ENR
Halos lupaypay na ang katawan ko matapos ang nakakapagod na araw kaya napahilata na lang ako sa kama. Laman pa rin ng isip ko si Kah dahil sa nakita ko sa My Stories sa Instagram. Nakasaksak sa tenga ko ang earphones. Hindi na rin kami natuloy ni Kuya na manood ng anime dahil pagod na rin siya sa klase niya. Pinili na lang niyang umidlip muna para makabawi muna ng tulog kahit papaano. Mamaya'y magpupuyat na naman 'yon para tapusin ang mga gabundok niyang assignments na nakahanda na sa study table niya.
Pinapakinggan ko ang Kung 'Di Rin Lang Ikaw ng December Avenue at Moira dela Torre na nasa playlist ko. Iyon ang theme song ng estado ng puso kong nasawi dahil sa pagbitaw ni Kah sa relasyon namin. Habang pinagmamasdan ko ang mga larawan naming dalawa sa gallery ng phone ko no'ng first monthsary namin, napapa-isip ako na kahit ano yata'ng gawin ko para pagsisihan niya ang pag-iwan sa 'kin ay wala talagang mangyayari. 'Sabi nga sa kanta, "kung hindi ikaw ay hindi na lang pipilitin pang umasa pa sa ating dalawa..." Parang ako lang, na gusto kong pilitin ang sarili ko na siya lang talaga ang laman ng puso ko. Kahit sino pa ang magtangkang mahalin ako, ay iignorahin ko.
Sinubukan kong lakasan ang loob na i-chat si Kah sa IG para kumustahin siya. Nanginginig ang mga daliri ko sa pag-titipa sa keyboard ng phone habang kino-compose ang pambungad kong mensahe para sa kanya. Marami akong gustong sabihin sa kanya, pero binubura ko at nagi-isip pa kung ano ba talaga ang tamang sasabihin para lang mapansin niya, at hanggang sa isang salita lang ang ang nasabi ko sa kanya.
Kumakabog ang dibdib ko habang papindot sa send button. Hi, pambungad na mensahe ko nang maipadala ko na sa kanya'yon.
Iyon na lang ang nakaya kong sabihin sa kanya. Ni-lock ko ang cellphone ko, at umaasa at naghihintay ng sagot siya pabalik. Limang minuto ang nakalipas, di na nag-vibrate na magsisimbulo na wala akong natatanggap na mensahe mula sa kaya, pero tinignan ko pa rin ang inbox ko, at nakita ko na sineen niya lang ito.
Ipinatong ko ang cellphone ko sa bedside table at lumabas ng kwarto. Tumungo ako sa dalampasigan para palamigin ko ang sarili ko sa mga nangyayari sa 'kin. Parang nagalit ang pagkakataon sa 'kin sa hindi ko alam na dahilan, at tinatanong ko sa sarili ko kung bakit nangyari ang pagkawala niya sa buhay ko. Nagmahal lang ako at wala naman akong ginawang ikasasama ng relasyon namin at ginawa ko naman lahat para maging matibay ang pagsasamahan namin, pero bumitaw pa rin siya sa huli. Ang bigat pa rin sa puso kahit pinipilit ko na sanayin ang sarili ko na wala na siya at ako na lang mag-isa ang bubuo sa sarili ko.
Kinuyom ko ang aking mga kamay sa sobrang panggigigil. "Ang unfair naman ng tadhana, hinayaan niyo lang na bumitaw siya sa 'kin," bulalas ko habang nakatingin sa madilim na langit. Pinikit ko ang aking mga mata, at tumatangis ang mga luha. "Bakit kailangan pang humantong sa ganito? Ginawa ko naman lahat para sumaya siya sa piling ko, pero iiwanan niya lang ako," dagdag ko.
Patuloy kong pang ibinulyaw ang iba ko pang saloobin sa mundo na matagal ko nang gustong ilabas. Para akong nakikipagtalo sa ingay at lakas ng hampas ng alon sa sobrang lakas ng pag-sigaw ng mga hinanakit ko. Pinilit kong magtimpi ng ilang buwan simula noong nawala si Kah sa buhay ko. Marami akong gustong itanong sa sarili ko kung ano ba ang mali at hindi niya kayang pandigan ako kahit malayo ako sa kanya. 'Sabi nga nila, kung mahal niyo ang isa't isa kahit malayo man ang isa sa inyo, gagawa at gagawa ng paraan para makapag-usap kayo sa kahit anong paraan. Ako na ata ang pinaka-malas na tao sa mundong 'to, dahil ang taong mahal ko ay hindi ako kayang panindigan kahit malayo ako sa kanya.
May narinig akong boses ng isang lalaki na napakapamilyar sa 'kin. Napalingot ako sa likuran ko, at nakita ko 'y may isang lalaking na hirap mamukhaan dahil sa madilim ang paligid na patungo sa pwesto ko. Habang papalapit siya nang papalapit, unti-unti kong naaaninag ko ang mukha hanggang makita ko na -- walang iba kundi si Igo lang pala.
BINABASA MO ANG
Dito Ka Lang (BxB)
General FictionHindi inaasahan ni Enr ang kanilang paglipat sa panibagong lugar kasama ang kanyang pamilya. Sa kanilang pag-lipat ay hindi niya akalain na iiwanan na lang siya bigla ng kanyang pinakamamahal na siyang parang bagyo sa kanyang buhay. Dahil doon, di n...