Hintay

73 1 2
                                    

Heto na naman ako't walang sawang tinitingnan ang iyong litrato

Tinitingnan ito habang may luhang nagbabadya nang tumulo

Kasi nga miss na miss na kita ng sobra at todong-todo

Natatakot na 'di na bumalik at masira ng tuluyan ang puso ko


Nangungulila ako't puso ko sa iyong mga ingiti at tawa

Na kahit anong init at banas ng panahon ay walang panama

Sa puso kong nakakaramdam ng lamig na sobrang kakaiba

Dahil pinatamaan mo ang puso ko ng malamig na bala


Minsan nga'y hinihiling na sana, isa na lang akong gabok

Kasi kung sakali man, makita kita sa kabila ng bundok

O minsan, hinihiling na miging isang bulaklak

Na tumubo kung saan man naroon, baka sakaling makita ang mata mong mala pilak


Nakakapanghinayang ang mga oras na dumadang ika'y wala

Nakakahinayang ang masayang panahon pero wala ka

Yung parang kulang ang saya kasi nga nalagasan na

Yung para bang may nagbago na kasi iba na ang ingay ng iba


Minsan nga'y ini-isip ko na lang na ika'y kamuhian

Dahil ika'y walang sabi-sabi, walang paalam basta na lamang lumisan

Pero paano kung ang puso ko'y ayaw naman

At kung ikaw sa aking isipan ay nakatatak na rin 


Ngayon ay muli na namang nagtatanong ang puso't isipan 

Kinaka-ilangan ko pa nga ba na ikaw ay aking hinatayin?

Upang mawakasan na ang sinasabi nilang kahibangan 

At para matuldukan na rin ang sinasabi nilang kalungkutan


Ano na nga ba ang dapat kong gawin at ano ang dapat pakinggan?

Utak na ang sabi'y maging masaya't ika'y akin nang kalimutan

O pusong nagsasabing na ika'y babalik at kailangan lang ika'y hinayin

Ano nga ba ang mas matimbang at kailangan kong sundin?


Siguro nga'y kailangan munang ibaba ang tensyon sa dalwang panig

Kailangan ko munang bawasan ang ingay sa aking daidig 

Kailangan din munang yakapin ang sarili sa aking bisig

Baka sakaling sagot sa tanong at kalituhan ay aking marinig



________________________________________________________________________________

A/N: Hey guys!!!!! So here is the other poem, yehey!!!! \(^.^)/ Sorry dahil sobrang tagal na update, hehehe.

Para sa mga taong may hinihintay, nagdadalwang isip kung may hinihintay pa ba o nag hihintay na lang sa wala 

Please don't forget to

VOTE 

AND

COMMENT 


Tula Para sa mga BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon