Isa, dalwa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampo
Mga bagay na kung tawagin natin ay numero
Ngunit para saki'y hindi lang ito basta-basta numero
Dahil para sa akin ito'y mag-sasabi ng mensahe ng puso
Isa, isa lamang akong babaeng may pangarap sa buhay ko
Ngunit ng nahagip ng dalwang mata ko, nag-bago ang direksyon ko
At para bang tatlong beses tumigil ang pag-tibok ng puso ko
At para bang apat na segondo tumigil sa pag-ikot ang mundo
Limang beses kong hindi pinansin lahat ng aking nararamdaman
Ngunit sa pang-anim na beses ay alam na ngang ika'y mahal na rin
At pitong linggo ko ngang itinatago ang aking nararamdan
Pag pinihit ko kaya ang walo, ito'y maging walang ka-tapusan?
At sa pang-siyam na buwan ay pinili ko na ngang umamin sa iyo
Ngunit sampong sunod-sunod na luha ang pamatak mula sa mata ko
Dahil inamin mo saking mahal mo na pala ang kaibigan ko
At doon nga ay tuluyan mo ng dinurog ang aking puso
Isa, dalwa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampo
Mga bagay na akala ko nga ay numero ng pag-ibig ko
Ngunit mukha yata ako'y nag-kamali sa mga bagay na ito
Dahil ito pala ay numero, numero ng kalungkutan ko
________________________________________________________________________________I dedicate this for those people na umasa na mamahalin sila, pero wala lang pala.
Please don't forget to
VOTE
AND
COMMENT
BINABASA MO ANG
Tula Para sa mga Brokenhearted
PoetryTula pa sa mga sawi Para sa mga pusong na hati Para sa mga taong nasaktan Para sa mga taong gustong malinawan