Iwan

83 1 4
                                    

Heto ako ngayon at nakatingin sa mga bituin 

Humihiling na sana, sana wag mo na akong lisanin 

Na sana "Dito lamang ako" ang iyong sabihin 

Na sana presensya mo sa aking tabi'y wag nang alisin 

Oo, alam ko na para sa iyo ako'y bale wala

Na sa buhay mo ay wala din naman akong halaga 

Pero alam ko din naman na alam mong gusto kita 

Pero parang wala ka ding pake, dahil ako'y nasaktan mo na

Nasasaktan ako dahil sayo ng pa-ulit ulit 

Ngunit di pinakita't pekeng ngiti sa mukha'y ginuhit 

Ano bang karapatan ko, sayo nama'y ako di nararapat 

At alam ko naman na para sayo ako'y di sapat 

Pero bakit kahit  gusto kitang kamuhian, di ko magawa?

Dahil nahuhulog parin ako sa iyong mga tawa

Kahit na di ako ang dahilan ng kislap sa iyong mata 

Masaya ako, kahit sayo'y hindi ako ang nagpapasaya

Ngunit mukhang lahat ng iyo'y mawawala sa isang iglap

Dahil ikaw ay lilisanat iiwan akong ganap

Puso ko ay muli na namang maghihirap

At kasabay ng kalungkuta'y pag luha muli ng ulap

Pagod na  pagod at sawang sawa na akong ma-iwan 

Hindi ba pwedeng dumito ka na lang sa aking tabihan?

Dito ka lang, kahit hindi na ako ang iyong mahalin

Tratuhin mo na akong parang hangin, basta wag ka lang lumisan

Pero ano bang  magagawa ko kung desisyon mo'y buo na

Na iwan ang puso kong basag at di na gumagana

Iiwan mo ng puno ng lungkot at puno ng sana

At ma-iiwan na naman ang puso kong dahil sa lungkot ay nanghihina

________________________________________________________________________________

A/N: Hello  guys! Here's my new poem hope you like it

Dedicated for those people who has been left behind 

VOTE

AND

COMMENT

Tula Para sa mga BrokenheartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon