Gabriella kept calling Maddy's digits for almost the entire afternoon. I didn't bother answering because I am sure it's just Maddy trying to get me to the phone so she could scold me. I know her too well.
"Bro, mauuna na ako."Paalam ni Ansel samantalang ako naman ay may tinatapos pang design. Hindi naman required, talagang nag-eenjoy lang ako sa ginagawa ko.
"Sige bro. Ingat!" Ngumisi ang kumag. "Ingat sila sa'yo." Pagkaklaro ko. Lumabas si Ansel ng opisina na tumatawa. Naisipan kong magtagal pang lalo sa office para maasar ko pa si Maddy. Alam mo naman ang mga babae, parang lifeline na nila ang cellphone nila. Malamang umuusok na naman ang ilong no'n sa sobrang inis. Narealize kong iba ang assigned ringtone ni Maddy kay Gabriella dahil tumunog ang phone niya ngunit iba ang ringtone at iba ang caller ID.
Flickr Calling...
Wow. Hindi lang pala 'to katext ni Maddy? Ka-tawagan pa? Habang nagpapakabait ako, panay ang pagtataksil niya sa'kin? Ang sakit Maddy ah.
"Psst." Napalingon ako. Nang makita ang tumatawag sa'kin, nanlaki ang mata ko.
"Damsel?" I rushed to her and wrapped her in my arms. "Ba't di mo sinabing nakabalik ka na? Tsk."
"Na-miss mo 'ko?" Nakangising tanong niya.
"Oo naman. Pero may mas miss na miss ka." Makahulugang sagot ko saka siya binitiwan.
"Where is he?"She asked in a shifted tone of voice and turned to look behind me with hopeful eyes anticipating to see Ansel.
"Kakauwi lang e. Sayang hindi mo naabutan. Puntahan mo nalang sa kanila, sasamahan kita." I volunteered.
"Wag na. Bukas nalang. But don't tell him yet."
"Sure thing."
Harper looked at me with her scrutinizing eyes, as always. While I gazed at her, I was taken back to the day last year when she left. My heart suddenly constricted remembering what happened. Sana okay lang siya. Sana okay na siya.
"Payakap nga ulit." Sambit ko saka walang pag-aatubiling niyakap siya. "Na-miss ka namin. Na-miss kita. I hope you're okay now." Bulong ko bago siya pakawalan.
"I am." She replied. "Thank you—shit." She whispered the last word while her eyes widened as if she has seen a ghost. I tilted my head and saw what terrified Harper out of sudden. "Sundan mo na."
I did. Hinabol ko si Maddy na nagmamadaling pumasok ng elevator. Pasara na nga ito nang malapit na ako. Buti nalang at hinarang ko ang kamay ko kaya hindi ito tuluyang sumara.
"Maddy—"
"Wag mo 'kong kausapin!"
"Wala kang dapat na ipagselos—"
"Hindi ako nagseselos! Ang kapal ng mukha mo! Bumalik ka do'n. Ba't mo iniwan 'yong babae mo? You missed her, right? Then why did you leave? Tsk."Mahabang sumbat niya.
"Hindi ka pa nagseselos niyan?" Pang-aasar kong nagpausok lalo ng ilong niya.
"Ang kapal talaga ng mukha mo." Anas niya sabay hampas sa'kin gamit ng hawak niyang bag. "Napakalandi mo!"
"I'm sorry?" Hindi ko napigilang magsalita. "Hindi ako ang nang-iistalk ng iba sa instagram ko. Tingnan mo ang search history ng lahat ng accounts ko. Puro pangalan mo Maddy. Check my messaging app and my call logs, it's just mom and dad's names and yours. Ikaw lang ang nilalandi ko."
"Talaga?" Galit na galit talaga siya. Iba ang tingin niya e, nakakamatay. "Eh sino 'yong mga babaeng pinasakay mo kanina sa kotse mo nang paalis ka na ng campus? Tatlo pa nga 'yon e! Wag mong sabihing charity 'yon because I don't believe that those girls cannot afford a fare home."
BINABASA MO ANG
TAMING THE LIONESS °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfic[The Palmer Brothers: TRES] -We weren't characters of Shakespeare but why did we become Romeo and Juliet?