Ilang linggo na rin ang nakalipas mula noong first official meeting namin ni Gail. Nagkakabungguan kami sa daan minsan, nagngigitian at kung pinalad ay nagbabatian.
"Pre, nabalitaan mo na ba?" Pagtatanong sa'kin ni Benjie.
"Alin?" Maikling tanong ko. Habang tutok na tutok sa selpon ko. I'm playing mobile legends, at itong ugok ay walang load kaya di makapaglaro. Ayaw ko namang magpa hotspot, gusto ko maglaway muna siya.
"Break na daw si Gail at iyong boyfriend niya. Ken ata iyon."
"Shit! First blood ako!" Sigaw ko at sumunod na nagmura.
"What the fuck?! Nagbreak na sila?" Naghalong gulat at tuwa ang lumas na ekspresyon sa'kin. Bigla naman akong sinapak ni Benjie.
"Ulol. Ba't masaya ka pa diyan?" Naiinis na natatawang sabi ni Benjie.
"Siyempre may pag-asa na ako." Sinakal ko naman siya gamit ang braso ko. "Biruin mo iyon brad, sign na 'to na may chance para sa'min ni Gail." Masayang sabi ko habang nakatingin pa sa harap.
"Anong sign? Bakla ka ba? 'Wag ka ngang umasa. Hindi magiging kayo. Abangan mo, magkakabalikan din iyong mga iyon." Mas lalo ko namang hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya at pinalo palo naman niya ako hanggang makawala siya.
"Akala ko ba ako ang tropa mo? Ba't sa iba ka kampi?"
"Ulol. Sinasabi ko lang ang totoo. May Zina ka naman eh, ano bang hinahanap mo pa?" Natahimik ako bigla nang marinig ko ang pangalan ni Zina. Nitong mga araw hindi na kami madalas mag-usap. Halos hindi ko na namalayang ilang araw na pala kaming hindi nag-uusap.
"Ano hindi ka makaimik? Ayan kasi, katangahan pairalin mo brad. Kaya madaming nagsasabing pafall tayong mga lalaki eh. Kasi kabilang ka do'n." Naiiling niyang sabi at tumayo na para bumalik na sa upuan dahil dumating na si Ma'am.
Hindi naman ako pafall ah? Kasalanan ko bang kay Gail ako may gusto?
Natapos ang klase at papunta ako ngayon sa lugar kung saan una kaming nag-usap ni Gail. Nagbabaka sakaling nando'n siya sa mga oras na 'to.
At tama nga ako. Mag-isa lang siya do'n at tahimik ang lugar dahil karamihan ng mga estyudante ay nasa canteen.
"Gail," I called her name as she face me with her teary eyes making me feel guilty.
Paano ako natuwa sa kalungkutan ng mahal ko?
"Break na kami ni Ken," she tried to suppress her sob but it still came out, making me damn in pain.
I immediately pulled her for a hug.
"Shh," I tried to comfort her with all my might. I tap her back and then caress her hair then tap her back again as the cycle goes.
"Ang sakit... ang sakit-sakit. He's the everything to me. He's... he's the happiness, he's the excitement, he's... he's the world for me." Mas lumakas ang hikbi niya habang isinasaad niya kung gaano niya kamahal ang lalaki. At doble ang sakit no'n sa'kin habang nakikita siyang nagkakaganito.
"Hindi ko maintindihan, kung bakit... bakit kami humantong sa ganito? Masaya naman kami ah. Okay naman kami. Pero bakit bigla kaming... kaming..." hindi niya matuloy-tuloy ang gusto niyang sabihin. At ang nagawa ko lang ay yakapin siya, na sana ang sakit na nadarama niya ay sa'kin na lang. Sa'kin na lang.
"Hindi ko kaya. Hindi... hindi ko kaya." At mas lalo siyang humagulgol at wala akong ibang ginawa kundi yakapin siya. Ang utak ko'y tila nablangko, 'di na alam kung anong dapat gawin.
Umabot kami ilang oras na hindi na rin ako pumasok sa panghapong klase ko para samahan siya. Hindi na rin siya pumasok dahil tila hindi niya namalayan ang oras.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya habang binubuksan ang tubig na binili ko. Nakaupo na siya ngayon at tumigil na sa kakaiyak pero basa pa rin ang mukha niya sa luha. Tulala sa kalangitan at tila nawalan ng buhay.
"Uminom ka muna." Inabot ko sa kanya ang tubig, kinuha niya ito at uminom kahit papaano.
"Salamat Philip." Iyon lang ang lumabas. Tumango lang ako.
"Pagkatapos ng iyak na ito, pwede bang mag move-on ka na?" Tanong ko sa kanya na agad niyang ikinalingon sa'kin. "Hindi iyon gano'n kadali. Hindi iyon ganon kabilis. Hindi iyon... hindi iyon... hindi ko kaya." Nag-iwas siya ng tingin at muli namang nadurog ang puso ko.
"Masakit? Alam ko. Hindi madali? Alam ko. Pero kung sisimulan mo na, magiging madali na lang ito. Magiging magaan na lang."
"Madaling sabihin kasi hindi naman ikaw iyong nasa pwesto ko. Madaling sabihing 'wag tanga at 'wag magpakamartir kasi wala naman kayo sa pwesto namin. Madali kasi hindi naman kayo iyong nasasaktan. Kasi sa'min, sa'kin, siya na ang buhay ko eh. Siya na ang lahat sa'kin. Hawak niya na ang kasiyahan ko. Hawak niya ang buhay ko. Kasi mahal ko eh. Tanga na kung tanga pero mahal ko eh. Ikaw ba hindi mo naranasang magmahal? Magmahal ng wagas? Magmahal ng higit pa sa dapat? Magmahal ng magmahal hanggang sa wala ng matira? Kasi masarap magbigay, masarap magmahal at masarap mahalin pabalik. Kaya 'wag mo kong madaliin sa larangang ako lang din ang nakakaalam." Mahabang litanya niya na labis nagpapipi sa'kin.
Naranasan ko namang magmahal. Kaya nga mahal kita eh. Naranasan kong masaktan. Kaya nga mahal mo siya eh. Naranasan kong umibig ng wagas. Kaya nga tanga pa rin ako sayo eh. Pero hindi ko naranasang mahalin pabalik. Kaya nga siya pa rin ang kinababaliwan mo.
"Sorry, Gail. But listen to me." Sabi ko sa kanya na tila linalambing siya upang umamong muli sa'kin.
"Feelings are just visitors, let them come and go." I smiled as if it will awaken up her senses.
And by that, tumango lang siya at naglakad paalis. Papalayong muli sa'kin. Kumikirot ang dibdib ko. Kasabay ng tanawing napakasakit sa mata at kalooban. Na ang babaeng mahal ko ay nasasaktan sa mga oras na ito pero wala akong magawa.
Naglakad ako at sinundan siya. Nag-aalala ako at sa kalagayan niyang ito ay walang magbabantay at maghahatid sa kanya pauwi. Malayo ang distansya namin sa isa't isa pero nababantayan ko pa rin siya.
Habang abala ako sa pagsunod at pagbabantay kay Gail ay bigla kong nakasalubong sa daan si Zina. Napatigil ako dahil dito.
She looked terrified. Malaki ang eyebags niya, mukha siyang pagod na pagod. Hinagilap ko ang kanyang mga mata at tumingin naman siya.
Inaasahan kong ngumiti siya pero hindi. Malungkot ang mga mata niya at pati ngayo'y ang labi niya na rin. Gusto ko siyang lapitan dahil parang kailangan niya ng kasama pero naalala ko si Gail. Nakakalayo na siya. Kaya nama'y muli kong liningon si Zina, 'tsaka tumakbo upang habulin si Gail.
Sorry Zina.
BINABASA MO ANG
Tula Ko'y Ikaw
Short Story(Completed) Pihilip is a guy who will give you poems than flowers. Together with her best friend, Zina, who likes him is also inlove with poetry. A typical love story where love is just not right. And a not so typical story where there lives is jus...