Kabanata VII: Llegada de Flandes

11 0 0
                                    

Magilas sa panlimayuna't nagpala
kalangitang biyayang espada't bala
Colonialistang makaluma't nagtanda
digmaang mabawa't maglagi't nananda.

Palasyong nangagyata't nagmuni't isip
panauhing salubungi't hayang idlip;
manga haring magilas at nagbinunyi
sa reynong ratal at Monarkang lunggati!

"Gumayak sa pangaglikmo't pangagkutad
aking tinig'y rinig walang manakyad
maghandang malabis, magbunying katulad
sa Kanlurang hanga't nagwalang maigtad!

"Kung sinong tampalasa't palalong ahas
sa pagyaring masagsag n'yari't busabos
manalumpahaya't sadya'y Quiedrevajas
mangaglugmok sa panimdim nang maglubos!

"Haya, o makabaya't lingkurang tapat
maggayak at maghandang pasalipadpad
gayaring kabutiha'y huwag sanang ampat
simulang tiim gayong karangla'y buhat."

Gayaring pagwikang Almirante Hedro
nangag-uutos tila palasong gutom;
nangakong sinumang palamara'y hukom
sa Quiedrevajas aksayang mili't kuyom.

Magsigabo't marangyang Ostriyang piging
balitang salunga'y 'di wari't naghiging
maglabis-labis at madla'y magigising
maging patay babangon sa pagkalibing!

Kung kaya't pinangaghawana'y nag-agad
mapawing abok na dala'y alibadbad
muling dinig kahig ng angaya't awit
kung Flandero Español yaong pagsalit.

Palasyong ginto'y napagningas sa ilang
talang masikhay sa apoy nagpanulang
sinumang saksi bagamang anong gulang
mabagha't magiklanang dusa't namarang!

Harayahing kalangitang gantimpala
biyayang sukdol sa tangi-tanging lupa
kung Flandero'y magmasid at matigagal
mawalang kamalaya't sinong sasampal.

"O, bansang magiliw at kinaluguran
pagdakang aking balita ng kundangan
pitong saglit ang malabi't sadyang dangan
bagong mapak ang Español sa duklayan!

"Pagkalaking gulat sa mukha'y napinta
balitang aki'y maghayo't ipaghunta
kaya't baya'y mangaggayak sa pagdalo
ng magilas na Español na Flandero!"

Pamalitang bungad, ulinig sa wika
ng Don Artemio-ng talastas kapagdaka
salaysayi'y magpang-abot nang humayo
tanang kalul'wang galak at nag-umadyo.

Madlang mamamaya'y hindi magkamayaw
mag-abay sa tugtugi't ganyakang sayaw
kung maghanda'y magparangya't papalakpak
sa Practica Mayor magsipag at lagpak.

Kakaning pagkatitimyas ay nanabas
sariwang amoy at magsimod'y dalas
kung pagpiging'y 'sang malaking simbahan
andas sa pagprusisiyo'y langkap-langkapan.

Coro Ostriaco siyang mag-uumawit
sa pagsagsag n'yao't abang sa pagdalit
sa hanging malubay dumoo't sumabay
kung tanging pag-alay sa piyestang mabuhay.

Sa ubod ng paghandang nagyao'y malas
mamutyang dalagang nangagkumaripas
mistulang reynang namanhik sa paglandas
malansag sa gulumihanang matatas.

"Mga inumin! Malupalop ma'y saan
aking mahanap at luhod sa luhuran
maganang akin kaya'y makaluguran
kung mangapos nang iisa'y malalaman?

"Ang kakanin! Saang pook nailagay
aking mabanaagan na't mapalagay
kalamnang aki'y manakit at mapagal
matapos'y pahingalay mulang hingal."

El Guion Guerrero - Ang Panulat ng MandirigmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon