Wala talaga akong ganang pumasok sa mga klase ko. Wala e. Nakakabadtrip. Naaasar parin ako sa nangyari noong nakaraang araw. My plan worked! And only if I wasn't a moron, we would be dating already by now. 'Yong nurse talaga ang may dahilan nito eh. Tsk.
After my last class one Friday, I looked for Maddy. She's not in the office or at her favorite hangout with her bestfriend. Is she absent today? Or minalas lang ako kaya hindi ko siya makita?
"Lagot tayo kay Carter nito. Late na naman tayo." Narinig kong pag-uusap ng dalawang estudyanteng naka-jersey.
Carter. Carter Stupid Andrews. Of course! I headed to the gymnasium and immediately looked for a raven-haired pretty girl in the bleachers. There. She's up there, watching the jerk play with a smile on her lips. Ano ba'ng nagugustuhan niya sa hambog na Andrews na 'to? Tsk.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong niya matapos siyang tabihan, suot na naman ang kanyang masungit na mukha. Kanina lang, ngiting-ngiti pa siya. Tsk. Ano? Mas gusto niya ng unggoy kaysa kaysa sa tao? Parang unggoy 'tong Andrews na 'to eh.
"May-ari ka ng gym?" I asked without looking at her. In my periphery, I saw her rolled her eyes. "Look at the guy in jersey number 31. His head looks too big on his body."
Natawa ako ng marealize na totoo ang sinabi ko. Haha. May sakit ba 'tong si Andrews? O in-born ng malaki ang ulo niya?
"Excuse me?"
"Ops. Maddy, magpatingin ka na ng mata kung hindi mo nakikita ang nakikita ko." Pang-aasar ko.
"Gago ka talaga ano? Carter Andrews is in all ways looking so perfect."
Hell no. He's like a dead tree with a huge snow ball on top. He looked malnourished or abnormal rather.
"Perfect? Para ngang abnormal e. Tingnan mo nga oh, magkasing laki 'yong ulo niya at ang bola. Buti naman at 'di napagkakamalang bola ang ulo niya." Tumatawang sabi ko.
"Ugh." She gave me a stern look. "Wala ka nga sa kalingkingan ng kagwapuhan niya e."
"Right. Kasi kulang ang salitang gwapo para sa kagandahang lalaki ko, Maddy."
"Ang kapal ng mukha. Umalis ka nga dito."Taboy niyang nginisian ko lang. "Ba't ba lagi mong sinisira ang araw ko?"
"Ang sakit no'n ah. Wala naman akong ginagawa ah." Sabi ko sa tunong nagdadamdam. But she didn't bother to care. "Ba't mo ba gusto ang lalaking 'yan? Look at me. I'm way too good-looking than that jerk."
"Hindi ka nga gwapo sa paningin ko."
"Magpatingin ka na. Sira na 'yang mata mo. Tara. Samahan kita." Tugon kong nagpailing sa kanya. At the same time, a small smile formed on her lips. Did I just make her smile? Wait. My heart. It strangely felt something weird.
"Oh? Okay ka lang?" Tanong niyang nagpabalik sa'kin sa wisyo.
"Ah. Okay lang." I faked a smile and looked away. Shit. Ano 'yon? May kung anong parang tumusok sa puso ko e.
"Alam mo Palmer, mukhang ikaw ang kailangang magpatingin." Nakangising wika niya. Shit. Nahihirapan tuloy akong huminga ng maayos. Ano 'yon? "Hoy? Sigurado kang okay ka lang?" Tanong niya na nagpatitig sa'kin sa kanya.
"I have to go. See you around Maddy."
"Weirdo."
I drove straight to Mama Deb's house. She is mommy's mother. She's a retired doctor.
"Apo? Napadalaw ka? It's not yet weekend." She exclaimed joyfully upon seeing me. "Buti narin. Nakaka-miss ang mga mukha niyo."
"Ma, mukhang may heart complication ako." Walang paligoy-ligoy na sumbong ko rito.
BINABASA MO ANG
TAMING THE LIONESS °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfiction[The Palmer Brothers: TRES] -We weren't characters of Shakespeare but why did we become Romeo and Juliet?