I

41 2 0
                                    

Paano nga ba ulit ako mag uumpisa ulit?
Wala yung bestfriend ko na pwedeng tumulong saken ayoko naman siya istorbohin kasi alam ko na busy rin yun sa buhay niya at sa pag aaral.

Tinignan ko ang buong kwarto ko.

Ang gulo.

Parang hindi kwarto ng babae.

Inumpisahan ko ng ayusin ang kwarto ko. Mga underwear na nakakalat mga damit yung mga papel na kalat kalat sa study table kumuha na din ako ng extra bumbilya para sa napunding ilaw sa study table ko mga libro na sabog sabog na kahit sa ilalim ng table meron

Cabinet na nag ka roon ng agiw at mga damit na hindi maayos ang tupi yung kama ko na kala mo may nag away na aso't pusa dahil sa gulo at iba pang kalat .

Inabot ata ang dalawang oras para malinis at maayos ng todo ang kwarto ko never ko naman kasi pinagalaw to sa mga kasambahay  namin ayokong na iinvade yung privacy ko.

"Wow ang linis! Achievement!!" Napasalamak ako sa kama ko kahit nakakapagod atleast kita ang pinagpaguran ko malinis na ang kwarto ko

"Next naman ay..ang..." kinuha ko ang papel ko na pinag sulatan para mas organize ang pinag gagagawa ko

"Hair." Okay tinignan ko sa salamin ang buhok ko at oo nga kailangan ng konting? Ayos

Pumunta ako sa salon kung saan pumupunta si momy para mag pa ayos kilala si mommy dito dahil amiga niya ang may ari kaya ayun nalilibre siya minsan

"Ms. Oh" code. Yeah kung gusto mo maka libre just say my surname! Pero joke kilala na kasi ako dito matagal na din akong pinipilit ni tita na mag pa ayos at libre ba para saken pero palagi kong tinatangihan

"OMG!!!" Sigaw ng baklang manager ito yung atat na atat mag ayos saken kasi daw "bongga" pag na ayusa. mga nasa mid 30's na siguro siya

"Alicia sweetheart-"
"Renee." Pag tatama ko importanteng tao lang ang pwedeng tumawag saken ng alicia
"Whatever you want, btw ali- i mean renee sweetheart are you here para mag pa ayos?"
Tango lang ang sinagot ko at nakita ko ang excitement sa mga mata niya

"OMG SWEETHEART! Finally"
Tinawag niya ang mga iba pang taga ayos at pinaupo na ako para ayusan ang dami nilang pinag gagagawa meron pa ngang aahitin ang kilay ko para daw mas may shape at lumabas ang natural na ganda nung una ayaw ko dahil sapat na saken yung ganito pero ang panget daw kasi sabog sabog. Wow.

3 hours din ang tinagal ko sa salon at masasabi kong magaling nga sila ang ganda na ng buhok ko!

"Oh my dear renee ang ganda ganda mo lalo hindi ako nag kamali sa mga akala ko! Pero alam mo panira yang pimples mo eh sandali" oo nga pero ano naman mawawala din naman tong mga to

"Bratney!!" Sigaw ni mariposa ewan ko ba bakit mariposa gusto niyang itawag ko sakanya eh ang ganda kaya ng name niya Gilbert Robert Almeda napangiti na lang ako dahil sa sobrang kakisigan ng pangalan niya yun naman ang kinalambot ng pagkatao niya

"Renee sweetheart this is bratney expert tong baklang to sa mga pag aayos ayos kaya ipapaubaya kita sakanya alam na niya ang gagawin" napanganga ako sa mga sinasabi niya.



bakla tong pinapakilala niya?

"Renee dear may langaw dito sige ka pasukan yan.." sabay hawak niya sa baba ko

"pero wag kang mag alala mabait tong si bratney.."

Bakla? Hindi nga?

"Sayang nga ang gwapo nito kaso berde pala. Osiya bratney samahan mo yang maganda kong anak ikaw ngayon ang fairy godmother niya"

May mga sinabi pa si mariposa kay bratney pero hindi ko na pinakinggan hinintay ko na lang siya sa labas

"Sayang ang gwapo niya pa naman cru-" natigil ang pag kausap ko sa sarili ko ng may nakita akong hindi ko pa handang makita ang taong dumurog saken ang taong nagpamuka saken na basta basta lang ako.



Love from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon