Madaling araw na at ang lamig na rin ng simoy ng hangin pero heto ako at nadito sa rooftop ng bahay.hindi ako makatulog! Walangya! Bakit ano bang meron?
hinalikan lang naman ako ni bratney!
nahalikan ko naman na siya at hindi naman ako ganito noon!dahil ba siya ang humalik?
damn! Ano bang ginawa ng baklang yon?
"hay nako..moon alam mob a hindi ako maka tulog kaya kanina pa ako nakikipag titigan sayo"
para akong baliw kinakausap ang moon na bilog na bilog at maliwanag"Moon alam mo ba na hinalikan ako ni bratney.." uminit ang pisngi ko! The effect of him on me huh?
muka talaga akong siraulo dito. Pero wala eh nakasanayan ko ng kausapin ang buwan feel ko kasi nakikinig siya at inaako niya yung mga problema ko at napapagaan ang kalooban ko.
siraulo lang.
ang daming stars! Parang may nag saboy ng mga bituin ngayon at sobrang sarap tignan!
Naisip ko agad si kuya... isa na kaya siya sa mga bituin? Masaya na kaya siya kung nasaan man siya ngayon? Napatawad na niya kaya ako sa mga nagawa ko 5 years ago?
pumikit ako dahil nararamdaman ko na ang damdamin ko...
"alam mo ang landi mo eh" isang malakas na sampal ang natangap ko matapos ito sabihin ng babaeng pinag katiwalaan ko sa lahat.
"wala akong ginagawa-" sampal sa ikalawang pakakataon
"eh gago ka pala eh!" halos mabingi ako sa sigaw niya saken
"ikaw! Ikaw babae ka ang dahilan ung bakit namatay si kuya dark! Mang aagaw ka na nga ang landi mo pa!" kita ang galit sa mata ng babaeng kaharap kopinilit ko pang alalahanin ang iba pero sumasakit lang ang ulo ko
hanggang ngayon hindi ko mapatawad ang sarili ko bukod sa limitado ang mga na aalala ko ay ako pa ang dahilan kung bakit namatay si kuya darksi kuya ay inampon nila mom at dad baby pa lang ito hindi na nila pinalitan ang given name na dark ni kuya halos 4 na taon ang agwat ko sakanya.
inampon siya nila mom dahil mag 9 na taon na silang kasal pero wala parin silang anak (base sa kwento ni manang saken) at nawalan na sila ng pag asa na maka buo ng sarili nilang anak kaya ng tinawagan si dad ng kaibigan niya na may batang iniwan sakanya at hindi kayang buhayin ng kaibigan ni dad ay sakanya na lang ito ipinaubaya
"dark is his name" isang note. yan ang kasama ni kuya sa basket kung saan siya nakalagay nung iniwan siya sa kaibigan ni dad
"ihja.." nagulat ako ng biglang lumitaw si manang sa tabi ko
"manang..." weak akong ngumiti sakanya
"iniisip mo nanaman ba ang kuya mo?" hinaplos ni manang ang buhok ko
"manang pwede mop o ba ako kwentuhan about kay kuya?" nag aalalang tinignan ako ni manang
"please po?" nag puppy eyes pa ako baka kasi makatulong"oo na neng basta matulog kana pagtapos nito ah?" napabuntong hininga si manang ako ako naman ay malapad ang ngiti.
"Alam mo yang si dark sobrang bait na bata niyan..." seryoso ko tinignan si manang habang naka tingin sa malayo
****
kasama ng batang dark ang kanyang yaya habang nag lalaro sa playground. Masigla niyang kinakaibigan ang mga bata at kahit hindi siya pinapansin ng iba ay tuloy parin siya sa kanyang pakikipag kaibigan
"hello bata! Ako nga pala si dark pero hindi ako masamang yung pangalan ko lang" masayang nag pakilala ang batang dark sa isang batang lalake na mag isang nag lalaro ng kanyang robot sa buhanginan.
"magkabaligtad naman tayo" sagot nga batang kinausap niya
alangan naman iba sumagot?
"ano? Bakit naman?" tanong ng naguguluhang batang dark
"ako kasi si light.." may tinuro ang batang si light sa likod ng batang si dark
"at sila naman sila ice si moon si bads at si jax" masayang pakilala ng batang si light sa mga kaibigang nasa malayo"gusto mo ba kami maging kaibigang?" maligaya at excited na tanong ng batang si light
"oo naman! Wala kasi akong kaibigan kasi maliit pa lang yung baby sister ko" cute na sabi ng batang darkhinila ng batang light ang maligayang maligaya na si dark dahil sa wakas ay mag kakaroon na siya ng mga kaibigan!
"ice! Moon! Bads! Jax! May bago na tayong kalaro!" sabay sabay na lumingon ang mga bata
mabilis na nagkasundo ang mga gwapong bata sama sama silang nag aral at pumasok sa eskwelahan bilang isang prep. Halos magkakapatid na ang turing nila sa isat isa lalo nan g tumungtong na sila ng high school ay sila parin ang mag kakasama
ang unang batch na mga anak ni Adonis.
noong high school sila ay halos lahat ng kababaihan ay nahuhumaling sakanila
lalo na kila dark at jax"grabe dude ang gwapo niyo talagang dalawa daming chicks na nag bibigay sa inyo pag valentines" untag ni light sa dalawang kaibigan.
"tss.. I don't need these trash" hawi ni jax sa mga nakalagay na love letter sa locker niya
"oh come on jax simon! Saying naman effort ng mga babes eh wag mo itapon" kahit kalian napaka playboy talaga ni jax
"oo nga naman jax wag mo itapon saying naman" sabi naman ni dark
"inyo na lang ayoko ang panget ng mga design. Ang corny. Napaka walng kwenta ng mga nakasulat" harsh na sabi ni jax at umalis na at iniwang nag tatawanan sina dark at light
mga baliw mag sama kayong liwanag at dilim.
sakanilang magbabarkada si jax ang pinaka suplado siya rin ang pinaka gwapo at pinaka habulin ng mga babae sa kanilang school.
"ano nerdy boy? Hindi mo nagawa ang assignment naming akala ko ba matalino ka ha?" habang nag lalakad ay napadaan si dark sa eskenita kung saan may 4 na lalake na pinapalibutan ang isang lalake
"ano? Ha? Tinatarantado mo ba kami?" mahinang hinampas sa ulo ng lalake ang hawak na notebook sa isa pang lalake na may makapal na salamin?
hindi ito naka lagpas sa paningin ni dark at nilapitan niya.
"mga mahihina." diretso niyang sabi sa mga lalake
"Ano?! sino ka bang gago ka?" tanong ng lalakeng mukang leader nila.
"bingi pa. alam niyo bata ko yan eh" sabay turo ni dark sa lalakeng naka salamin
inayos ni dark ang uniporme kaya lumitaw ang kanyang kwintas.
halata ang pagka putla ng mga lalake ng makita kung anong kwintas ito
mabilis silang nag sipag alisan at iniwan ang lalakeng naka salamin
"l-leader ka ng-" pinigil siya ni dark
"wag kang maingay ah? walang nakaka alam pagkakatiwalaan kita ha? "
sabay alis ni dark
***"laging pinag tatangol ni kuya dark mo ang mga nabubully kahit mas matanda pa sakanya ang nang bubully eh talagang ipagtatangol ni kuya mo" parehas na kami ni manang na sa malayo naka tingin
"manang miss na miss ko na si kuya..." nararamdaman ko na ang luha ko na malapit ng bumagsak
nung nawala si kuya sa buhay ko parang nawalan na din ako ng pamilya dahil kahit ako ang tunay na anak ay parang ampon naman ang turing saken at si kuya? ayun siya ang nag paramdam saken na may pamilya ako.
kaya nung nawala si kuya sobra akong nasaktan.
hindi ko alam ang gagawin ko nung mga panahon nawala si kuya
kasi siya ang pamilya ko siya ang kuya ko siya ang tagapag tanggol ko at higit sa lahat
siya ang unang lalakeng minahal ko.
BINABASA MO ANG
Love from the Past
Romancelook back at your past for the clearer future but never try to go back