Nakaraan

110 5 0
                                    



Nandito na muli ako sa aming paaralan

At muling sinasariwa ang aking nakaraan

Mga ala-ala naming mag-kakaibigan

Dating pag-tingin din sa iyo aking babalikan


Sa 'king pag-lalakad ay napa-daan sa may hardin

At muli ngang na-alala mga senaryo noon

Na ang akala ko noon ika'y papunta sa akin

Ngunit napa-ngiti ng ma-pait ng ako'y lampasan



Napa-daan din sa aking dating silid-aralan

Na ang akala ko noon ako ang iyong tatabihan

Na ang akala ko ako ang iyong pupuntahan

Yun pala'y yung katabi kong iyong kaibigan



Ngunit ako'y napa-tigil sa aking pag-lalakad

Noong ako ay mapa-daan don sa isang silid

Dahil dito mo dinurog ang puso kong sugatan

At doon mo iniwan ang damdamin kong nasaktan



At dahil doon sa aking mga na-alala

Di na namalayan, tumulo na pala ang luha

At doon na-alala kung bat ako naririto

Nandito nga pala ako para ika'y limutin ko


Ngayon ako ay nag-lalakad na papa-labas dito

At bawat hakbang ko ay lilimutin na 'to

Bawat ala-ala ay ibabaon ko na rito

Ala-ala din sayo, sisikapin na limutin ko 

________________________________________________________________________________

A/N: Xinnian Kuaile everyone! Hope you like this update today, sorry kung medyo ewan, wala akong ma-isip eh, hahaha

I offer this poem sa mga taong gusto nang maka-limot sa mga heartbreaks, you'll going to move on , soon

Please don't forget to

VOTE

AND 

COMMENT 

Tula Para sa mga BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon