Pangalawa

197 24 37
                                    

"Happy birthday Zina!"

Bati sa kanya ng aming mga kaklase.

Today's her birthday. At kanina pa siya binabati ng mga classmate namin. Umupo na siya sa'king tabi.

"Happy birthday Zina! Ang two-third pangit at one-third maganda kong buddy."

Pinalo niya pa 'ko ng mahina sa braso ko bilang pagtugon.

"Salamat din point nine na pangit at point one na gwapo kong best friend." Tumawa kaming dalawa dahil sa kalokohan namin.

"Binati ka na ng mama mo?"

"Oo. I ask for her time but she gave me gifts. Nothing's new." I saw how she mourn silently longing for a mother's love.

Ang mama niya kasi ay nasa abroad nagtatrabaho, habang ang tatay niya naman ay hindi niya nakilala dahil hindi nito pinanindigan ang kanyang ina.

So she's longing for a parents love.

Sad to say but ang nanay niya ay iniwan siya sa kanyang lola na 2 months old pa lang, para mag-trabaho sa ibang bansa.

"Regalo ko?" Biglang tanong niya sa'kin. Ngumiti naman ako bilang tugon at inabot ang isang paperbag.

"Di iyan libre ha. Babayaran mo iyan." Natatawa kong sabi at pinanood siyang buksan ito.

Pagkabukas niya ay ilinabas niya ang isang librong sulat ni jonaxx. Adik na adik kasi siya sa author na ito.

"End This War! Sht! Philip!" Sigaw niya at nagtatalon habang yakap-yakap ang libro.

"My gosh! I love you na talaga! Hanggang moon at mars!" Ngiting-ngiti niyang bigkas.

"Ang ngiti mo'y sapat ng babayaran, binibini." Nakangiti kong sabi habang pinagmamasdan siya.

"Hindi joke lang, siyempre bayaran mo iyan, kahit iyong shipping fee na lang." Natatawa kong sabi. Inirapan niya naman ako pero agad ding ngumiti at inamoy amoy pa ang libro.

"Akala ko naman kung ano na. Libro lang pala. Ang OA mo naman." Pahayag ng isa naming kaklase na agad namang dinagdagan noong isa.

"Oo nga eh. Zina tumanda ka na, magmature ka naman. Pero mukhang isip-bata ka pa rin. Matalino ka na sana eh, isip-bata ka nga lang." Tila pabirobg sabi naman noong isa.

Liningon ito ni Zina at matagal silang tinitigan. Naalala ko bigla iyong nabasa ko sa notebook niya. Parehas ko'y mahilig rin siyang magbasa at magsulat ng tula.

Isip-bata. Ano nga ba'ng kahulugan para sayo ng isip-bata?
Ayon ba iyong nakikita ng mga mata?
Pa'no mo nasabing ako'y isang isip-bata?
Dahil ba sa hindi ko paglalagay ng mga kolorete sa mukha?
Sa mga galak at ngiting aking pinapakita
Sa mga simpleng bagay na aking kinakatuwa
O ang mga problemang aking hindi inaalintana.
Ako lang naman kasi iyong ngumingiti kahit nasasaktan
Handang maging katawa-tawa ngumiti ka lang.
Ako iyong hindi dinadala ang problema sa paaralan
Ang kaibigan niyong maaasahan.
Hindi naman kasi lahat ng mature ay seryoso
May kanya-kanya tayong paraan at estilo.
At oo nga pala great pretender ako
Pero sino namang tanga ang sasabihing sila'y nagbabalat-kayo.
Kaya tanungin mo nga ang sarili mo
Ako nga ba ang isip-bata o kayo?

At pinamagatan iyong Isip-bata.

Ngumiti si Zina sa kanila at dahan-dahang umupo na para bang walang nangyari.

I tap her back as I comfort her, for I know she's silently breaking inside without others knowing it --- except for me.

Dumating ang teacher namin and she started her lecture.

"May I ask you class kung sino ang may hinanakit sa parents niya?"

Sa apat ng sulok ng kwartong ito ay katahimikan ang namayani.

Nang may isa sa kaklase namin ang umiyak, palakas ng palakas hanggang sa magsalita siya.

"Ma'am kasi, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang mag-abroad ang mama ko. At ang papa ko naman iniwan kami para sa ibang babae. Bakit ganoon ma'am? Parang ang unfair naman Niya? Tapos feeling ko wala pa kong kaibigan." Sumisinghot niyang sabi, nakita ko namang nagsitinginan sa isa't isa ang mga kaibigan niya. She belongs to a circle of group. Ewan ko kung bakit niya nasabi iyon.

She's a sensitive girl. Iyakin pero madaldal siya. Mabilis rin siyang mapikon and she always seek for attention. Pero kahit ganyan siya ay mabait naman siya. She just long for love, na hindi niya nakikitang marami namang nagmamahal sa kanya.

"Bakit ganyan siya? Wala rin naman akong parents pero never naman akong nag-isip ng negative thoughts. I never seek attention." Bulong naman sa'kin ni Zina. Isa kasi siya sa nagsasabing isip-bata si Zina.

Well for me, mababaw lang kasi kaligayahan ni Zina. She's a happy-go-lucky person.

Tumikhim si ma'am.

"Nasa abroad ang mama mo?"

Tumango naman ito bilang pagtugon.

"Kaya nagtatrabaho ang parents mo ay para sa kinabukasan mo."

"Pero ma'am hindi ba pwedeng dito na lang siya maghanap ng trabaho. Bakit kailangan sa malayo pa?"

"Maaring mas malaki ang makukuha niya pag sa ibang bansa. Kailangan mong intindihin na para saiyo rin iyon."

"Ang unfair pa rin Niya ma'am. Bakit ako pa? Mabait naman ako ha. Hindi ko ito deserve. Sobrang unfair lang talaga ma'am." Umiiyak niyang sabi. She can easily speak out her feelings. She's a bold person.

"Never ask Him for He has His reason. Have faith on Him. Have hope. Hold on, pain ends."

Tahimik lang ang buong klase at nakikinig sa kanila. And before the class ended, she leave words to us na alam kong tumatak sa'ming lahat.

"Class listen." With her short hair swaying to her shoulders. The silence of the classroom filled a long gap, a feeling of sadness and loneliness.

Her mouth opened, "We are all a little broken. But the last time I checked, broken crayons still color the same."

She pick her bag and smiled.

"Have faith on Him. Be brave."

Na hanggang ngayon ay malakas pa rin ang epekto nito dahil maski kaming mga lalaki ay tahimik pa rin hanggang ngayon.

Thank you Ma'am Karina. We will.

Tula Ko'y Ikaw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon