III

22 1 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at grabe hanggang ngayon hindi parin ako sanay sa atensyong nakukuha ko galing sa mga tao

"Grabe renee ang ganda ganda mo talaga"

"Oo nga sana pala niligawan na kita noon grabe ang ganda mo"

"Girllll!!! Ang ganda mo ah"

At madami pang pumuri hay nako ganyan talaga ang tao kapag maganda ka pansinin ka kapag panget ka pansinin ka parin at tampulan ng tukso

Katatapos lang ng pre finals at mabuti namang naayos ko ang academics ko at natuwa naman ang prof ko dahil sa improvement na nagawa ko

"Ms. Oh how are you? You look so gorgeous and less stress this past few days compared to the last time i talk with you"

Napangiti ako sa sinabi ni maam at naramdaman ang pag init ng pisngi ko

"Ma'am may mga bagay po kasi akong na realized gaya po ng sabi niyo hindi pwedeng mag kulong palagi sa nakaraan"

"Im glad you took my advice but anyways i like how you improve yourself all your grades now is perfectly fine and i like your academic performances"

"Thank you ma'am"
Ngumiti ako at aalis na sana ng nag salita ulit siya

"I want you to be part of our campus band, and be their vocalist renee" nagulntang ako sa sinabi ni maam. Ako? Sasali sa band? ha ha ha thank you next

"Ma'am?? Ako? Bakit po?"

"Because i know you can do it"

"Pero ma'am-"

"Please Ms. Oh no buts"

"Ma'am its not my forte po baka mapahiya lang po yung campus band natin"

"Teaching is not my forte too but you know what renee? The best place is your outside comfort zone"
Tinignan lang ako ni maam at yan nanaman siya sa malalalim niyang advice.

Totoong hindi ko forte ang pag kanta pero aminado naman ako na kahit papano marunong naman ako kumanta 

Halos hindi ko nagalaw ang pagkain ko kakaisip sa mga pwedeng mang yare nalaman ko kasi na drummer pala si bratney sa banda at ako? ha ha ayun future vocalist nila kasi yung last na vocalist nila ay lalake at may mga kailangan daw gawin na personal matters 

at ngayon ko lang nalaman na nag babanda pala si bratney? at dito pa sa campus ohmyghaad tapos mag kakasama kami sa isang banda kasi nga diba future vocalist nila ako huhuhu 

Myghaaad renee kung ano ano iniisip mo mabuti at kainin mo na lang ang pagkain mo.

nakita ko si bratney at ilang ka bandmates niya (na magiging bandmates ko din) na nag tatawanan grabeeee! as in ang gwapo nilang lahat may mga banda na akong nakilala at di naman sa pang lalait pero hindi lahat gwapo minsan vocalist lang gwapo pero ito?! omg parang mga anak ni adonis to eh! 


bakit ba ngayon ko lang nalaman na may banda pala dito sa campus? ilang taon na ako dito ah?

siguro dahila na din sa pag kulong ko sa nakaraan kaya hindi ko na alam mga kaganapan dito sa campus.  

Nang huling subject na at nag class dismissed na ay mabilis akong lumabas para maka uwi at ano pa nga ba? edi mag practice para sa practice ng banda. gets niyo? 

nag hahanap ako sa phone ko ng kanta at dahil busy ako sa phone ko hindi ko na namalayan na may tao na sa harap ko at nabangga ko na at anak ng adonis nga naman oh 

"S-simon hehe dito ka rin pala?"
Tinignan lang ako ng blangko ni bratney hindi ko alam kung ano ang iniisip niya mamaya iniisip niya na na basta basta lang akong babae kasi dahil sa kiss!

Love from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon