Ito na...kinakabahan na ako 1 oras na lang bago mag umpisa ang band contest at sa eliminationround ay naka pasok kami kaya 4 na banda kaming mag lalaban laban.
oo nga pala at iba iba rin ang university na pinang galingan namin
lahat ng banda na nandito ay all boys kami lang ang babae ang vocalist pero kami lang rin ang may pinaka malakas na crowds cheer.
bukod kasi na sa campus namin ginawa ang competition ay dahil din saw saken (daw) halos magkasing dami lang ang lalake at babae na manunuod kadalasan kasi ang alam ko mas madami ang babae pero ngayon equal! mas marami pa ata ang lalake
lumapit saken ang mga ka bandmates ko na kanina pa patawa tawa samantalang ito ako halos mamatay matay na sa kaba!
"yo! ms.oh chillax! kaya natin to naka lusot nga tayo sa elimination round" sabay ngiti ni james habang ni tap ang balikat ko.
"kaya nga renee chill ikaw pa ba? ang galing mo nga kumanta eh tignan mo mas madaming lalakeng audience" sabi ni zoren at sabay silang tumawa ni james
inirapan ko nga.
"ow easy lang"
"ren, remember all my advice ha? wag ka ng kabahan diyan." may binulong nanaman siya at sila james at zoren lang naka rinig kaya napa "oww" ang dalawa
"ano?" tanong ko para lakasan ni brat ang boses niya
"sabi niya ha- aray naman tol ang sakit ah?" bigla siyang siniko sa sikmura ni bratney
"bakit ayaw mo parinig jax?" tanong ni zoren na nangiti na rin
"gusto niyo bang mag disband tayo ng wala sa oras?" seryosong tanong ni bratney
"ito naman tol dika mabiro" umakbay naman si james sakanya
"hay nako jax" si zoren
hinawi naman ni bratney ang braso ni james na naka dantay sa balikat niya
awww bromance! bagay pala sila ni james? parehas silang gwapo parehas matangkad at matipuno pero mas matangkad ng mga 2 inch si bratney
napansin ng dalawa ang pagtitig ko sakanila kaya napahinto sila sa pag aasaran
"oh gwapong gwapo ka na saken renee ah? matunaw ako nako maraming iiyak niyan" binatukan ko nga
"siraulo"
"Alam mo mapanakit kayong lahat ganyan ba kayo saken? battered bandmate ba ako para sa inyo?" pag dadrama ni james na may pa hawak pa sa dibdib
baliw.
"palagi kong pinagdarasal ang kapakanan niyo tas sinasaktan saktan niyo lang ako?" at talagang kinarir niya ah?
"baliw"
"timang"
"siraulo"sabay sabay kaming tatlo na sinabihan si james kaya napa upo siya para ipagpatuloy ang acting niya.
"tignan niyo na! grabe talaga kayo saken! alam niyo ayoko na i quit!" ay mukhang seryoso ang isa sa mga anak ni adonis ah?
"Okay for the next band let's give them a round of applause!" nag salita ang emcee
makabasag eardrum ang sigawan ng mga babae at pati ng lalake? aba mukang sikat ang next band ah?"ACE!" uy ganda ng panggalan...WHAT?! KAMI NA? teka lang naman!! hindi pa nga ako nakaka hinga ng maluwag eh
"ay joke lang tara na mga mahal kong ka bandmates tayo na pala ang mag pe-perform." siraulong james na anak ni adonis din eh

BINABASA MO ANG
Love from the Past
Romancelook back at your past for the clearer future but never try to go back