Panlabing-pito

260 15 0
                                    

ENR

Nanamlay ang mga araw ko simula no'ng lumayo si Igo nang umamin siya sa kanyang nararamdaman para sa 'kin noong nakaraang linggo. Walang ni-isang salita na lumabas sa bibig ko dahil hindi ko alam kung ano ba ang pwedeng sagutin doon. Pero, hindi ko akalain na hinalikan niya 'ko noong mga panahong 'yon.


Imbes na itulak ko siya papalayo, hinayaan ko lang siyang ilapat ang mga labi niya sa labi ko. Para akong naparalisa sa kanyang mga halik, pati ang mga binti ko'y ayaw gumalaw para maka-alis sa sitwasyon na hindi ko inasahan. Nadurog ang puso ko bigla nang sinabi niya na lalayo siya dahil hindi na niya kayang tiisin ang nararamdaman niya para sa 'kin.


I was not expecting that thing to happen. Noong mga nakalipas na araw, sinubukan kong siyang kausapin pero lagi akong nabibigo – sa tuwing papalapit ako sa kanya, lagi siyang umaalis o kaya kapag magkatabi kami sa klase, parang hangin lang ang turing niya sa 'kin. Buti na lang, hindi niya 'ko blinock sa mga social media accounts niya, dahil nakikita ko ang mga statuses,tweets, at my stories niya lagi at napapansin ko na lagi siyang nagpapatama tungkol sa nararamdaman niya sa 'kin.


Habang nililibot ko ang my stories ko sa IG, nakita ko na may pinost na naman si Igo at agad ko 'tong tinignan.


Gusto man kitang pansinin uli, masasaktan lang kita sa tuwing bukambibig mo siya
, iyon ang kanyang post na may broken hearted na emoji.


 Awang-awa ako sa sitwasyon niya ngayon, parang kasalanan ko pa kung bakit nahulog ang loob niya sa 'kin. Kahit gusto ko pang ayusin ang pagkakaibigan naming dalawa, kailangan din niya muna siguro dumistansya.



 Simula noong nangyari 'yon, halos hindi na ako makatulog sa dahil laging nauukit ang kanyang mukha sa isipan ko. Hindi ko na rin ganoon narereplyan ang mga text at hindi ko na ganoon nasasagot ang mga tawag ni Kah na nagagawa ko noong mga nakaraan araw. Halos lagi na lang akong naka-tambay sa profile niya o kaya naghihintay ng text o tawag niya. Halos araw-araw, laging siya na lang ang inaalala ng isipan ko na parang CD na nagpe-play back. Kahit gusto ko man siyang piglan, hindi ko magawa. Alam kong hindi dapat s'ya ang iniisip ko dahil may Kah na naghihintay sa 'kin, pero si Igo lang talaga ang laman ng isip ko ngayon.


Litong-lito na 'ko, parang hindi ko alam ang dapat kong gawin. Ayokong mahulog sa kanya dahil hindi ko gusto ang ideya na mahulog sa isang kaibigan na naging importante sa buhay ko. Paano kung mag-break kaming dalawa? Eh di nasayang ang pagkakaibigan naming.


Puso at Isip, huwag ka naman magpa-lito nang ganito dahil nahihirapan na 'ko! Hindi ako makatulog sa ginagawa mo sa 'kin ngayon. Hindi mo naman kailangan pagsabungin sa utak ko si Kah at Igo. Nakakainis ka naman eh!

Habang may tinitignan ako sa FB dito sa likod bahay, bigla kong nakatanggap ng tawag kay Kah at agad ko itong sinagot. Nagulat ako na'ng biglang nag-talak siya na bakit ko daw hindi sinasagot ang mga tawag at text niya noong mga nakaraang araw. Idinahilan ko sa kanya na masyado akong abala sa mga assignments at practice.

"Reasons, reasons, reasons... Baka kasi hindi mo na 'ko pinapansinsin dahil masyado ka nang busy diyan sa bago mong bestfriend," naghihinalang sabi nito. "At baka mamaya, naglalandian na kayong dalawa diyan kaya hindi mo 'ko kaya na makipagbalikan sa 'kin."

Hindi ako makasagot sa mga sinabi niyang iyon. Para akong binuhusan ng mainit na tubig noong sinabi niya na naging busy ako kay Igo. Wala siyang ideya kung gaano kahirap sa 'kin ang sitwasyon naming dalawa ngayon.

"Di ka makasagot diyan?" Patuloy niyang pangungulit. "Siguro, nakikipaglandian ka na sa kanya habang naghihintay ako na balikan mo? Sabihin mo lang, titigil naman na 'kong umasa sa 'yo."

Biglang nag-panting ang tenga ko sa sinabi niyang iyon. "Wow! Magka-away na nga kaming dalawa, tapos paghihinalaan mo pa 'kong nakikipaglandian kay Igo? Come on, Kahel Jovani, ang immature mo masyado diyan sa sinasabi mo," ani ko habang patuloy na umiinit ang ulo ko sa kanya.

"Alam mo kung bakit? Kasi lagi mo na lang bukambibig si Igo sa tuwing nag-uusap tayong dalawa. Hindi mo ba naisip na nasasaktan ako sa t'wing nababanggit mo ang tungkol sa kanya? Nagseselos ako sa tuwing ikinekwento mo na ang saya mo lagi kapag kasama siya." Patuloy niya pang nilabas ang kanyang hinaing tungkol sa kanyang pagseselos kay Igo na siyang ikinagalit ko pa sa sinabi niya.

"What the heck, Kah? Malamang na ikekwento ko sa 'yo 'yon dahil gusto ko na makilala mo 'yong bagong bestfriend ko, para alam mo kung sino ang mga naging kaibigan ko, dahil deserve mo silang makilala dahil gusto mo akong balikan," bulyaw ko sa kanya. Hindi ko namalayan na nailabas ko ang sama ng loob ko sa kanya dahil siya mismo ang nag-tulak dahil sa kanyang pagseselos. "Ganyan na ba ka-kitid ang utak mo ngayon, Kah? Kaya lang naman ako nag-aalangan na balikan ka, dahil hiniwalayan mo 'ko nang malaman mo na lilipat kami sa malayo. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan ang puso ko no'ng sumuko ka sa relasyon nating dalawa. Kung alam mo lang umaasa akong bumalik ka sa 'kin dahil ikaw ang unang nagparamdam sa 'kin kung paano magmahal kahit tagong-tago tayong dalawa." Patuloy ko pang nilabas ang lahat ng hinanakit at saloobin ko na hindi ko kayang sabihin sa kanya noon. "Siguro, huwag mo muna 'kong kausapin ngayon at mainit pa ang mga ulo natin," iyon na lang ang tangi kong nasabi at saka ibinaba ang linya.

Pagkatapos nang usapan na iyon, nakaramdam ako nang maluwag noong nailabas ko ang lahat ng sama ng loob ko kay Kah. Tawag siya nang tawag sa cellphone ko at lagi kong ibinababa ito hanggang sa pinatay ko mismo ang cellphone ko dahil na-iirita na 'ko sa kakulitan niya. Please lang Kah, huwag ka nang dumagdag sa pino-problema ko, dahil ang sakit-sakit na ng ulo ko sa mga nangyayari sa 'kin ngayon.

Itinatanong ko ngayon sa sarili ko, bakit kailangan pa maging kumplikado ang lahat? Kung kalian nagiging masaya na 'ko, at saka biglang papasok ang mga ganitong problema? Ang hirap-hirap lang na

Narinig ko na may bumukas na pinto, at hindi ko inaasahan na si Kuya Kaz iyon dahil bigla niya 'kong tinabihan sa kinauupuan ko. Hindi man lang niya 'ko kinausap at tumingin lang siya sa dagat. Kahit medyo kinakabahan ako, ako na ang unang nag-approach kay Kuya.

"Kuya, galit ka pa ba sa 'kin?" pambungad na tanong ko. Halos isang linggo na rin kaming walang pansinan ni Kuya simula no'ng nag-away kami tungkol kay Kah.

Nilingon niya 'ko. "Hindi na. Hinihintay lang kitang pansinin mo 'ko uli."

Umiling na lang ako. Hindi ko namalayan na tumulo ang mga luha ko sa 'king mga mata. Napa-yakap ako kay Kuya dahil hindi ko na talaga kaya ang mga nangyayari sa 'kin ngayon.

Hinagod-hagod niya ang likod ko habang umiiyak sa kanyang balikat. "Ano na naman ang problema natin ngayon? Si Kah na naman ba?"

"Hindi Kuya," maikling tugon ko habang humahagulgol sa pag-iyak. "Si Igo," sabi ko.

Hindi ko na napigilan at sinabi ko ang lahat-lahat ng nangyari sa 'min ni Igo noong nakaraang linggo. Litong-lito na 'ko sa nararamdaman ko dahil imbes na si Kah dapat ang dapat na nasa isip ko, si Igo na ang talagang pumapasok sa sistema ko simula noong hinalikan niya ko. Hindi ko na kayang sarilinin 'to at ang hirap nang ganitong sitwasyon.

Pagkatapos kong magsalita, si Kuya Kaz naman ang tumugon. "Nako! Unti-unti na talagang lumalayang ang barko ko," pabirong sabi niya.

Kumalag ako sa kanya sa pagkakayakap at napatigil na rin sa pag-iyak. Agad kong binatukan si Kuya sa biro niyang 'yon. "Kuya naman eh! Nagagawa mo pang mag-biro sa sitwasyon ko."

"Syempre!" Usal niya. "Kailangan ko naman i-light up ang mood mo, para kahit paano ay tumahan ka naman diyan. Pero seryoso, siguro nahuhulog ka na siguro ang loob mo kay Igo."

I was left dumbfounded when Kuya said that. "Paano mo nasabi na nahuhulog ang loob ko sa kanya?" Tanong ko na may halong pagtataka sa sinabi niya.

Bumuntong-hininga muna si Kuya at saka sinagot niya ang tanong ko. "Ganito lang 'yan, napapansin kasi kita lately na kapag tumatawag si Kah sa 'yo, hindi mo na sinasagot. Tapos, nakikita pa kitang tulala diyan at nakahiga lang sa kama. Minsan nga, hindi ka pa makakain at nagkukulong ka pa sa kwarto. "

"Ahh.." usal ko. "Pero seryoso, hindi naman dapat ako mahulog kay Igo dahil may Kah na naghihintay sa 'kin eh," pakli ko.

"Hindi kasi ganoon 'yon, Enrico Rojo. Let me ask you a question first. Do you still feel the love that you have when you're talking to Kah lately? If not, it means that Kah is part of your history now. Hindi ibig sabihin ng first love mo siya, kailangan mong mag-stick sa kanya dahil there are other people na pwede pang higitan ang pagmamahal na binigay ni Kah sa 'yon."

"Pero..." Natigil ako sa pagsasalita no'ng biglang sumingit na naman si Kuya.

"Alam ko na ang sasabihin mo. Nangako ka sa sarili mo na gusto mo siyang magsisi at balikan ka niya. Nalilito ka, kasi may pangako ka at gusto mo 'yon pangatawanan ngunit hindi na kasi 'yon ang nararamdaman mo," prangkahang pagkasabi ni Kuya. "Kailangan mo nang magdesisyon ngayon kung papangatawanan mo pa rin ang pangako mo sa sarili mo kay Kah na hindi na naman iyon ang gusto mo ngayon o aminin mo rin na nagugustuhan mo na si Igo na nagpapabagabang ng puso mo."

Napaisip ako sa sinabi ni Kuya. May punto naman siya, dahil parang hindi ko na ramdam ang pagmamahal na meron ako kay Kah dati sa tuwing kausap ko siya. Kahit hindi ko na siya makausap, wala na akong nararamdaman na kahit anong pag-aalala o kaya parang ayos na lang sa 'kin na kahit hindi kami araw-araw na mag-usap dalawa.


Kailangan ko nang pag-isipan ang desisyon ko ngayon, dahil baka mas masaktan lang ako kung hindi ko pa gagawin iyon. Nalilito pa rin ako sa ngayon, pero kailangan ko nang gumawa ng desisyon hangga't hindi pa huli. 

Dito Ka Lang (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon