Mariwasang umaga'y muling nagbungad
minagalingang igi't kintalang hangad
bango't mising sa katotohanang hubad
huning maya'y magmahadlika't humunta.Nguni'y matanghod-tanghura'y naglalakad
dalagang maulid, marangya't magara
namamayong na donya'y sadyang magawad
animo'y Españolang nagdalahira."Prinsesa Helena! Lumimayo'y bakit
sa ubod n'yaring nagsuminding pamitak;
nasang iyo ba'y ninghapa'y nang-aakit
o sinta, lumaya't apuhap sa kab'yak?""Walang mamili, Señora Henrietta
maglumanghap sa masaganang dalata
haya't maglima-limayon kong bansagan
aking paharayang pinagtanyaganan."Nag-ulinig sa nagpagayong sagutan
katagahang panudyo't kung magsakdalan
bati lamang ng Señora Henrietta
naganyak, Prinsesa Helena Ponciana.Karilagang tuluta't biyayang tunay
kamutyaang tangi't waksing natataglay
wangis sa orkidyas na nangaglambitin
marahupang pitas, maralitang tingin."Kami nama'y kagandaha'y bahaginan
kami'y naayop sa labanang kariktan!"
Madlang baluti'y masayang halakhakan
ngiting pinta't guhit sa mukha ninuman.Yaring Señora Henrietta'y ugaling
sinumang namanyaga'y kanyang sal'ngahin
kung kaya'y inaalok yaong prinsesa
paunlakang kabutihang pangasasa."Dayuhang prinsesa, ika'y humalika
baka naising iyo'y ahin kong 'numin,
nag-uupanding kapwa maghunta mandin
nasang ganang aki'y ika'y kilalanin."Pumaroong prinsesang walang pagtanggi
sumalubong sa yakap n'yaong señora,
magsabay na mupo't saka nagsalinan
ng inuming agaha't palisa't tablan."Ikaw, hija, anumang iyong sanlahi
matang aki'y hindi saganang hirati
sa anyong iyong taglaya't pag-uulid
at kauslakang sa yaring baya'y ligid?""Ako, pamimitagan, buting señora
ako'y eredera ng sanlahing Pranses
patawan akong paumanhi't patawad
sakaling ibang maanyong aking boses."Ako'y nanahan sa bayang Normandia
kapiling pa noo'y ang ama at ina
nguni't ay nasawi't kasamaang palad
buhay ni ina'y hindi maasang param."Natigagalang señora sa pagdinig,
"paumanhi't aking nausisa'y kabig
sa marubdob na iyong inang kaibig
na ngayo'y kapighatiang hinihimig.""Hindi't walang salang kasalanang sadya,"
nalulumbay na tugong walang ligaya;
"Nakaraa'y lumipas at nakalipas,
hindi marapat na gunigunhi't lagas."Palising luha'y panunggab ng espada
malalo't sa pusong antak at mapatda
sawing buhay na kulunga't lasong isda
mamagyong lagima't nangapangyarihan."Haya, usapa't huntahang napagyari
agarang kapagdaka'y mapaglimutin
laking utang na matanghod sa katawang
nabahiran ng malubhang kalungkutan."Pagmamakaawa't tawad ng señora
sa nagawang hindi masadya't kagikla;
ngunit pagdakang napalta'y pagsasaya
muling libing ang hapis ng alaala.Nagmatalik na tao't kaulayawan
kilanla'y kabisa't aliping aliwan
maganyak na muli'y hirayang sayawan
at katuwaang abay ng pagsaliwan."Sa wakas na'y mayroong malalapitan
sa panahong dayo sa masayang bayan,
salamat sa masinsinang talamitam
ako'y natakot nang kailangang lumisan."Wikang mapagpasalamat ng dalaga
sa señorang manggap sa isang banyaga;
"Maraming salamat, Señora Henrietta,
ako'y makababalik sa yaring pita!""Walang anuman, pagkabuting prinsesa
makaaasang makababalik tuwina
yaring aming bahay ay palaging bukas
kung mangailangan sa anumang dalas."Matapos mamaalam ay naglumabas
ang señor na kay Henrietta'y kapilas:
"O, Gaviete, ngayon lamang'y nagising
hindi mong nasilayan ang panauhin.""Henrietta, kailan nagkapanauhin
sa gayaring bahay na daling guluhin?
Sino, o asawa, ang iyong tinanggap
at umunlak sa iyong pagpaanyaya?"Yaong tinig'y aning Señor Gaviete
na kapilas ng Señora Henrietta,
matangkad, mabuti, kayumanggi't puyat
pagayong paraan ng paglalarawan."Panauhing nangakusang magdumalaw
ay Prinsesa Helena Poncianang tanglaw;
lahing Pranses na bukalang Normandia
sumama sa Flandero't rining Ostriya!"Sa mukhang señor ay halatang nabakas
ang mukhang namatayang mangagugulat
na tila bagang mangilan nang sandaling
nagkaroon sa tahana'y panauhin."Talagang tunay? Hindi man akong bigla
sa paumaga't pambungad mong balita,
kakai't pipiliing mag-aagahan
kaysa sa maulinig yaring panahan."Nagmamasungit na kanyang panunugon
sa asawang sa galak ay napulumpon;
marahil na puyat na kadahilanan
sa inasal niyang dawal sa kabayanan.Hindi pahihintulutang masisira
ang magandang umaga ng pagmagara,
kung kaya'y araw ay hayang nagpatuloy
walang anumang bagay na magpaluoy.
BINABASA MO ANG
El Guion Guerrero - Ang Panulat ng Mandirigma
PoetryAko ay isang manunulat. Ako ay isang makatang pipiliting ipagpaalaala ang magandang awit ng wika at sining ng panitikan. Malugod kong ipinakikilala-ang El Guion Guerrero- ang Panulat ng Mandirigma. Sa mga interesado sa mga ganitong klase ng panitik...