaong
banta ng katungkulan niyang mapanahon;
at sa madlang abang na ay nagpakita
pinakundanganan ng bating magalang.

"Tanang sintang buhay inyong pagpatuloy
pagkat reynong yari'y asa't maluluoy
at nananahan din ang pag-uupanding
malugmok ang bayan sa walang pag-iwi.

"Pangalagaang lubha'ng yaman ng lupa
sapagkat kalasag sa nibig manlupig
namakasakaling maayop sa laban
sa baybayi'y mayro'ng mahiganting tubig.

"Hayaan na muna't ako'y huwag pansinin
sa isip gunawin, ako'y libot lamang,
kaya't bagama'y walang ulang dumapyo
lanlikatan, kung magkatubig himala."

Kapwa mga manggagawang napapagal
at mamamalasong langhinay at hingal
sa harapan ng sulta'y butihing yukod
saka itinuloy makabayang lingkod.

El Guion Guerrero - Ang Panulat ng MandirigmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon