ENR
Nagising ang diwa ko no'ng tumunog nang malakas ang ringtone ko pag may tumatawag. Medyo hirap pa 'kong makadilat dahil sa mutang nakadikit sa mga mata ko at pinipigilan pa 'ko mismo ng sarili kong kama na bumangon.
Na-bundat ang tiyan ko sa tatlong plato ng tapsilog kagabi at napagod din ako sa kakaikot na halos pinagtinginan kami ni Igo ng mga tao sa plaza na parang may relasyon kaming dalawa; at ang resulta, K.O. ang katawan no'ng pagkahiga ko sa kama – K.O. as in Knocked Out.
Agad kong kinuha ang phone sa bedside table at sinagot ang tawag nang hindi tinitignan kung sino ang tumawag.
"H-hello?" pambungad ko ba humihikab pa sa sobrang antok.
"Good morning, Enr! Samahan mo 'ko mamaya?" paanyaya nito.
Unti-unting nagising ang diwa ko sa kanyang pag-yaya. Naganahan ang katawan ko no'ng narinig ko mula sa kanyang bibig na gusto niya akong kasamang umalis sa lakad niya. "Walang tanong tanong kung pwede ba ako? Saan naman tayo pupunta kung sakali?" tanong ko.
"Samahan mo ko sa puntod ni Blue. Birthday niya kasi, at gusto rin kitang ipakilala sa kanya," paanyaya niya. "Gusto mo ba?"
Medyo natahimik ako nang 'di oras sa pagyaya niyang 'yon. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote niya, at ako pa ang gustong sumama sa kanya.
"Ano ang nakain mo at niyaya mo pa 'kong sumama sa namatay mong boyfriend?" tanong ko na may pagka-sarkastikong tono. "At may pagpapakilala ka pang nalalaman diyan. Ano, jowa lang ang labas?" pa-hirit na dagdag na tanong ko.
Humahalak siya sa sinabi kong 'yon. "Baliw ka talaga, Enr. Gusto ko lang ng kasama papunta doon. Since isa ka na sa mga taong importante sa 'kin ngayon, kaya gusto kitang kasama doon at ipakilala sa kanya."
Na-flatter ako sa sinabi niyang iyon. Ngayon lang ako nasabihan ng isang kaibigan na isa ako sa importanteng tao sa buhay nila. "Pa 'no naman kung ayaw ko?"
"Well, hindi ako aalis sa sa inyo hangga't di ka pumayag na sumama sa 'kin," pangugulit ni Igo. "Kanina pa 'ko dito at naghihintay sa 'yo," patuloy na pangongonsensya niya.
Napatayo ako nang kama nang di oras no'ng sinabi niyang na nasa pinto na pala siya kanina. Wala nang bihis-bihis pa at kumaripas ako nang takbo patungo sa pinto at agad siyang pinagbuksan.
"Surprise!" Pambungad na pagbati Igo habang may hawak na helment sa kanyang mga kamay.
Napakamot ako ng ulo bigla nang dahil sa hiya. Nakaharap ako sa kanya ng sabog pa ang buhok ko at mata kong papikit-pikit pa sa antok. "Talagang nagawa mo pa talagang mag-antay nang matagal ah?"
Nailibot niya ang kanyang tingin sa 'kin mula itaas hanggang baba."Syempre, joke lang 'yon. Kakararing ko lang no'ng tumawag ka,"
Napatingin ako sa sarili ko't biglang nakaramdam ako nang hiya sa katawan ko nang nalaman ko naka-sando't maikling boxer shorts na kulay puti ang tangi kong suot. Parang nilalamon na ako ng lupa sa sobrang kahihiyan na makita kang bagong gising, kahit gusto ko man siyang pagsarahan ng pinto pero hindi ko magawa dahil masyadong bastos naman gawin 'yon sa kahit sinong tao.
Gusto ko siyang batukan sa ginawa niyang 'yon – nakonsensya ako na pinaghintay ko siya nang matagal, tapos joke lang pala 'yon. Kahit gano'n, pumayag na 'kong sumama't kaya't pinapasok ko siya't pinaupo sa sala para hintayin niya na ako roon. Hindi na ako nag-atubili pa at nagmadali na 'kong mag-ayos ng sarili – simula sa pag-kuha ng tuwalya at susuutin kong puting t-shirt at itim na chino shorts para isang suotan na lang. Aligagang-aligaga na 'ko sa kakamadali kaya't nag-sabon na lamang ako nang katawan at sabay buhos sa katawan, kahit nakakanginig laman ang tubig sa timba kapag ganitong oras.
BINABASA MO ANG
Dito Ka Lang (BxB)
General FictionHindi inaasahan ni Enr ang kanilang paglipat sa panibagong lugar kasama ang kanyang pamilya. Sa kanilang pag-lipat ay hindi niya akalain na iiwanan na lang siya bigla ng kanyang pinakamamahal na siyang parang bagyo sa kanyang buhay. Dahil doon, di n...