9. Parents

1.9K 74 37
                                    

Minabuti kong puntahan si Maddy sa mismong bahay nila. I got her address through Gabbi. With a smile and excitement written over my face, I pressed their doorbell.

"Sir? Sino pong hinahanap nila?" Tanong ng guard na nagbukas ng gate sa'kin.

"Good morning po. Susunduin ko po sana si Maddy."

"Sino po?"

"Ah. Si Sydney. Sydney Madellaine." Pagkukumpleto ko ng pangalan niya.

"May Madellaine pala sa pangalan ni ma'am Syd. Hindi ko alam 'yon ah." Bulong nito sa sarili. "Ay sir. Sorry po. Nandiyan nga po pala kayo." Napataas ako ng kilay. Kinalimutan niya talaga ako e magkaharap lang kami? Tsk. "Umalis na po si ma'am, sir. Kanina pa po. Pumasok na yata 'yon sa klase."

"Sino 'yan Arturo?" Tanong ng isang babae. Sumilip ako para makita ito. She looks like Maddy, just an aged version.

"Sige chief. Aalis na po ako." Paalam ko sa guard bago pa ito makasagot. Hindi ba nga nabanggit ni kuya Uno na magkaaway ang mga pamilya namin sa negosyo. Not to brag, the Palmer brothers are known. The business circles know about us especially after the success of kuya Uno's business ventures, 'yong ginawa niyang expansion sa kompanya namin. Baka namukhaan ako ng mommy ni Maddy. Iba kasi ang tingin ng mata niya nang lingunin ko kanina bago tuluyang pumasok ng kotse.

Anyway, agarang pumunta ako ng campus mula sa bahay nila Maddy. Tinext ko nalang si Dos na baka hindi ako papasok. For almost the entire morning, Harper kept calling but I have no time to answer it because I was busy looking for Maddy. Pero hindi ako pinalad. Hindi ko siya mahagilap pati narin si Gabbi. Seriously, I looked for them for the entire day. I didn't even know why I am still not leaving the academy.

"Wag ka ngang KJ." Wait! That's my baby's voice! "I'm happy today so please don't spoil it crazy woman in love."

Kanina ko pa 'to hinahanap, nandito lang pala. Nakaupo silang dalawa sa isang bench na malapit sa malaking puno. Sa'n kaya tumambay 'tong dalawa buong araw?

Tres? Baka naman may klase ano? Tsk.

"Bakit ka masaya? May hindi ba ako nalalaman?" Tanong ni Gabbi na ikinatuwa ko. If she didn't ask, I'll ask Maddy myself with the same question. Ba't naman siya masaya e hindi naman kami magkasama buong araw? Haha. 'Yong feel mo talagang ikaw ang source of happiness niya ano?

"Naalala mo 'yong ikinuwento ko sa'yong childhood sweetheart ko?"

What the fuck? Childhood sweetheart? Tsk. Akala ko ba si Carter lang ang kaagaw ko sa kanya at ang mga hinahangaan niyang mga patay? May iba pa? Come on!

"Si Flickr? Akala ko imaginary friend mo lang 'yon. Haha." Tumatawang sambit ni Gabriella.

"What? Gab, I'm serious. He is no longer the cute guy in my childhood. Kagabi kasi, I chatted with my cousin, Everett. Nagulat ako nang makitang may hot guy na dumaan sa likuran niya. I asked him who the guy is. It's Flick!" She narrated in a really high-pitch tone. She sounded so lively. Nakakaasar. Kaya siguro 'to nagsungit ng tawagan ko kagabi. May iba na pala siyang kinikiligan. "Naaalala pa kaya ako no'n?" She said dreamily. She's smiling at the thin air like... ugh.

"Who's Flick?" Singit ko na. "Pangalan palang pangit na. Netflick! Papaasahin ka lang niyan Maddy."

Humagikhik si Gabbi kaya nilingon siya saglit ni Maddy. Nang ibalik niya sa'kin ang atensiyon, tinatapunan niya ako ng nag-aapoy na tingin. Galit na naman siya. Ba't default emotion niya ang magalit kapag kausap niya ako?

"Who's Maddy?" Tanong niya para tarayan ako. Imbis na maasar, nginitian ko siya ng malapad.

"Ang reyna sa palasyo ni Tres." Sabi ko sabay kindat. Ayun. Sumama na naman ang mukha niya. "Boom! Three points for Tres!"

TAMING THE LIONESS °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon