Sa malayang himatong nukala't pasok
manangging sa hari'y iral'y sulasok
biyayang malubusi'y haya't bulusok
kung sumabaya'y maagnas at umusok.Magkatok-katok sa balintatawanan
ng bayang Imperyalista't paghawanan
libing sa gunamgunam at aabangan
kung karukhaa't hamak'y mapagbuksan."Pumapalad yaring maralitang aba
na Mata ng kaharia'y pakumbaba
yaring nasang ganang aki'y pagpahinga
mula sa kapagalang milinga-linga!"Taglay n'yaring naghihikahos na kamay
obrang awit ng kapaparam na buhay
santaong ako'y nalipos sa paglakbay
nang dito'y makabalik at mag-usahay."Akong siyang tanging saksi ng kalumbayan
dumaos sa Arabyang disyertong bayan
buhay sa lupang kanila'y naglumisan
sumakukong magitlanang kamatayan!"Huntang aki'y nawa'y naisi't pakinggan
n'yaong sabik sa balitang katarungan
sa'ki'y magmula't salig ang kasaysayan
sapagkat balitang dalamhating dangan."Kung paniwalaa'y hindi nasa't ayaw
talastasing ngalang aki'y paghalihaw
ako'y Maestrong Renegang sugo't basbas
ng haring Osterrang galangi't magilas!"Magpahanggang kailang panaho'y aalsin
yaring pintong bungara't ako'y harapin?
Lansakang tunay ang kahangalang tanim
bungang batid ay matalas na patalim!"Haya't sa pagpayapa't ako'y mahimik
sumpang walang malisbis at walang hibik
kayong pasiya'y sundi't magpapasimanhik
pangakong higanti'y aking paghimagsik."Kung hindi mang dahilan ang yaring bayan
ako'y mili't maliming iwa't talikdan
sinisinta't mahal maging kasawian
rumatal sa muralyang yaong pangutad."Maigta-igtarang sadyang kaharian
n'yaong makakarimlang pang-uuslakan
ngunit kung mabunghalit sa kahihiyan
masidhing bahid sa gayong karangalan."Payag nang magwalang-ingay at magpipi
sa pagbanayad pagwakas'y pagapi
mahimbing sa hanging wika't mabahagya
mahimlay sa kapayapaang pithaya."Ulinig nang malampas-lampas na bantay
pangadyi't makaawa ng lantang dantay
mahagalhalan kung damdami'y sumabay
sa ulang huruna't sibad ng malibay.Buhat sa awa'y inaw-ngang yaong pinto
pagsalunga sa pagbalik siyang magdasto
bantay yaong siyang nangagyata't haguno
nang silaya'y wala't rahuyong nununo!Masukat manaka't agarang balisa
nukilkil sandako't dumoo't madukha
hinanap ngunit nang makarinig-huni
hiwagang tigagal at nagguni-guni."O manhik, higwas na akin ba'y hanap
laking gulat! Mga matang umaandap
kung pagpangyari'y tunay at mangutitap
matatas na Disquisiciong inyong tanggap?"Sa muralyang delantera ko'y naglingid
nagkubli sa magaganid na paningin
malikayo't palarang inyo'y dapyuhin
ang dalisaya't salipadpad ng hangin."Maipit sa pagitang tiwala't mangha
bumagha't sa kalis na suwagang luha
mighaning kusa't pagkarakang naakit
sa Salamancang sa kanila'y nunuhit.Nabukang yaong bibig na napagtikom
lumayang yaong kamay na nangagkuyom
sa aliwalas lagi't uhaw at gutom
sugat ng tampalasang kailang maghilom."Nukal sa pusong marubduba't busilak
ni mapang-uyam ay walang mahalakhak
nakitang akin lamang at nasalagmak
sa pagmangha't hangang lustaya't malibak.
BINABASA MO ANG
El Guion Guerrero - Ang Panulat ng Mandirigma
PoetryAko ay isang manunulat. Ako ay isang makatang pipiliting ipagpaalaala ang magandang awit ng wika at sining ng panitikan. Malugod kong ipinakikilala-ang El Guion Guerrero- ang Panulat ng Mandirigma. Sa mga interesado sa mga ganitong klase ng panitik...