Pang-anim

62 12 16
                                    

As time passed by
Are hearts sung lullaby
With the feelings I withhold
That maybe this time I can uncloak.

Lumipas ang mga araw na kaming dalawa ni Gail ang palaging magkasama.

"Gusto mo ba ng ice cream?" Tanong ko sa kanya dahil tahimik na naman siya. Pero pagkalipas ng mga araw ay kita ko naman ang pagbabago niya. An improvement of her moving on, or maybe she's just good at acting and hiding.

Umiling siya bilang sagot. Umupo ako sa tabi niya at sabay naming pinanood ang mga naglalaro ng basketball.

Oo, basketball... pero wala do'n si Kenneth.

"Bakit kaya siya hindi naglaro? He loves this. He loves playing basketball. Bakit kaya siya wala?" She said those lines with so much concern as if she's not hurt because of that guy.

Until now, she still didn't told me why they broke up with each other. At hindi na ako masyadong nagtanong pa.

Tinitigan ko siya habang abala siya sa panonood sa naglalaro sa harap.

Why can't this girl be mine? Hindi ko naman siya paiiyakin, kung paiiyakin ko man siya ay dahil iyon sa sobrang saya.

How can she possibly love someone endlessly and purely? Sobrang swerte ni Kenneth at mahal siya ni Gail. Kasi kahit na wala nang sila ay siya pa rin ang pinipili niya. Mahal niya pa rin siya. Ang sakit lang.

Sinabayan ko na lang siya sa panonood at hindi lingid sa'king kaalaman na hinahanap niya ang lalaking dumurog sa puso niya.

---

Buwan na ang nakalipas at magkasama pa rin kami ni Gail.

"Gail!" Tawag ko sa  kanya at nang naabutan ko siya ay agad ko siyang inakbayan.

"Oh Philip?"

"Gwapo ko ngayon diba?" Cool kong sabi sa kanya na agad niya namang ikinalingon at ikinatawa.

"Ang aga-aga mister para sa iyong kayabangan." Natatawa niyang sabi.

"Ang ganda-ganda talaga nang misis ko." Sabay pisil ko sa pisngi niya gamit ang isa ko pang kamay.

"Alam ko. Pero anong misis? Excuse me? I never dream to be your wife."

"Ouch! Sapol! Burn. Savage." Sakit, pero natawa lang ako para ipakitang alam biro-biro lang din iyon.

"Anong word of the day mo?" Maaliwalas niyang sabi.

This is what I told her as a part of helping her to move on. Magbibigay ako ng lines sa kanya, that will eventually hurt her or inspire her.

"Okay student, our word for the day is..." huminga ako nang malalim 'saka binigkas ang mga katagang, "No one is sent by accident to anyone." Huminga ako nang malalim bago ipinagpatuloy, "Maybe he's a lesson and I'm your blessing." I smiled sincerely to her as she face me but afterwards I wink at her.

"Hindi ka naman mukhang biyaya, mas mukha ka namang bangungot." She said and laugh continuously until we reach her classroom as if someone is tickling her.

"Thanks. Libre ko 'wag mong kakalimutan." She reminded me and I just nod.

"Basta may kiss ako mamaya." Pagbibiro ko, baka sakaling sakayan niya.

"Sige, ipapakiss kita kay Brandon." She said laughing and entered her room.

Naglakad na rin ako papasok sa klase namin. The presence of the room is somewhat weird. Naglakad na ako papunta sa upuan ko. Nakaupo si Benjie sa tibing upuan nito.

"Oh brad. Kamusta pagsundo mo kay Gail?" Bakit ba tsismoso talaga ng ulol na 'to?

"Masaya." Tanging sagot ko na siyang dahilan upang itulak niya ko.

"Philip, sasamahan mo ulit akong umuwi ha." Panggagaya ni Benjie kay Gail na pati boses ay ginaya. Palagi kasing sinasabi ni Gail sa'kin iyon na kahit hindi niya naman hilingin ay gagawin ko naman.

"Kadiri ka. Wag mo ngang magaya-gaya ang misis ko." Sabay naman kaming tumawa dahil dito.

"Eh anong plano mo?" Pagtatanong niya na ihinarap niya pa ang upuan niya sa'kin.

Parang babae 'to.

"Plano saan ba?" Pagtatanong ko.

"Plano mo? Ano hanggang pacomfo-comfort ka na lang? Hindi mo na ba liligawan?" Napaisip ako sa sinabi niya. Nahagip ng mata ko si Zina. Natutulog siya sa upuan niya.

"Hindi siguro muna. Para kasing hindi pa niya napapakawalan ng tuluyan iyong ex niya."

"Edi ganito na lang palagi? Eh paano pag hindi na talaga siya maka move on?"

"Hindi mangyayari iyon. Sisiguraduhin kong malilimutan niya rin iyong ex niya at ako naman ang---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Benjie.

"Oo na. Ang korni mo na brad. Ang sarap ng pumatay. Sarap mo nang patayin, pero may mas nauna ka pang napatay. Namatay na ata iyang tinititigan mo brad." Natigilan ako sa sinabi niya.

"Ba't ako na naman?" Patay-malisya kong sagot.

"At bakit hindi ikaw? No'ng oras na pinili mo si Gail kaysa sa kanya ay siya ring araw nang pagkamatay niya." Hindi ko mapigilang maguilty sa sinabi ni Benjie kasi alam ko. Ako ang matalik niyang kaibigan eh. Kaya alam ko. Alam ko na nasasaktan siya ngayon. Alam ko na nadudurog siya ngayon.

But I know she can find someone who's better someday. Someone who can love her whole without any condition. Who can love her more than she can give. It's just that, it's not me. I have Gail. And no matter how I tried not to love Gail, at the end of the day, she's still the one I am seeking for. Again, I'm sorry Zina. You'll be able to find the right one for you someday.

Nagsimula na ang klase at kita ko sa  direksyon ko na nakayuko pa rin siya sa mesa niya. Magkatabi kami ngayon ni Benjie dahil excuse iyong isa naming classmate at nakiupo muna ito.

"May sakit ba si Zina?" Tanong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nito at walang ekspresyong nilingon ako.

"Bakit sa'kin mo ko tinatanong. Manghuhula ba ko? Sino ba close sa kanya? Ako ba? Diba ikaw, ba't di mo tanungin."

Nang magdismiss na si Sir at lalapit na sana ako kay Zina nang biglang may tumawag sa'kin.

"Hello Philip, the cigarette. Dalian mo nasa canteen na ko. Haba na naman ng pila. Bilisan mo o sasama na ako sa iba?" Masiglang bungad sa'kin ni Gail. Nilingon ko naman si Zina na nakayuko pa rin sa desk niya.

"Papunta na. Hintay ka lang misis." At ibinaba ko na ang tawag kahit na alam kong maiinis siya. Liningon ko si Benjie at tinapik ang balikat niya.

"Brad kung masama ang pakiramdam ni Zina, pakidala na lang siya sa clinic brad. Ikaw na bahala sa kanya. Aasahan kita brad."

Mas lalo namang nawalan ng ekspresyon ang mukha ni Benjie na isinawalang bahala ko lang. Malaki naman tiwala ko sa kanya, kahit gago iyan may pusong mamon din iyan.

'Sinulyapan ko siyang muli bago tumakbo papuntang canteen.

Tula Ko'y Ikaw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon