Panlabing-anim

264 19 1
                                    

ENR 

Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Igo sa Aling Lena's noong nakaraang linggo, napansin ko na unti-unti na siyang umiiwas sa 'kin. Sa tuwing lalapit ako sa kanya, lagi niya lang sasabihin na busy siya o kaya may ginagawa lang siyang importante. Hindi naman siya ganoong tao, pero pinababayaan ko na lang muna siya, at baka wala lang talaga siya sa mood makipag-usap sa 'kin. Nakakapagtaka lang kung bakit siya dumidistansya nang gano'n-gano'n lang; wala naman ako sigurong nasabi o kaya nagawang masama sa kanya.

Kapag china-chat ko siya sa messenger o kaya tinetext, wala man lang akong natatanggap na reply sa kanya. 'Pag sa chat naman, seen lang ang madalas kong natatanggap mula sa kanya. Ewan ko ba, parang pinagsasakluban na 'ko ng langit at lupa dahil kung sino pa ang tinuturing kong bestfriend, bigla na lang mawawala ng parang bula.

Sa tuwing sasapit ang break, ako na lang mag-isang kumakain at nakikinig na lamang ako ng mga kanta sa cellphone ko o kaya minsa'y naglilibot lang ako mag-isa. Kahit gusto ko siyang kulitin ngayon para makipag-kwentuhan sa kanya at sabihin ang lahat ng nangyayari sa 'min ni Kah, siguro kailangan ko lang siyang bigyan ng space dahil baka mamaya't naiirita na 'yon sa 'kin. Kapag uwian naman, si Kuya na lang ang nakakasabay ko. Pati si Kuya, napapansin na rin ang pag-distansya ni Igo sa akin. Kapag tinatanong niya 'ko, lagi ko na lang sinasagot na busy lang siya o kaya may mga kailangan lang gawin.

Kapag nasa sessionistas practice kami ni Igo, para kaming hindi magkakilala kapag nandoon kaming dalawa — para kaming multo na hindi nakikita ang isa't isa. Minsan, didistansya siya at makikipag-usap sa iba at kapag lalapit ako sa kinakausap niya'y lumalayo na lang bigla. Napapansin ng mga ka-org namin na parang may kakaiba sa aming dalawa, lagi akong tinatanong ng iba kung may pinag-awayan ba raw kami o sadyang galit lang sa akin si Igo; pinapalusot ko na lamang sa kanila na baka may pinagdadaanan lang siya o gusto lang niyang mapag-isa kaya hindi kami ganoon nagpapansinan. Kapag practice kasi, hindi daw kami mapaghiwalay sa sobrang close naming dalawa. Kitang-kita sa mga reaksyon ng ka-org naming na parang nanghihinayang sila na hindi kami nagpapansinang dalawa.

Miss na miss ko na siya, para kasing may kulang 'pag hindi ko siya nakakausap o nakakasama man lang. Simula noong makilala ko siya, parang ang gaan ng loob ko at walang takot na harapin ang mga bagay na hindi ko kayang gawin pag nandiyan siya. Ngunit, baka kailangan niya rin siguro ng distansya at baka naiinis na siya sa 'kin. Noon naman, lagi naman siyang nariyan kapag may problema ako o kaya kapag kailangan ng kasama. Sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi naman niya ugali ang magalit sa isang tao.

Habang naghihintay ako ng tricycle sa sakayan, nag-text si Kah at sinabi niya na tatawag siya mamayang gabi.

'Sige, tawag ka lang mamaya. Pauwi na rin ako,' tugon ko.

Babalik ko na sana ang cellphone ko, at biglang nag-ring ito. Pagkakita ko sa screen, tumatawag si Igo at nawala ang lahat ng pangamba ko, kaya'y agad ko tong sinagot.

"Hello Igo," pambungad na pagbati ko.

"Mag-usap tayo mamaya sa dalampasigan pag-uwi mo," seryosong pagkasabi niya. "Hihintayin kita."

Napangiti ako no'ng niyaya niya 'ko. "Sige," maikling tugon ko.

Binaba niya agad ang linya matapos ang usapan na iyon. Ako mismo'y nagtataka kung bakit ngayon lang niya uli ako kinausap, pero masaya naman ako na nagparamdam siya't gusto niya pa 'ko makita para lang makipag-usap. Kung ano man ang kanyang sasabihin, handa akong makinig at malaman ang mga hinaing niya. Bilang kaibigan, kailangan kong malaman dahil nakakabahala na rin ang mga pinapakita niyang aksyon simula no'ng huling usap naming sa Aling Lena's.

--

Pagkauwi ko sa bahay, agad kong nilapag ang lahat ng gamit ko lalagyanan. Hindi ako mapakali para sa paguusap naming dalawa, gustong-gusto ko uli bumalik ang lahat sa dati at humingi na lang ng dispensa kung may nagawa man akong masama sa kanya. Hindi ko kaya na mawala si Igo bilang kaibigan niya.

Dito Ka Lang (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon