Kabanata IV: Gabing Mapambaghan

5 0 0
                                    

Lubhang mahawan ang talahib sa gabi
wala'y anong ahas na maggala't ligaw
nahimik sa pagdakang dalo ng talang
gulaylay at sa langit lagi't duhapang.

Kidlat sa kaparanga'y nagsipanggitla
linagaslas ang dalata't nahihimbing;
ulang nunuhos walang humpay at piring
at nangagtataghoy langhabas sa iring.

Ipinanganganyaya't hamak ang paslit
ng disyertong namas at noong munggali
ang lungsod na ay nagsisampalataya
at misay sa pangambang walang hahaya.

Sa himbing'y sampal ang sulta't sultana
nangakubli sa unang laban ay wala
hindi makadaupa't nulugang kagyat
yaong mitlang paglalagalag ng kidlat.

Sa madilim na silid ng sulta'y mahan
ang nunuay na kabutiha't pangamtan
nasok n'yaong walang humpay nang kalab-an
balutin ng pagkagandang paraluman.

Maghuma'y hindi't mapag-asaha't basag
sa katahimikang pahinga't tiwalag,
kaya't napagngalit ang mapuring tanglaw
kukong sukab sa dilima't mapagpanaw.

Sa gayong mula't mabibihi-bihira
ang ulang kung dumapyo'y palaksa-laksa
sa gitnang disyerto'y may pagmamarampog
mga dalanging gabihi'y 'di imbulog.

Katahimikang baluti'y siyang nagikla
nanungayaw sa parang at nagsitanan
reinong payapa'y nagbango't sumabaghan
dakilang panginori'y naaba't lilhan.

Kaya't nang sa pag-alimpungat ng madla
bumulagta yaong kadakilang baha
siyang maragasang batid sa bawa't bahay
maulagwa't yapkang sadyang imbing buhay.

Malagi-lagitik ng lubirang pangaw
mangalansing ang dambana't alingawngaw
buhanging umumha'y nangagsisitibag
hindi nang pagsilay ang puting liwanag.

Sa karakang pagkamulagat ng sultan
unang nasilaya'y bahang bumalaghan
habang walang atubili ang pagtakbo
nang sagpin ang kabiyak na kanyang silakbo.

Mailas-ilas sa naglugsong haligi
habang galaking tubig'y daluhungin
mangagsisitagas sa nanghayong muog
magdalangi't pagligtas ang tanging luhog.

Nangingiyas na tubig ay winawalat
ginagaygay mga pasilyong mabawat
lalamusaking ayon at malalahat
napaghinuhurang walang maliligtas.

Makatok-katok sa pamungad ng silid
ng asawang sa kapahamaka'y ligid
pilit himasukang lubhang pintong pinid
kahabang-dulang sana'y maiigtaran.

Walang humpay ang pagkabuhay ng tubig
nang sulta'y maligtas ang pinakaibig
mahila-hilakbot sa matang nahabag
matuwa-tuwa sa pandinigang salag.

Ngunit kahambal-hambal nang lahat-lahat
sapagkat mag-asawa'y 'di namumulat
hindi magkikita't sabay kung maglakbay
habang lunod at tungong kabilang buhay.

Singsing na napagsinumpaan sa kasal
ang tanging patunay ng pagkamarangal
talinghaga ng awanggang pagmamahal
kalumbayang dapyo maging sa nahangal.

Kalahatang reyno'y napagpanangisan
nagsiyaong dakilang sultana't sultan
sa pagdakang tugot ng mabiglang ulan
iwinasiwas selyo ng magkatipan.

Nalugmok ang kaharia't naghayo na
sapagkat sa yari ng pinuno'y wala
buhay sa reyno'y pagkarakang naparam
at naging gubat sa ubod ng malamlam.

Matitimyas na dahong luntia't labay
sangang tangan ang napagbubulay-bulay
kayumangging lupang ahon sa lupasay
na buhay sa disyertong napahandusay.

Ngunit yaring lahat'y iisang saksi
isang hango sa Europang pintakasi
sa angkang Italyano siyang paglalagi
pintor na ang makukulay ay urali.

Buong pagkamanghang naguhit ang yaong
napangyari sa Arabyang lubhang reynong
naamis at napaglikhang kagubatan
sa pusod ng pagkasidhing kalumbayan.

El Guion Guerrero - Ang Panulat ng MandirigmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon