"Masakit pero masarap", salita yan para sa pag-ibig
Pag-ibig na laging usapan ng ating bibig
Pag-ibig na parang nakasulat lang din sa tubig
Pag-ibig na kayang paluhain ang mata ng daigdig
Yung pag-ibig, masakit sa puntong ito ang naghari
Masakit, sobra sa puntong di ko na mawari
Na para bang nabasag na nag puso kong pagmamay-ari
Na para bang nawala na ang saya ng bahag-hari
Pero aaminin ko, masara, oo masarap
Kasi ikaw ang nagsabi kung pano mangarap
Kasi pinaramdam mo sakin ang pag-ibig sa iyong yakap
Kasi ikaw ang nagparamdam sakin kahit mahirap
Kahit na sobra-sobra na ang sakit, mahal kita
Mahal kita, mahal kita oo, sobrang mahal kita
Kahit na tayo lang ang nakaka-alam sa ating dalwa
Dahil natatakot tayong mahusgahan pero mahal kita
Mahal kita na kahit ang mundo nati'y parang hawla
Kung saan masikip, madilim at puno ng babala
Mahal kita kahit para tayong nasa malayong isla
Kahit tayong dalwa ay nasa malungkot na nobela
Mahal kita, oo mahal na mahal kitang talaga
Kahit sa atin ay ayaw makisama ng tadhana
Mahal kita, tangina, mahal na talaga kita
Kahit na alam na sa dulo nito'y wala tayong magagawa
Gusto natin na sa bawat tanghal ko ng kanta
nandoon ka at yayakapin kita aking sinta
Gusto sana natin na sa bawat pasok mo ng bola
Mangunguna ako sa hiyawan na sinasabing "mahal kita!"
Pero kasi, hindi talaga natin kayang magawa
Kasi natatakot tayong mapag-usapan tayong dalwa
Kaya pareho tayong talunan kasi wala tayong magawa
Kaya kahit nakangiti tayo, hindi tayo masaya
At iyon ang masakit, oo masakit, sobrang sakit
Hindi ko ma-intindihan ang nararamdaman kong sakit
Kasi tagusan na talaga sa puso yung sakit
Dahil ang sakit na ito'y lampasan pa sa salitang sobrang sakit
Pero pagkatapos ng tilian ng mga tao
Ako at ako parin ang tatawagan mo
Tatanungin mo sakin kung kamusta ba yung concert ko
At tatanungin mo din kung napanood ko ang bawat shoot mo
At yung parte na yun, yun yung masarap
Para na akong baliw, para na akong tanga noon
Tawagan mo lang ako'y para na akong lumulutang sa hangin
Boses mo palang parang langit ang nararamdaman
Masarap, oo masarap pero sobrang hirap
Pero kahit ganon, kahit nakakulong tayo sa kadiliman
Masaya naman, nagtatawanan at naghaharutan
Pero bakit paglabas doon, hindi na tayo pwedeng magpansinan?
Ang lungkot-lungkot naman, ang sakit-sakit naman
Na parang mas malaya pa tayo sa mundo ng kadiliman
Parang aswang, nagtatago at ayaw magpakita sa sino man
Parang mga kriminal na sobrang laki ng kasalanan
Ano bang kasalanan ko? Ano bang kasalanan natin?
At isang araw, nagkasundong itigil na ang laban
Dahil pagod na pagod na tayo at ayaw na natin
Kaya nag-usap na ito'y i-suko na lang natin
At sa mga oras na tayo'y nag-uusap tungkol doon
Para akong sasabog sa pinaghalo-halong emosyon
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon
Yung puso ko, parang unti-unting pinupunit at tinatapon
Pero masarap, sobrang sarap sa pakiramdam
Kasi hanggang sa huli'y magkahawak ang kamay natin
Yung parang ayaw maghiwalay at napipilitan lang din
Pero walang magawa dahil tayo'y sumuko na din
At dumating na ang araw na sabay tayong hahatulan
At ang pinataw sa ating dalwa ay ating kalayaan
Kailangan kitang palayain, kailangan mo akong palayain
Kailangang maghiwalay ng daan, deretso lang, bawal lumingon
Ang sakit-sakit, ang saklap-saklap, sobrang saklap talaga
Pero ang sarap, ang saya, ang saya-saya
Dahil kahit sa dulo, alam kong ako parin ang iyong sinta
Na hanggang sa dulo, mahal parin natin ang isa't-isa
________________________________________________________________________________
A/N: Hello guys! Musta buhay? Hahahaha
Sana po magustuhan nyo ang new chapter
Ang hirap palang magsulat ng umiiyak :'(
Para po ito sa mga taong nasa isang relasyon na hindi maka-amin
Please dont forget to
VOTE
AND
COMMENT
BINABASA MO ANG
Tula Para sa mga Brokenhearted
PoetryTula pa sa mga sawi Para sa mga pusong na hati Para sa mga taong nasaktan Para sa mga taong gustong malinawan