Panlabing-dalawa

316 17 8
                                    

ENR

Hindi ko mawari na ang bilis ng oras, simula no'ng first day of school hanggang sa sumapit ang finals period. Sunud-sunod ang pasok mga projects, papers, assignments at reportings noong mga nakalipas na buwan -- iyong tipong kasing taas ng Mt. Apo ang mga gawain na tipong kailangan mo nang akyatin para matapos lahat. Tapos sasabayan pa ng practice sa sessionistas na kulang na lang, ma-paos ako sa kaka-practice ng kanta para sa mga events sa school sa dami ng kanta na pinapractice.

Buti na lang, nandiyan si Igo para tulungan niya ko sa mga bagay na nahihirapan ako. Minsan, all nighters ako sa bahay nila  para gumawa ng projects o kaya minsan siya naman ang nagpapa-umaga bahay namin. Sulit ang nilaan naming puyat, pagod at pawis namin sa kaka-sunog ng kilay para pumasa, dahil nakakuha kami ng matataas na grado sa mga projects at exams.

Sa tuwing nakakapasa kami ng quiz o major exam, kumakain kami sa Aling Lena's Tasilugan at tuluyan kaming naging suki roon. Partida, pati si Kuya Kaz ay nasarapan doon sa specialty ng kainan, kaya'y naging instant tambayan na rin ng mga blockmates nila roon pag break nila.

Pagdating naman sa pag-kanta, nakakapag-jamming pa kami sa dalampasigan tuwing gabi ko kaya pag walang pasok kapag wala masyadong gawain sa school para kahit papaano, napa-practice namin ang aming boses sa pagkanta.

Si Igo ang tipong tao na talagang gagawin ang lahat, mai-angat ka sa mga bagay na gusto mong maabot. Minsan nga, pag siya naman ang hirap na hirap sa acads o kaya sa practice, tinutulungan ko rin para makaya niya ang mga bagay na hirap siyang matutunan. Napapansin nila Mommy, Papa at Kuya Kaz na napaka-goal oriented niyang tao kaya hinahayaan nila kami kahit araw-araw kaming magkasama at pampatanggal stress na rin sa mga requirements na ginagawa sa school. Siguro, wala na 'kong mahahanap na katulad niya. Siya na siguro ang kaibigan na hindi ko inasahan na darating sa buhay ko -- 'yong tipong siya ay parang supresang regalo na biglang nakalapag sa harap ko. Wala na 'kong maihihiling pa at hindi ko na rin siya kayang mawala sa buhay ko.

Pagdating naman sa estado ng ko kay Kah, medyo naiisip ko pa rin naman siya kahit papaano. Hindi rin maiiwasan na pumasok bigla ang mga iniwan niyang alaala noong kami pa, pero minsan na lang naman mangyari'yon. 'Sabi nga nila, hindi namamatay ang unang pag-ibig. Ayaw ko nang umasa na bumalik siya at pagsisihan niya na iniwan niya 'ko. Kung magpaparamdam siya uli at sasabihin niya na nagsisisi niya, ayos lang naman sa 'kin. Bukas pa rin naman ako sa posibilidad na mangyari 'yon. Hindi kasi rin natin masasabi na posibleng mangyari, dahil bilog ang mundo. Kahit sabihin ko naman na sumuko talaga ako sa pag-asang 'yon, hindi ko rin maikakaila na may pinagsamahan kaming dalawa bago maging kami, at willing akong makausap siyang muli kahit sa chat man lang. 

Kakatapos lang namin ng exam namin sa Comm 1 at Filipino 1 na kung saan talagang nagpukpukan kami ng review, dahil kung sino man sa amin ang makakuha ng pinakamababang grade sa dalawang subject ay manlilibre ng sisig sa Aling Lena's next sem. Si Igo ang nagpasimuno ng pakulong ito, para daw mas ganahan kaming mag-aral at makapasok sa dean's list.

Naghihintay kami ni Igo sa canopy para kay Kuya Kaz na matapos ang kanyang exams, dahil sasamahan namin siya sa pag-sundo kay Violet -- ang matagal nang kasintahan ni Kuya Kaz simula pa noong second year high school pa sila. Doon daw namin siya sunduin sa terminal ng bus na mahigit trenta'y minutos mula rito sa school.

"Nasaan na kaya si Kuya?" tanong ko kay Igo habang paulit-ulit kong tinitignan ang orasan.  Sa huling tingin ko, mga nasa bandang 4:30 na.

Tinapik ako ni Igo sa ulo. "Kalma lang, Enr, baka hindi pa tapos sa exams niya 'yon, " sabi nito na sinusubukang akong pakalmahin sa kaba.

Na-aaligaga na'ko sa sobrang paghihintay, dahil baka mamaya'y nandoon na si Violet sa bus terminal. Kahit hindi ako ang boyfriend, nakakahiya naman sa kanya na pag-hintayin siya roon nang matagal. Iba pa naman kung mag-talo ang dalawang 'yan -- lalo na pag gabi kapag biglang nagka-topak sila. Konting may hindi lang pagkakaunawaan, away agad 'yan. Hindi ako makatulog kapag may away 'yang dalawa sa phone at kahit subukan mong takpan ng tatlong unan ng tenga ko para di ko lang marinig ang boses ni Kuya na talo pa ang megaphone kung sumigaw.

Dito Ka Lang (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon