Una

490 28 74
                                    

"Kung ako'y papalarin, ikaw sana ang gustong makapiling."

Kasabay nang pag-ihip ng hangin, ang pagsayaw ng kanyang mga buhok sa lilim ng araw na siyang nagpapatingkad ng kanyang kagandahan.

"Bakit kasi siya pa?" Wala sa sariling bigkas ni Zina, ang aking matalik na kaibigan.

Nilingon ko naman siya at sinabing, "Bakit hindi siya pa?" Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata ni Zina.

Hindi lingid sa aking kaalaman na may gusto siya sa'kin. Ako kasi ang madalas niyang kasama at sa tagal ba naman nang aming pagsasama hindi ko pa ba mapapansin?

Bawat pagkislap ng mga mata niya sa tuwing ako'y nagbibitaw ng mga salita, bawat pag-aalala niya sa'kin tuwing ako'y nagkakasakit o nagkakaproblema, bawat pagngiti niya tuwing ako'y kanyang kasama - ay siya ring kislap, siya ring lungkot at saya na aking nadarama sa aking pagsinta.

Sadyang mapaglaro lang ang tadhana dahil siya ay may lihim na pagtingin sa'kin at ako nama'y may lihim na pagtingin sa iba.

"Hindi naman sa gan'on, I mean ano... kasi nga diba may boyfriend na si Gail. Kaya sa tingin ko'y dapat itigil mo na iyan."

Hindi pa siya umaamin sa'kin, hindi ako makapal o assuming sadyang alam ko lang ang bawat galaw ng kanyang isip at katawan. Madali lang kasi siyang mabasa. She's an open book.

At alam ko namang may boyfriend na si Gail, pero anong magagawa ko? Eh siya talaga eh.

"Ikaw? Kailan ka titigil?" Balik tanong ko sa kanya na siyang kanyang kinatigil.

"H-huh?" Naguguluhang tanong niya sa'kin habang namumula ang kanyang magkabilang pisngi.

"Tara na. Nasulyapan ko na naman siya eh," atsaka ako nagpakawala ng isang malakas na tawa.

"Philip naman eh! Diba sabi ko naman sa'yong mag move-on ka na!"

"Saka na. Wala akong time para mag-move-on."

---

"Si Gail, may mahabang rebonded na buhok. Dancer dito sa school. Sexy at matangkad. Nakiki-pageant atsaka famous. Ang unfair lang. Sinalo niya ata lahat ng blessings na binigay ni God." Lunch na at kumakain kami ngayong dalawa.

Sa kinauupuan namin ay tanaw na tanaw ko siya na kumakain kasama si Kenneth, ang boyfriend niya.

Ang ganda talaga niya.

"Anong nagustuhan niya do'n? Eh pa-gwapo at basketball lang naman alam nang Kenneth na iyon."

"Mabait kaya iyon! Naiinsecure din pala ang mga lalaki. Akala ko mga babae lang."

Natatawang sabi niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero ng umubo siya ay binigyan ko siya ng tubig.

"Sige tawa pa kasi."

Inabot niya naman iyong tubig at uminom saka ngumiti sa'kin.

"Di bale, gentleman ka naman eh. Atsaka talo ng lalaking basketball player ang lalaking handang alayan ng tula ang kanyang minamahal." Ngumiti siya sa'kin pagkatapos sabihin iyon. Isang ngiting hindi umabot sa mata.

Isang mapagpanggap na ngiti.

Ang mga babae, akala ng karamihan mahina sila. Pero ang hindi nila alam ay ang lalakas nila. Sobrang lakas nila para patuloy na ngumiti sa kabila ng sakit na kanilang nakukuha.

"Plus points na lang na gwapo ka. Pero gwapo ka ba?" Natatawang sabi niya 'tsaka ipinagpatuloy ang pagkain. Liningon ko si Gail saka muling bumalik kay Zina. Magkaibang magkaiba talaga sila.

"Maganda ka Zina. Buhok na hanggang balikat, maliit pero mapapalingon ka pa rin. Simple lang na babae. Writer ka pa nga eh. Ideal girl ko." I laugh heartily that makes her blush.

"Ano na naman ipapafavor mo? Dinaan mo pa sa compliment kuno. Che!" Atsaka siya umirap sa'kin.

"Hoy hindi. Sa susunod na, wala pa kong maifefavor," 'tsaka ako kumindat sa kanya na mas lalong nagpapula sa kanyang pisngi.

"Pero seryoso, maganda ka Zina. Hintayin mo lang iyong lalaking handang magpakatanga para sa'yo." Seryosong saad ko sa kanya, walang anumang halong biro.

"Di pwedeng ikaw na lang?" Seryoso rin niyang tugon na siyang nagpatakbo ng aking puso.

Seryoso?

"Tutal tanga ka naman," 'tsaka siya tumawa na para bang sobrang nakakatawa iyon.

"Tanga pero gwapo," atsaka ako sumabay ng tawa sa kanya at pasimpleng sumulyap kay Gail na masayang nakikipag-kwentuhan sa lalaking kanyang kaharap.

Gail, kailan ka lilingon?
Kailan kita matutunton?
Kung sa bawat pagtakbo mo
Handa kitang habulin na parang aso.
Kung sa bawat hakbang ko
Iniisip ko kung mahabol ba kita'y magiging ako na ba ang iyong mundo.
Iyong handa akong ipanalo ang takbo
Pero alam kong ang puso mo'y sa iba mo pa rin isusuko.

"Philip! Hoy, ayos ka lang?" Zina called me out from my reverie.

"Oo." Maikling sagot ko, nakita ko namang sinulyapan niya si Gail saka ngumiti ng hindi abot sa kanyang mga mata.

"Gustong-gusto mo talaga siya no?"

Iniisip ko kung sasagutin ko ba ng totoo o hindi? Kasi alam ko namang masasaktan na naman siya.

"Hindi."

Pero naisipan kong sabihin ang totoo.

"Hindi, kasi mahal na mahal ko siya." And I smile sincerely to her.

Agad naman siyang tumayo at kinuha ang kanyang mga gamit.

"Tara na. Ang korni korni mo na. Baka mahampas na kita ng lamesa."

Agad siyang naunang tumulak na agad ko namang sinundan.

"Martir mo. Tumigil ka na kasi. 'Wag na kasi ako." Bulong ko sa hangin at bago tuluyang umalis ay sinulyapan ko muna sila.

Nagulat ako ng nakatingin sa direksyon ko si Gail.

Nababakla ata ako, ramdam na ramdam ko iyong kabog ng puso ko. Ang malakas na pagtambol at pagsabay nito sa ritmo. Baduy man ang iniisip ko pero feeling ko, finally napansin niya na 'ko.

Agad ko namang plinastar ang pinakagwapo kong ngiti.

"Gail! Lunch date na naman kayo ni Kenneth. Kabitter kayo!" Sigaw bigla ng babaeng dumaan sa gilid ko.

Nakita ko ring unti-unting lumisan ang mga mata ni Gail sa'kin at nailipat sa bagong paparating.

"Si Dexter kasi. Bakit kasi ayaw mo sa kanya? Para hindi ka na bitter diyan." 'Tsaka siya nagpakawala ng malambot na tawa.

Her angelic voice that seems like a music in my ears.
Her laughter that seems like a remedy to my tears.
She's the every bit of my poet so
My Gail, why can't I have you?

For the last glance, I took all my courage to get out of that cage. Because I know, she's not mine to begin with.

Pagharap ko ay nakita kong hinihintay pala ako ni Zina pero agad siyang tumalikod at nagpatuloy na maglakad pagkatapos magtagpo ang aming mga mata.

If I have the power to choose whom I will love, it will be you Zina. For I know my heart is safe to you. But then, I can't just teach my heart to whom it will fall. I already did it a hundred times and fail a thousand times.

Sorry, we can't just teach our heart.

Special thanks to heynette who made the beautiful cover of my story. Thanks!

Tula Ko'y Ikaw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon