"Ate Gail, halika umupo ka dito." Pag-aya ni Jake sa kanyang umupo sa tabi nito which is dito sa tabi ko rin.
Gulat naman ang hitsura nito pagkakita niya sa'kin. She's wearing a yellow dress that match her straight hair.
"Philip?" Gulat na sabi nito. Nagsitinginan naman ang mga ugok na tila nag-uusap gamit ang kanilang mga mata.
Unti-unti naman akong nakaramdam ng kaba. Matinding kaba na nagpapabigat ng pakiramdam ko.
Hindi dahil sa katotohanang nireject niya ako kundi dahil baka... baka nga magpinsan kami.
"Gail, buti nakarating kayo." Pagbati ni Drake.
"Oo nga eh." Wala pa rin sa sarili niyang sabi habang nakaupo sa left side ni Jake kasi nasa right side ako. Doon niya piniling umupo kaysa sa gitna namin.
"Nga pala mga pinsan natin, si Oliver, John, si Erik at si Philip."
Sabay-sabay naman silang tumango.
Hanggang sa dumating iyong nanay nila Jake.
"Halina kayo at kumain na tayo. Oh Gail, nandito ka pala. Pumasok na kayo sa loob."
Sabay-sabay kaming tumayo, siniko naman ako ni Drake at linakihan pa ang kanyang mga mata na tila may gustong sabihin. Tinignan ko lang siya nang walang emosyon.
Sumunod na kami sa loob. Kumikirot naman ang puso ko. Ang sakit-sakit. Hindi ko matanggap ang mga nangyayari. Ang layo na nang narating ko at bigla na namang may ganito?
Sa pagkakataong ito ay sobrang bigat na nang pakiramdam ko. Namumula na ang buong mukha ko maging ang mata ko. Naiiyak na ata ako. Tangina. Gustong-gusto ko nang magmura ng paulit-ulit.
Bakit hindi Mo mabigay sa'kin ito? Ito lang naman ang gusto ko. Gustong-gusto ko.
Pinapanood ko siyang pinagpiyepiyestahan nang mga tita't tito ko. Maging si Mama ay kinausap rin siya.
So talaga ngang magpinsan kami?
Pumunta ako kay Mama nang umalis siya doon para lumapit sa Mama niya.
"Ma, sino iyon?" Pagtatanong ko kahit na alam ko na ang sagot ko.
"Ah, si Gail iyon. Pinsan mo. Anak siya ng Tita Elena mo." Pagpapaliwanag ni Mama.
"Eh bakit ngayon ko lang nalaman?" Nagtatakang tanong ko.
"Madalang lang naman kasi may nangyayaring Family Gathering. Bakit mo ba natanong at para namang napakalaking issue no'n saiyo."
Hindi na ako sumagot at nagsimula na ring magdasal para sa pagkain. Tahimik ang lahat at ako nama'y pinapanood si Gail. Nakapikit siya, taimtim ding nagdadasal.
At nang matapos nang magdasal ay nagsilapitan na sa table para kumain.
Nagsikuhanan na kami at sakto namang nakatabi ko si Gail.
"I wanna talk to you," I whispered into her ears. Liningon niya naman ako at tumango.
"Mamaya," she answered and I just stare at her as a respond.
Nang matapos na siyang kumuha ay umalis na siya at ako nama'y pumunta na sa mga bugok.
Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang ay ramdam ko na agad ang tensyon.
Sobrang tahimik at walang nagsasalita sa'min na sobrang nakakapanibago.
"Si Gail ba na pinsan natin ang tinutukoy mo, Philip tanda?" Tanong ni John ng diretsuhan. Hindi ako sumagot kasi hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi.
"Okay lang namang magka crush sa pinsan, brad. Pero hanggang crush lang, walang gustuhan o mahalan." Paalala naman ni Erik.
"So siya nga?" Pagtatanong naman ni Drake. Sa pagkakataong ito ay inilapag ko na sa table ang plato ko na siyang ginawa nila kanina pa. Nasa labas kami kung saan kami naglaro ng ml kanina.
Lumunok ako bago nagsalita. "Paano kung siya nga?" Pagtatanong ko sa kanila. Lahat ng tapang na mayro'n ako ay linunok ko para lang masabi sa kanila. Kasi kailangan ko nang mapagsasabihan, kung hindi ay baka sumabog ako.
"Brad, alam mo na sagot diyan." Sabi naman ni Oliver.
"Mukha pa namang gustong-gusto mo." Sabi naman ni erik. Hindi lang gustong-gusto eh. Mahal ko na eh. Mahal ko na.
"Classmate ba kayo?" Tanong ni Jake at umiling naman ako.
"Hindi. Schoolmate kami." Nabalot na naman kami ng katahimikan.
Tinap naman bigla ni Drake ang likod ko na siyang katabi ko.
"Hindi siya pwede brad. Off-limits siya. Hands off ka sa kanya. Pinsan natin siya."
Ayon yung masakit eh, off-limits siya. Hindi dahil sa may boyfriend siya, hindi dahil sa may Kenneth siya. Hindi dahil sa wala siyang gusto o nararamdaman siya sa'kin. Kundi dahil magpinsan kami, kundi dahil magkadugo kami. Buhat namin ang parehong apelyido dahil magkapamilya kami.
"Tangina." Tinitititan nila ako habang nasa itaas naman ang tingin ko. Nakatingin sa kawalan.
"Bullshit." Nararamdaman ko na ang mainit na tubig na gustong kumawala sa mga mata ko.
"Tanginang buhay." Ramdam ko ang kanilang simpatya habang pinapanood ako.
"She's all that I want." I whispered beneath my grief.
Hindi na ko muling nagsalita o nagmura. Katahimikan ang namayani sa'min.
Pero hindi ko pa rin pinakawalan ang mga luhang nagbabadyang bumitaw.
"Philip," mula sa malalim kong pag-iisip ay narinig ko ang mala anghel na boses ni Gail na sumambit sa pangalan ko.
"Come here." Agad akong sumunod sa kanya. Lumayo kami sa kanila, ito na ang kinatatakutan ko.
Nasa gazebo kami ni lolo't lola. Tahimik dito dahil lahat sila ay nasa loob o sa harap. Maganda dito, pero masakit lang dahil dito ata magtatapos ang lahat.
"Philip... I don't know how to start but I just want to say that, you've been a good friend to me. Noong panahong wala akong masandalan ay nandiyan ka para maging lakas ko. You've been my saviour to the destruction na muntik nang sumira sa'kin." Tumigil siya sa pagsasalita kasabay ng pagkadurog nang buong ako.
Alam ko. Alam ko namang hahantong din dito, but I did not exprect to happened sooner.
"But as you can see... I really can't. Hindi talaga kita kayang... mahalin. You're just a friend to me from the very start. You know that. And I'm happy that were cousins. We can be the best cousin--"
"And I don't like it. I hate it." I interrupted her because it's really breaking me.
"Hindi tayo pwede Philip. Hindi dahil magpinsan tayo, kundi hindi talaga kita gusto." And that's a maniac for her.
"And kami na ulit ni Kenneth." She savage. I'm defeat.
And I'm not even shocked because I knew it. Napapansin ko nang may something ulit sa kanila, pero hinayaan ko lang siya. And to finally hear it from her, I'm totally wrecked.
"Tanggap ko na Gail. Masakit lang. Masakit lang talaga." Tangina! Tanginang buhay! Tangina!
"Sorry."
"You don't need to." Umayos na kong tumayo.
"I'm happy for you. I hope he won't hurt you again." Kasi baka hindi ko na mapigilan at itatali na kita sa'kin.
Tumango siya bilang sagot. Tumalikod na ko sa kanya.
"There are things in life that you're willing to fight for, but if fate says 'no', it's really a no and you can't do anything about it."
"Goodbye, Gail. This time I'm finally moving on."
This is the end line that I can't cross no matter what.
BINABASA MO ANG
Tula Ko'y Ikaw
Short Story(Completed) Pihilip is a guy who will give you poems than flowers. Together with her best friend, Zina, who likes him is also inlove with poetry. A typical love story where love is just not right. And a not so typical story where there lives is jus...