XV

6 1 5
                                    

JAMES PoV 

Grabe parang mag jowa tong katabi ko ah? grabe talaga epal kasi ni zo eh dapat ako sa harap ngayon mukang nakakaistorbo pa ako sa dalawang to 

alam niyo ba kung paano pwesto nila? 

ganito yan mga pare si renee naka sandal ang ulo sa balikat ni papsy jax tas naka yakap pa yung parang may yakap na teddy bear? at si papsy jax naman ayun naka patong ang ulo sa ulo ni renee at naka akbay pa!

grabe! sila! 

"Zoren sa tingin mo kailan babalik alaala ni renee?" tanong ko sa busy na nag lalarong si zoren 

ML pa.

kaya nagulat ako ng bigla siyang nag exit sa game at nilingon ako. seryoso si paps zoren ah

"you know james gustong gusto ko na bumalik alaala niya kasi siya ang susi at nag iisang witness sa pagkamatay ni dark. I don't believe in darks suicide note. Hindi niya magagawang bawaiin ang buhay niya ng ganun ganun na lang" at tama. tama si zoren hinding hindi magagawa ni dark ang pag papakamatay 

"pero si jax alam niya lahat hindi ko lang mapag tanto kung bakit ayaw niyang aminin lahat kay renee" 

"may sariling desisyon si jax, james alam natin na lahat ng ginagawa niya ay para kay renee" 

"kung sabagay na alala ba nung una nating nakita si renee?" sabay kaming napa ngiti ni zoren ng na alala ang araw na yun 

graduation day ng mga mag babarkadang sila light, Ice, dark, james, jax, at zoren 

"mga tol graduate na tayo! saan niyo balak mag high school?" tanong ni light 

"sympre mga gwapo tayo saan paba? edi sa UE doon dapat nag aaral ang mga gwapong katulad natin no" bidang sagot ni james 

"akala ko ba sa la salle greenhills? exclusive all boys yun" si zoren na takot makihalubilo sa mga babae 

"what the heck dude? are you serious? bakit naman tayo sa all boys? are we gays?" si Ice na isa rin sa mga pasimuno at kasama ni james mambabae

"bakla agad? hindi ba pwedeng mas malapit lang yun sa Subdivision namin?" 

"I made my own research about UE and maganda ang way of teaching nila at kung gusto niyo ng magagandang babae madami din dun and also maganda rin ang facilities nila" si dark na kala mo goodboy pero matinik din sa chiks at pinapatulan din. basta maganda at sexy.

"I  agree to dark maganda sa UE" si jax na laging pinagkakamalan na bakla dahil sa aura niya at kilos niya 

"so sa UE na tayo?" tanong ni light at sabay sabay na nag agree ang magbabarkada 

bukod kay zoren. 

paalis na si zoren ng may nabangga siyang isang babae. na sa tingin niya ay 3 taon ang tanda niya kesa sa babae 

"please look before you run like a theft" sinungitan niya ang babae at hindi na pinansin 

"whoaaa zoren easy lil sis yan ni dark" singit ni james na siya ng tumulong sa babae 

samantalang si jax ay tulala at na starstruck na para siyang nakakita ng real life angel parang gusto niya itong protektahan hanggat s anabubuhay siya ang simpleng kagandahan ng babae ang sobrang nakaka pag pa attract kay jax 

mabilis na tumibok ang puso niya ng lumapit ito sakanya ang buong akala niya ay sakanya lalapit pero nag kamali siya pinuntahan nito ang lalakeng nasa likod niya 

"Kuya dark! congrats! ako din ilang taon na lang at mararanasan ko na din ang totoong school!" 

nag taka si jax. peke ba ang school na pinapasukan niya? 

"kung pwede nga lang college kana mag attend sa school eh hay nako maganda kaya ang home schooled" 

biglang napa ngiti si jax bakit hindi niya naisip yun? peke amputa 

lumapit si jax kay james at tinanong bakit kilala niya ang kaptid ni dark n=gayong lahat sila ay ngayon lang ito nakita 

"si mommy kasi ang teacher niya kaya ayun kilala ko hilig nga ikwento saken ni mommy yan si renee..." bigla ulit naramdaman ni jax ang mabilis na tibok ng puso ng narinig ang panggalan nito "kesyo bagay daw kami minsan daw samahan ko siya pag pupunta sa bahay ni dark" 

"dude maraming langgaw" hinawakan naman ni zoren ang baba ni jax dahil hindi namalayan ni jax  na naka buka na pala ang bibig niya. 

"ang ganda niya.." yun lang ang nasabi niya sa dalawang katabi niya habang naka tingin sa tumatawang renee kasama ang kuya nito at ang iba pa nilang kaibigan. 

***

natawa ako nung na alala ang reaction ni jax ng una nilang nakita si renee. 
ako kasi nauna ko ng nakita yun si renee kasi ng teacher niya noon si mom at ayun napilit ako ni mom na sumama sakanya isang beses. 

"alam mo zoren bagay silang dalawa ni jax. manhid lang talaga to si renee eh. kung sabagay baka mahal niya pa si matthew..ang gaong yun dapat dun-" 

"stop mentioning his name james" nagulat ako ng nag salita bigla si jax 

"dude! magkaka heart attack ako sayo niyan eh!" umupo ng maayos pero dahan dahan si jax ayaw ata maistorbo ang tulog ng sleeping beauty niya.

hindi niya ako pinansin at nag lagay na ng earphones ganun din ang isang kaninang nakikinig saken. 

mga bastos talaga eh! kailan kaya ako seseryosohin ng mga gagong to? 

kayo na nga lang daldalin ko readers. 

sainyo ko lang sasabihin to kahit sila jax at zoren hindi alam to 

the real reason why matthew courted and pursue renee until she falls inlove is gusto niyang maka ganti kay dark. He felt so out of place nung bum alik siya galing US akala niya talo parin silang magkakaibigan nila light at Ice pero mali siya nung bumalik siya, paaano ko nalaman? kasi isang beses narinig kong kausap ni light si matthew 

at inamin laht ni matthew, umayon ang plano niya npa ibig niya si renee at double ang saya niya hindi dahil sinagot siya ni renee kung di dahil nalaman niyang in love si dark sa step sis niya at unti unti niya ng nababwi ang mga kaibigan niya. 

nung una napigilan ko ang plano nila na igang rape si renee. sobra ang galit ko sakanilang tatlo kasi kahit si light na sobrang close kay dark ay pumayag. ginawa ko ang lahat para hindi sumama ng gabing yon si renee kay matthew at laking pasasalamat ko kasi napigilan ko. 

nag failed sila sa mala demonyo nilang plano kay renee

hanggang sa nakilala ni matthew si andrea ang babaeng nagpatibok ng puso niya. 
bakit ko nalaman? im quiet good at observing people i know when they feel nervous, in love and especially when they lie at kitang kita ko ang mga mata ni matthew pag nakikita si andrea 

si andrea na totoong kapatid ni dark parehas silang galit kay renee kaya mas lalo silang nagkasundo salamat sa pagiging chismoso ko minsan kasi nalaman ko na sila na habang sila ni renee 

at ang huling palano ni matthew kay renee ay nagtagumpay hindi ko nalam kaya hindi ko napigilan ng nagawa nila yun yun din ang araw na nawala samin si dark. 

hindi ko alam kung gaano ka gago si matthew kasi ang laki ng galit niya sa kuya ng taong mahal niya at hindi niya na nirespeto si renee. 

kay kaming tatlo galit na galit sakanya. kahit ako gusto kong malaman ang lahat lahat kung bakit nagpakamatay si dark at bakit nila ginawa ang bagay na yun kay renee. 

Love from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon