IV

20 0 0
                                    


"Ano matt? hanggang nagyon ba naman? ayaw mo parin maniwala? ang dami ng ebidensiya na mag didiin sakanya!" sigaw ng babae na kilalang kilala ko kung sino

"Andrea tama ka.." shit ano to? bakit parang nauulit ang nakaraan? ano to hindi ayoko na maranasan! please! ayoko na!

bigla akong nagising dahil sa alarm sa side table ko.

shit! ano yun?

pinunasan ko ang pawis na namuo sa noo ko at napayuko na lang kusang lumandas ang mga luha.

may kumatok kaya alam kong si manag ito

"rene ineng? may bisita ka gising kana" sigaw ni manang ka likod ng pintong nakasara

mabilis kong pinunasan ang mga luha at na alalang susunduin nga pala ako ni bratney para sa practice ng banda namin... oo namin.

isasawalang bahala ko muna ang nakaraan.

naligo ako at naramdaman ko ang lamig ng tubig nakatulong ito para maibsan ang nararamdaman ko

pag tapos ko maka pag ayos ay bumaba na ako at walanya!

yung anak ni adonis naka upo sa sofa namin.

at dang! anghel sa lupa!

"GoodMorning renee!" masigla niyang bangit at tumayo mula sa pagkakaupo

"neng pinapasok ko na siya kasi alam ko naman na matagal ka maligo kawawa naman tong bata na to kung sa labas ko pag hihintayin eh ka gwapo pa naman.." napatingin ako kay bratney na nangiti sa sinabi ni manang

"sige na neng at mag almusal muna kayo nito ni pogi naka handa na almusal"

mabilis na tumanggi si bratney.

"nako po kahit wag na nakakahiya naman po sainyo" napahawak si bratney sa batok niya at grabe ah hindi mo mababakas ang pag ka bakla sa aura niya ngayon

"nako ihjo masama ang tumanggi sa grasya sige na neng at sabayan mo na siya mag almusal baka ma late pa kayo sa eskwela"

wala naman nang nagawa si bratney at sumunod na lang kay manang.

habang kumakain kami ay kwento siya ng kwento ngayon ko lang siya nakitang ganito.

kasi sympre kailan lang kami nag ka kilala pero ang cute ng madaldal side niya kasi pati ako napapa kwento at sobrang random ng kwentuhan namin hindi na nga namin namalayan na late na pala kami

nag paalam na kami kay manang na aalis na kasi late na kami.

At kahit nasa sasakyan ay puro random talks parin ang ginagawa namin

"Nga pala ren..." ren ang naisipan niyang inickname saken.

"naka pili kana ng kanta? or yung kinanta mo na lang saken kagabi?"

bigla naman uminit ang pisngi ko ng naalala na kumanta nga pala ako sa harap niya kahapon

"Ah.. hehe wala pa pero may mga alam naman na ako kaya maya ko na lang sabihin pag nasa campus na tayo"

simpleng tumango na lang siya.

habang nasa byahe kami ay minsan sinasabayan niya ang kanta naka radio kasi kami ngayon at ito ang gusto ko sa radio kasi kahit random ang mga kanta ay ang gaganda at lalo itong gumanda ng sinabayan ito ni bratney

sumunod na kanta ang moonlight over paris kasama sa mga favorite ko na kanta

"oh does the moon light shine on paris
after sun goes down...
if the london bridge is falling will anybody hear a sound?"

Love from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon