23. Saving Maddy

1.7K 82 18
                                    

Maddy

Closure. Sydney, deserve ng tao 'yon. Pero hindi ba naibigay ko na naman 'yon sa kanya bago ako umalis? I'm hurting, like I always do. But I know I don't have the right to complain. Afterall, everything happened after I made a choice.

When we arrived at the familiar place, none of us dared to go out of the car. Nakatitig lang ako sa labas, sa bench sa loob ng view deck na dating inuupuan naming dalawa. Nang hindi parin nagsasalita si Tres, binalingan ko na siya.

"Mukhang masaya ka na naman e." Wika ko sa kanya, pinipilit kong magmukhang masaya kahit na ang totoo ay napakahirap man lang ngumiti.

"Stop assuming things, Madellaine. You don't know anything." Galit na sagot niya. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig rin sa labas. "The last time I was happy was when I have you."

Diretsong napaiwas ako ng tingin upang hindi niya makita ang luhang nag-unahang makatakas sa mga mata ko.

"She's not my girlfriend." He continued to explain. "I never had one after I  lost you, Madellaine. Hindi ko nga alam kung matututunan ko bang magmahal ng iba e."

Palihim na pinupunasan ko ang luha ko habang nakikinig sa kanya. Nararamdaman kong nakatingin siya sa'kin kaya hindi ko magawang lumingon.

"Hindi mo na ba talaga ako mahal? Hindi ba pwedeng subukan natin ulit?"

"Tres..." Anas ko matapos siyang lingunin. "It's not going to work, okay? Aalis din kami agad. Ilang araw lang kami dito ni Gabbi. Inaasikaso lang namin 'yong sa kaso ni Donny."

"Okay lang. Okay lang." Lumuluhang sagot niya. "Subukan lang natin ulit."

"Tres..."

"Mahal na mahal parin kita. Ikaw parin, Maddy. Ikaw lang 'yong gusto ko."

Hindi na ako nakapagsalita dahil kahit subukan ko man, walang lumalabas sa bibig ko maliban sa maliliit kong hikbi. Nang yakapin niya ako ay hindi na ako tumutol. It still felt so good as if I was really perfect for him.

"Miss na miss kita, Maddy." Binitiwan niya ako para punasan ang pisngi kong namamasa sa luha. Pagkatapos ay tinitigan niya ako ng may ngiti sa labi. Ang sarap sa pakiramdam ng paghaplos niya sa pisngi ko. Napahawak ako sa kamay niyang nakadampi parin sa'king pisngi saka pumikit para damhin ang sandali na 'yon.

"I miss you." I heard myself whisper. Nilakasan ko ang loob ko para ibuka ang mga mata at salubungin ang titig niya. "Walang sandaling hindi kita na-miss."

"Let's give it a try, baby. Let's make it work this time."

"I don't know. I don't think that is an option. I'm sorry." Walang pagdadalawang-isip na tugon ko. "Can I just spend the night with you? Kalimutan na muna natin 'yong bukas? Isipin lang natin 'yong ngayon?" I know it's a selfish thing to ask. "Kwentuhan mo lang ako tungkol sa'yo no'ng wala ako. Alam ko sobrang successful ng career mo at Tres, sobrang proud ako sa'yo." Sinusubukan kong ngumiti ngunit hindi ko rin mapigilan ang pag-iyak sa magkahalong lungkot at saya na nararamdaman ko.

"Alam mo, nang na-launch 'yong online game na ginawa mo, gustong-gusto kitang tawagan para i-congratulate. But then, I knew the name of the game and it stopped me.  I was guilty for leaving. But I didn't regret it."

He remained silent and I hated to have silence in between us so I went on talking.

"Sobrang popular ng laro. Even people outside the country are playing it. I know why. They badly wanted to reach the final level but then majority are stuck at level one."

It's the truth. It's the talk in the academy. Most people are cursing him for creating a game that's so hard. It was so challenging. Even if they hated the game, they continued playing just to know what's waiting ahead.

TAMING THE LIONESS °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon