ENR
Dalawang buwan na ang nakalilipas no'ng tinulak na ako pinalayo ni Kah nang tuluyan. Simula no'n, napagdesisyunan ko nang tuldukan nang tuluyan ang plano ko -- ang magsisi siya na iwanan niya ko. Napagtanto ko na nag-mukha akong tanga sa plano kong 'yon -- 'Yong tipong parang na-untog na lang ako sa pader at nagising na lamang ako na nasayang lang ang energy ko para lang habulin ang mga taong bumitaw at sumuko sa 'kin.
Nilibang ko ang sarili ko sa mga bagay na dapat kong pagtuunan; ang pag-aaral, pag-aadjust from high school to college, at pag-diskubre ng mga bagay na kaya ko palang gawin.
Sa pananatili ko rito sa bago naming tintirahan, ngayon ko lang na-appreciate nang mabuti na maayos naman pala dito, dahil malayo kami sa mga polusyon at traffic na iniinda namin noong nakatira pa kami sa Maynila -- 'yong tipong mapapagod ka sa biyahe sa sobrang pagkabuholn ng traffic sa kalsada. Everything's at breeze dahil di naman ganoon karami ang kotseng dumadaan sa kalsada.
Unti-unti ko rin nakilala ang mga kaklase ko noong sinimulan kong tanggalin ang pader na nagpipigil sa 'kin na kumilala ng iba sa pamamagitan ng pag-initiate ng pakikipag-usap sa kanila -- lalo na pag may activity sa mga courses ko na maraming pinapagawa na kailangan ng grupo. May tendensiya kasi ako na kapag hindi ako ganoon kapamilyar sa mga tao, hindi ako mamamansin, unless kapag ikaw ang nagsimulang makipagkilala sa 'kin. Mahirap sa una, pero hindi ko akalain na kaya ko palang makipagkilala at magsimula ng usapan sa mga taong kakakilala ko pa lang. Buti na lang, nandiyan si Igo at tinulungan niya 'ko diyan sa aspetong 'yan.
Nagsimula rin akong sumali-sali sa mga organisasyon sa eskwelahan; isa na doon ang College of Media Studies Sessionistas -- ang opisyal na singing a capella group ng college namin. In-encourage kami ni Sir Arnee na sumali ni Igo doon, and it turns out na siya ang adviser ng org. Noong una, dapat magba-back out ako sa auditions pero napilit ako ni Igo na sumali. Halos manginig ako sa kaba noong ako na ang sumalang sa auditions dahil hindi ko naman ipinarinig ang boses ko sa kahit kanino kapag kumakanta ako.
Naging audition piece ko ang kantang Dito Ka Lang nila Keiko Necesario at Luis Cortez. Samantalang siya nama'y kinanta niya ang 214 ng Rivermaya. Pagkatapos niyang sumalang ay binigyan siya ng masigabong palakpakan dahil sa kanyang malamig na boses, at ako naman ang sumunod pagkatapos. Habang nakasalang ako sa harap, todo ang pag-suporta ni Igo sa 'kin para mawala ang pagkanginig ko sa kaba. Pagkatapos kong kumanta, hindi ko inasahan na nagsipalakpakan ang mga tao sa loob. Buti na lang, umepekto ang cheer niya at naging part kami ng org as trainees. Malaki rin ang pasasalamat ko at may kaibigan akong naghihila sa 'kin, para mailabas ko ang mga bagay na gusto kong gawin na hindi mailabas.
Pagkatapos ng training namin ni Igo sa Sessionistas, napag-isipan niya na kumain kami ng hapunan sa paborito niyang tapsilugan sa harap ng school noong high school pa siya, ang Aling Lena's Tapsilugan. Bigla niya kasing na-isipan na kumain doon, dahil medyo nasusuya na siya sa mga pagkain sa canteen and gusto naman niya ng bago. Kahit ako rin naman, nasusuya na rin dahil halos lahat ata ng kaininan sa canteen, nakainan na namin.
Pagkarating namin sa Aling Lena's, napansin ko na isa siyang maliit na stall sa harap na may limang mesa sa harap. Medyo nag-alangan akong tumuloy. Sa buong buhay ko, hindi pa 'ko nakakakain sa mga ganitong klaseng kainan dahil mas sanay akong kumain sa fast food chains o kaya sa restaurant.
Napatingin si Igo sa 'kin at mukhang napansin niya ang pag-aalangan ko. "Mukhang hindi mo ata trip dito. Gusto mo bang maghanap pa tayo ng iba?" tanong niya.
Natahimik muna ako saglit. Pinag-isipan ko muna nang mabuti, dahil may pagka-maarte ako sa pagkain kaya'y nag-aalangan ako. "Okay lang naman Igo, wala namang masama kung susubukan ko," tugon ko.
"Sigurado ka ba, Enr?" pag-aalangang tanong ni Igo.
Umiling ako bilang tugon. Pumayag na rin ako dahil maraming nagsasabi sa klase namin na masarap dito at hindi daw ako magiging opisyal na estudyante ng Pacific Fair kung hindi ko man lang matitikman ang best seller nilang tapsilog. Medyo nakaka-curious rin ang lasa nito, dahil naamoy ko ang nilulutong tapsilog at nararamdaman ko ang tiyan kong kumukulo na sa gutom -- nasisinghot ko ang amoy ng bawang at marinated na tapa habang niluluto sa pan na nanunuot sa ilong ko na nagti-trigger lalo sa tag-gutom kong tiyan.
BINABASA MO ANG
Dito Ka Lang (BxB)
General FictionHindi inaasahan ni Enr ang kanilang paglipat sa panibagong lugar kasama ang kanyang pamilya. Sa kanilang pag-lipat ay hindi niya akalain na iiwanan na lang siya bigla ng kanyang pinakamamahal na siyang parang bagyo sa kanyang buhay. Dahil doon, di n...