Heto ako muli at nag-lalakad sa ating mga ala-ala
Nag-lalakad habang may gulo sa isipan at may lungkot sa mga mata
Gulo ang isip sapagkat 'di alam paano mo ito nagawa
May lungkot sa mata sapagkat ang emosyon ay 'di na maka-wala
Sa aking isipan ay maraming pumapasok na mga tanong
Tulad ng "Pano mo ako nagawang pa-ikutin na parang gulong?"
"Ako lamang ba ay pina-asa at ako lamang ba ang umibig?"
"Iyong bang pag-ibig saking ay pawing naka-sulat lamang sa tubig?"
Alam ko na ang sagot sa bawat katanungan ay nasasa-iyo
Ngunit paano ko makukuha ang sagot na hangad ko?
Pagkat haharap pa lamang sa iyo ay durog na ang aking puso
Pagkat kahit anong gawing, 'di maka-limutan ang pan-loloko mo
Ano ng aba ang gagawin ko? Sino ng aba ang dapat pakinggan?
Utak ba na nag-sasabi na ika'y limutin at pakawalan?
O puso na nag-sasabing ikaw ay akin pang ibigin at gawan ito ng paraan?
Ano ng aba ang dapat kong gawin? Ano ng aba ang dapat kong piliin?
Utak ko'y gulo parin, puso ko'y na-aapektuhan na rin
Di na alam ang gagawin kung bibitawan ba o tuluyan parin pang-hahawakan
Kaya heto ako ngayon at nakiki-usap na kahit sino man
Naki-usap ako na iligtas ako mula sa kalituhan.
_____________________________________________________________
Hello po! this is my first time na mag-susulat sa wattpad so sana po intindihin nyo kung medyo pangit ang mga tula na i-update ko
VOTE
AND
COMMENT ^___^
PS: This is not a love story
BINABASA MO ANG
Tula Para sa mga Brokenhearted
PoetryTula pa sa mga sawi Para sa mga pusong na hati Para sa mga taong nasaktan Para sa mga taong gustong malinawan