Pang-apat

532 34 7
                                    

ENR

BUMUNGAD ang ingay na parang sirena ng ambulansya ang alarm clock na nasa bedside table nang magising bigla ang diwa ko. Pinatay ko ang alarm clock at bumangon na mula sa mahimbing na tulog na kahit hinihila pa ako ng malambot kong kama na humiga at matulog pa. Agad kong tinignan ito at nagulat na alas siyete na pala ng umaga. Napansin ko rin na wala rin si kuya sa kwarto at nakakapagtaka dahil tulog pa iyon ng ganitong oras.

Bigla na lang pumasok sa utak ko na unang araw pala ng klase ko bilang college student sa Pacific Fair University. Masyado kong nawili sa kakapanood ng Thai BL sa internet at siguro mga alas dos na rin ng umaga ako nakatulog. Agad akong tumungo sa banyo at nag-buhos ng tubig sa buong katawan at sabay lagay ng shampoo sa buhok. Minadali ko na lang ang pagkukuskos sa buhok at binuhos nang maraming beses ang tubig sa aking katawan na nanginginig na sa lamig.

Nang makaligo, tumungo ako sa aparador at sabay bunot ng susuutin ko. Buti na lang, walang uniform at civilian lamang ang susuutin doon dahil naniniwala sila sa konsepto ng academic freedom. Tanging puting t-shirt, maong na blue at itim na foot socks ang nakuha ko. Agad akong nagbihis at tumungo na sa kusina para kumain.

Pagkalabas ko sa kwarto ay bumungad sa aking harapan sila Kuya, Mommy at Igo na kumakain ng agahan.

"Good morning anak, kumain ka na," pambungad na pagbati ni Mommy habang nag-aahin ng gatas sa hapagkainan.

Hindi ako umimik at dumertso ako sa la mesa at umupo at kumuha ng corned beef sa plato. Hindi talaga ako masyado pala-salita pag umaga dahil medyo tulog pa ang diwa ko at medyo sabaw din akong kausap pag umaga.

"Parang semana santa ang mukha mo Enr ah? Smile naman diyan," panawag pansin ni Igo na patapos nang kumain.

"Oo nga naman Enr. Umagang umaga, parang semana santa ang mukha mo niyan," panggatong na pagsang-ayon ni Kuya Kaz na tapos nang kumain at umiinom na lang ng gatas ito.

Umiling ako at patuloy lang ang pagsubo ng pagkain sa bibig ko. Sadyang gutom ako kaya minsan ay laging hindi maipinta ang aking mukha pag umaga. Iba kasi ang takbo ng mood ko kapag umaga at hindi pa sanay na ganitong oras ang gising.

Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming inihatid ni Mommy sa kotse namin dahil kanina pa naghihintay si Papa sa labas dahil siya ang maghahatid sa aming tatlo papunta sa bago naming school. Mga limang minuto lang naman kasi ang travel time mula sa school hanggang sa work place niya kaya napagisipan niya na siya na ang maghahatid sa amin doon.

Nang makapasok ako sa kotse, pinapwesto ako ni Papa sa likod para makausap ko raw Igo at hindi ma-out of place sa kotse. Kahit ayoko man siyang katabi, wala namang magbabago kung tututol man ako.

Habang bumabyahe na kami, pinakita ni Igo ang kanyang registration form. Nang makita ko ito, nagulat ako na pareho kami ng degree at block. Napapaisip ako na baka wala lang siyang choice kaya pinili niya iyon.

Napatingin ako sa kanya at binigyan ng mukhang nagtataka. "Seriously? Communication Arts din ang kinuha mong degree?" naniniguradong tanong at napababa uli ng tingin sa registration form niya.

"Yes, passion ko kasi ang photography kaya nag-Comm Arts ako. Since walang Photography sa Pacific Fair, iyon na lang kinuha ko dahil kasama sa course curriculum ang Photography," mahabang tugon niya. "Ikaw ba, ano ba ang kinuha mo sa Pacific Fair?" tanong niya.

"Communication Arts din," maikling tugon ko.

"Pwedeng patingin ng reg form mo?" pakiusap ni Igo.

Nilabas ko ang registration form ko sa bag at iniabot ko sa kanya para makita niya. Nang makita niya ito, bigla na lang gumuhit ng ngiti sa kanyang labi.

"Anong ningingiti-ngiti mo diyan?" tanong ko na may halong pagtataka.

"Block mates kasi tayo eh!" Masayang pagkakasagot ni Igo sa tanong ko. "Gusto mo ba na i-tour kita soon?" alok niya habang binabalik niya ang kanyang registration form sa bag niya.

Napa-buntong hininga ako. "Fine," singhal ko habang ibinabalik ang registration form ko sa bag.

Nang makarating kami sa Pacific Fair, agad kaming nag-paalam nila Kuya Kaz at Igo kay Daddy na nagmamadali sa work. Noong mapagmasdan ko uli ang eskwelahan, ngayon ko lang napagtanto na napakaganda pala dito. Sa entrance pa lang, napaka-high tech na dahil ita-tap mo lang ang ID sa tapping machine na parang sa MOA Arena at makakapasok ka na agad.

Hindi ko akalain noong unang pasok ko noong nag-eenroll kami ni Kuya Kaz na napakalaki pala ng eskwelahan dahil from Elementary to College level, sakop niya at ang daming naglalakihang gusali at may mini forest at canopy pa sa loob. Hindi ako makapaniwala na may ganitong university sa probinsiya na malapit sa dagat.

Nauna na si Kuya Kaz sa amin dahil nasa kabilang side ng building ang college na kanyang binibilangan -- ang College of Fine Arts. Napagdesisyunan na ni Kuya na BFA Visual Communication dahil mahilig naman siyang mag-drawing at pangarap niya rin maging creative director sa hinaharap.

Kaming dalawa na lang ni Igo ang natira at wala rin naman akong choice dahil blockmates kami. Sa lahat ng pagkakataon, makakasama ko pa 'tong morenong luto na 'to mula Lunes hanggang Biyernes. Ano pa ba ang magagawa ko kundi tiisin at siya lang naman ang kilala ko rito kaya wala na rin talagang choice.

Ipinatong ni Igo ang kanyang braso sa balikat ko. "Excited ka ba sa first day of school?"

"Medyo," pagaalinlangan na sagot ko na medyo nanginginig pa sa kaba.

"Chill ka lang, akong bahala sa 'yo at I will make you will na magiging second home mo ang Pacific Fair," panigurado ni Igo na may halong ngiti.

Hinayaan ko na lang na akbayan niya ako dahil wala namang malisya sa akin iyon. Siguro, paraan na rin niya iyon para kaibiganin ako kahit medyo ayaw ko pa. Medyo nakakairita siya sa pagiging feeling close niya pero he makes sense naman. Nararamdaman ko na mabait siyang tao pero hindi ko lang ramdam na may kumausap sa 'kin ngayon dahil ayoko lang niyang makita ang pinagdadaanan kong sakit at hindi ko rin alam kung kaya kong magtiwala sa mga tao ngayon.

Napansin niya bigla ang aking mga mata. "Okay ka lang ba?" pagaaalalang tanong niya.

"Wala lang 'to. Antok pa siguro ako kaya medyo watery ang mga mata ko," palusot ko.

Umiling na lang siya bilang tugon. Naalala ko lang kasi ang pangarap namin ni Kah noong kami pa na magsasama kaming dalawa sa college at plano naming mag-dorm dalawa at sabay na papasok sa eskwelahan. Naalala ko pa noon na maghihintayan kaming dalawa hanggang sa matapos ang klase para sabay kaming kakain kung saan namin gustuhin at uuwi sa dorm. Subalit hanggang pangarap na lamang iyon at hindi na matutupad pa ang mga pangarap na iyon. Hindi ko rin naman masisisi kung hindi niya kaya na wala ako sa tabi niya at ayaw niya rin na monitor ng laptop o kaya smart phone lang ang kaharap niya para makita ako.

Ang alam ko, magiging masaya ako kahit wala siya at sisimulan kong tuparin ang mga pangarap na mag-isa.



Dito Ka Lang (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon