Bitter

62 2 0
                                    

Hay naku, araw na naman ng mga puso

Nandito na naman ang mapupulang nguso

Nandyan na din ang mapupulang lobo

Pero ang mukha nama'y namumuti dahil sa pulbo


At yung iba naman kung makapagtitigan 

Kala naman ay magtatagal ang relasyon 

Eh ang kasa naman ay mamang ng bayan

Eh mas makapal pa  ang kanyang foundation 


Yung iba naman, todo ang post sa social media 

Eh kung makapag caption ay tela nobela na

Halata din namang sa internet ang kuha

Mag copy paste na nga lang, halata pa


At maypa flowers pang nalalaman 

Eh parang feelings din yan eh, nalalanta din

Naluluray din at 'di pangmatagalan

I-tatapon lang din naman sa basurahan


Isa pa din yang mga tsokolate na yan

Ilang segundo din nama'y lamang tyan na iyan

At para din namang inyong relasyon

Nakaka-umay at nakakasawa lang din


Parang sya lang din noon nung may kami pa

Yung noon namin parang flowers, nalanta na

Parang chocolates, sya'y na-umay at nasawa

At ngayon ako'y bitter na, dahil sa kanya 


________________________________________________________________________________A/N: Hello guys! Happy valentines (kahit bitter ako ngayon -_-) hahahaha

So, this is my new update for today sana magustuhan nyo

Para po sa mga bitter sa valentines, kaway-kaway

Please don't forget to

VOTE 

AND 

COMMENT 


Tula Para sa mga BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon