"My love." Tawag ko agad nang makita si Maddy.
Kanina, nakangiti siya, nakatingin sa phone niya habang naglalakad. Ngunit matapos ko siyang tawagin, ang sama-sama na ng tingin.
"I have something for you."
"Tigilan mo na ako Palmer." Diretsong tugon niya.
"Maddy, if you don't want to see me. Fine. Just take this and then I'll leave."
She sighed after glaring at me. Then, she took the beautifully ribboned poetry books; the classics and modern. On top of it are three red roses as advised by Harper.
"You don't have to do this. I can't... I can't take this Tres."
Napangiti ako nang marinig siyang binabanggit ang pangalan ko. Ang sarap pala pakinggan kapag nagmula sa kanya.
"Tres. Are you even listening to me?"
"See you around, my love." Sabi ko saka siya ninakawan ng halik sa pisngi. Bago pa niya ako masita, umalis na ako. Lumingon ako para tingnan siya ulit nang makarating na ako sa kotse. Nakatingin parin si Maddy sa'kin. Hindi nakangiti... ngunit hindi rin mukhang galit. I smiled and waved at her before getting in the car.
"Success?" Bungad agad ni Harper.
"I think so." I replied with a wide grin. "Thanks Harper."
"Ano ka ba? Wala 'yon. So what's our next move?"
"I know the answer to that." I said meaningfully and started the engine of the car.
On the following days, napapansin kong naging tahimik at aloof si Cedric. Kinumusta ko ang daddy niya, stable naman daw. He's persuading him to undergo operation. Alam ko naman kung bakit siya nalulungkot. In three months, graduation na. Ibig sabihin, tuluyan na siyang malalayo sa daddy niya. Hindi lang si Cedric ang nagbago. Maging si Ansel, madalas ko nalang naririnig na nang-aasar at nagbibiro. Biglang naging seryoso kaya nakakapagtaka. The three of us have been together since grade school. Even when they don't say a word, I can tell that something amiss is going on.
"Labas tayong tatlo." Yaya ko nang magkaroon kaming tatlo ng oras na magkasabay. Dos assigned us to different tasks.
"I can't go bro." Cedric automatically declined. "I have to see dad."
"Gusto mo samahan ka nalang namin?" Tanong ko. "Okay lang naman Sel, diba?"
"Oo. Oo naman. Walang problema bro."
"Wag na. Ayaw din ni dad ng may bisita. Mostly, he just wanted to be alone. Ayon sa doctor niya, ako lang ang hinahayaan niyang bumisita sa kanya." Paliwanag niya. Sabay na napatango kami ni Ansel. "The two of you can go. Susubukan ko nalang makasunod."
Dahil hindi nga pwede si Cedric, kami lang ni Ansel ang lumabas at nagpunta sa paborito naming tambayan, sa isang exclusive na shooting range.
"Bro, may problema ba?" I asked Ansel after the session. Kanina pa kasi siya tahimik. "Is this about Harper?"
He heaved a deep sigh and turned to face me.
"Tres, walang problema. We know the rules. Hindi babae ang sisira sa pagkakaibigan nating tatlo ni Cedric. Bilib nga ako sa taong 'yon e. You know what I've learned from him?" He smiled at the void. "He doesn't give up on the people he loves."
Si Kendall agad ang pumasok sa isip ko nang sabihin yon ni Ansel. These past few weeks, hinayaan ko na siyang makipagkita sa pinsan ko. Nangako narin naman si Kendall. And for now, both of them are happy with their friendship. Hindi ko naman kayang nakawin 'yon sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
TAMING THE LIONESS °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfiction[The Palmer Brothers: TRES] -We weren't characters of Shakespeare but why did we become Romeo and Juliet?