"Mahal ko sya, akin lang sya" 'yan sana yung gusto kong i-pagsigawan
Sa lahat ng ating makakasalubong para kanilang tandaan
Na nananatili parin yung ikaw at ako dito sa kanilang daan
Na magkahawak padin ang mga kamay sa bawat problemang nalampasan
Ngunit pano ko ito magagawa kung labag sa maraming bagay
Labag sa batas ni tadhana na pilit tayong pinag hihiwalay
Labag sa 'yong mga magulang , na sa'ting bawat kilos ay nakasubaybay
At lalo nang labag sayo, na kahit merong "tayo" sya parin ang iyong kahawak-kamay
Oo alam ko, alam ko aking sinta na hindi na ako, sya na
Sya na yung nii-isip mo pag nagsout ka na ng amerikana
Sya na yung gusto mong haranahin, yung dalagang dudungaw sa bintana
At alam ko na dyan sa puso mo, dyan sa pinaka gitna ay sya na yung reyna
Oo alam ko yun, dahil kita ko naman kung pano mo sya tingnan
Ramdam ko naman yung aura mo, na twing ka-usap mo sya'y gumagaan
Alam ko yun at handa akong palayain ka, ilagay lahhat ng ito sa nakaraan
Pero paki-usap wag muna ngayon dahil 'di ko pa kaya kahit sarili'y nabalaan
Hindi ko pa kayang makita na sya na yung nakakulong sa braso mo
Hindi ko pa kayang makita na sya naman yung nagpapatawa sa iyo
At sinasabihan mo sya ng matatamis na salita na nagpakilig sa kung sino
Hindi ko pa kayang makita kayo na magkahawak kamay, bumubuo ng salitang "tayo"
Papalayain naman talaga kita, maniwala ka aking sinta
Pero pwede bang dito ka muna, dinggin ang gusto ng puso kong medyo halata
Dito ka muna saking tabi, habang inihahanda ang puso kung saan tayo nakadirekta
Kung saan ako na yung magpapa-alam para hindi ka na mahirapang sabihin na hindi na ako dahil anng minamahal mo ay sya na.
______________________________________________________________________________
A/N: Sorry po if hindi ako masyadong makapag-update hehe. If meron po kayong gustong ipasulat na tula sabihin nyo lang po, kailangan ko din po ng inspiration, hehe.
Belated Merry Christmas and Happy New Year guys!!!!!
Please don't forget to:
VOTE
AND
COMMENT
BINABASA MO ANG
Tula Para sa mga Brokenhearted
PoetryTula pa sa mga sawi Para sa mga pusong na hati Para sa mga taong nasaktan Para sa mga taong gustong malinawan