ENR
Medyo nanginginig ako sa kaba sa gagawin ko para sa pag-amin ng nararamdaman ko kay Igo. Noong mga nakaraang araw, sinubukan ko siyang i-chat pero seen lang ang natatanggap ko sa kanya; tinawagan ko rin siya na Messenger at sa cellphone niya, pero lagi niya lang itong binababa. Siguro, mga dalawang sunod na araw kong ginawa 'yon pero sadyang hindi ata pinapayagan ang tadhana na mag-usap lang kami sa phone o sa chat man lang.
Humingi ako ng tulong kay Kuya Kaz, dahil hindi ko naman na alam ang gagawin ko no'ng mga panahong 'yon. Hindi talaga ako mapirme hangga't masabi ko na talaga ang kung ano na ba talaga siya para sa puso ko. Ang sinabi na lang niya'y kailangan ko siyang kausapin ng personal dahil iyon ang pinakamainam na gawin ko para masabi ko sa kanya kung ano talaga ang gusto kong iparating sa kanya. Nag-aalangan akong gawin 'yon, dahil baka mamaya'y hindi niya talaga ako pansinin. Pero, may punto si Kuya roon. Kung hindi ako makikipag-usap sa kanya nang harapan, hindi talaga maayos ang dapat maiayos sa aming dalawa.
Habang nasa byahe kami ni Kuya papuntang school, binabagabag pa ang puso ko sa kaba dahil heto na ang tyansa ko para masabi ko na talaga ang nararamdaman ko kay Igo. Naninginig ang kamay ko sa sobrang pag-iisip ng mga what ifs sa posibleng mangyari kapag nasa harapan ko na siya. Huhubarin ko na ang hiya na nasa katawan ko, para lang umayos ang lahat sa amin.
Hinawakan ni Kuya ang kamay ko. "Nanlalamig ang kamay mo, Enr. Kinakabahan ka ba para mamaya?"
Napabuntong-hininga ako. "Oo Kuya," sagot ko habang nag-aalala sa posibleng mangyari sa gagawin kong move.
Tinapik-tapik ni Kuya ang kamay ko. "Nako, lagot talaga si Igo sa 'kin pag hindi ka niya pinansin. Ako na mismo ang gagawa ng paraan para lang maging kayo."
Sinitsitan ko si Kuya at tinitigan ko siya sa mata para tumahimik dahil baka marinig ni Papa na nagmamaneho ng kotse sa harap. Natahimik naman siya agad pagkatapos n'on.
Biglang sumingit si Papa sa usapan naming dalawa ni Kuya Kaz habang nagmamaneho. "Nako, tama nga ang kutob ko na gusto mo si Igo."
Nagulat ako sa sinabi ni Papa. "Huh? Wala po Daddy ah?" patanggi ko sa sinabi niyang 'yon tungkol kay Igo.
"Nako. Huwag mo na kasing itanggi, anak. Hindi naman ako katulad ng ibang mga tatay na bubugbugin ang mga anak kapag nalamang bakla sila. Sabi ko nga diba noon, tanggap kita?" ani niya habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. "Naghihintay lang ako na sabihin mo sa 'kin dahil alam kong dapat sa 'yo manggaling at hindi sa 'kin," dagdag pa niya.
Mas nangingig pa 'ko sa kaba no'ng pumasok si Daddy sa pag-uusap naming ni Kuya. Gusto ko sana ng right timing ng pagka-coming out sa kanya, pero nandito na tayo at na-corner na 'ko nang malala. Wala na akong nagawa kundi inilahad ko ang lahat-lahat sa kanya tungkol sa pagkatao ko. Pati ang ex kong si Kah, nakwento ko rin sa kanya. Nagulat na lang ako sa reaksyon niya no'ng nabanggit ko si Kah dahil noong ipinakilala ko siya bilang kaibigan kina Papa noong dinala ko siya sa bahay para gumawa ng project ay hindi na maganda ang pakiramdam niya sa unang kita pa lamang. Kaya napansin ko na medyo tahimik si Papa noong mga panahong 'yon.
"Nako! Agree ako diyan, Papa. Kung alam mo lang, iniwan na lang siya ni Kah no'ng lumipat tayo rito basta-basta dahil hindi niya raw kayang malayo si Enr,"sabat na pagkasabi ni Kuya Kaz.
"Duwag pala ang batang 'yon, hindi deserve ng bunso ko ng ganoong tao," inis na reaksyon ni Papa sa nakwento ni Kuya Kaz. "Dahil diyan, Team.. Ano ba uli 'yon anak?" tanong ni Papa tungkol sa ship name namin ni Igo.
"EnrGo!" sabay naming sagot ni Kuya.
Nagtawanan kami nila Kuya at Daddy noong mga panahong 'yon. Unexpected ang pag-coming out ko kay Papa. Kahit hindi 'yon ang ipinangarap kong pag-amin, it was worth it dahil alam kong tanggap na talaga niya ko kahit lalaki rin ang gusto ko.
BINABASA MO ANG
Dito Ka Lang (BxB)
General FictionHindi inaasahan ni Enr ang kanilang paglipat sa panibagong lugar kasama ang kanyang pamilya. Sa kanilang pag-lipat ay hindi niya akalain na iiwanan na lang siya bigla ng kanyang pinakamamahal na siyang parang bagyo sa kanyang buhay. Dahil doon, di n...