"Don Fabian! Upanding tinig'y marinig
akong aasang bayang kung malulupig
n'yaring aking buhay bagamang magahis
ika'y saksi sa pananglaw ng silahis!"Pag-asang tangi't magtuloy sa paglaban
maging mamista'y kaluluwang lumisan
katagang yari'y aking tura't himakas
sa langit mamaalam at magwasiwas."Iyong ukula't malaging pag-ingatan
Gorviettang matalik nating kaibigan
maparawal sa aking piling at palad
alagang iyo'y huwag kailanma'y maglinsad."Sa Diyos nag-umadyong kaluluwa't amis
hagdang langit ay akyati't magdalisdis
matang alipusta'y tugot at nagpikit
walang sinuma'y gigising at kalabit.Yumapos sa kahardina'y pagtahimik
nilisang pagdumali n'yaong nandusta
nang mahanap yaong makayang lagitik
sapagkat kaguluha'y rini'y dalahik.Naglumipad mga mapunglo't lupaypay
kasakimang patay at muling nabuhay
kung matanghurang mga diyos ang handusay
usaling sumpang dulot'y magulapay.Kalakhang sala'y nagsuklam at nagyamo
pasinayang tunggalia'y nagbalino
kasam-ang umabay at hayang namaslang
gahamang halimaw sa bansa'y naglalang."Mga panudla'y pangahayuma't hagis
naglumiparang balang pilak ay tugis
walang sinumang palalong maghuhumpay
walang sinumang ahas na maghingalay!""Kanyo'y pagaygaying magiliw sa nanlupig
mga gusali'y magtibag at maglugmok
huwag ninumang anayara't dumaliin
nang magbunyi sa ubod ng pangaghamok!""Magsugod, mga kawal na nangapantas
gahising masukal, siphayuing langgas
mag-alisuthang walang hangal na takas
kaya hayo't maaligathing agahas!"Dakilang sigawa't handulungang palad
nagharing sakim at nasirang amistad
naglumisang kalayaa't saang hangad
kadalisaya't pagmabuti'y nagkuyad.Maglakayang mabuti'y dumoo't hamak
narusta't nawalang mahal'y andukha
mahiratnan sa pighating nagbulagsak
mawalang silay at mag-asal sa dukha!Nagsinding apoy sa ubod ng paglamas
numira't nangaghandulungang mabagtas
magasong pag-ama'y yurak at nagbasbas
sa lupang iwi't tiim sa paghimagas.Ayon nang masadya'y mawalang pagtugot
napiping bibig'y kalayaang sagot;
mangahas na sino'y kaipala'y sugod
sa batas ng langit'y huli't malagot.Heneral ng impyerno'y nagwala't sugo
mahon sa sandalatanang nagpalugso
haring muling hari sa nag-alibugha
magayong paghayok ay walang magmangha.Magsawata'y sinong gantimpalang bigay
dalatang almagre at bayang lupasay
pangadying mahangal ng nagsalakata
himagsik ay pagkalatas ng makata.
BINABASA MO ANG
El Guion Guerrero - Ang Panulat ng Mandirigma
PoetryAko ay isang manunulat. Ako ay isang makatang pipiliting ipagpaalaala ang magandang awit ng wika at sining ng panitikan. Malugod kong ipinakikilala-ang El Guion Guerrero- ang Panulat ng Mandirigma. Sa mga interesado sa mga ganitong klase ng panitik...