Naglalakad na 'ko pabalik sa classroom. Binilhan ko kasi ng tubig at sandwich si Gail. Hindi pa daw kasi siya nagla lunch.
And this few days, I am so happy. Parang kaya ko nang magsavage sa ml ng sampung ulit. Sa sobrang saya ko parang ayoko na siyang pakawalan. Mahal ko kasi talaga eh. Mahal na mahal.
Napapangiti na lang ako habang naglalakad sa grounds. Nang madatnan ko si Zina sa dati naming tambayan. Nakaupo siyang mag-isa. Himala at hindi siya nagbabasa o nagsusulat. Nakatingin lang siya sa langit.
Baka nag-iisip ng ideya?
Nilapitan ko si Zina. At dahil maaga pa lamang ay kakaunti pa lang ang tao. Sa malawak na ground ng aming school ay madaming puno at benches na nagkalat. Although, this is just a public school.
Umupo ako sa tabi niya nang hindi siya linilingon. Ngunit pagkalipas ng mahabang katahimikan ay wala pa rin siyang imik. Kaya napagdesisyunan ko nang lingunin siya.
She's starring up to the sky as if it's her only salvation. She looks miserable the last time I saw her, but this is worse. I mean this is the worst look of Zina that I had ever saw.
Ang ibaba ng kanyang mga mata ay nangingitim. Ang kanyang mga mata'y wala nang buhay. Tila pinaghalong walang tulog at pag-iiyak kaya naging ganyan ang mga mata niya. Nangangayat na rin siya. Pumayat siya na pati ang pisngi niya ay nawala na rin yata. Buto't balat na lang ata mayro'n siya.
Ngunit gano'n pa man ay maayos pa rin ang pagkakalugay ng buhok niya. Ang uniporme niya ay hindi naman gusot-gusot. Para lang siyang nagkasakit ng ilang araw.
Hindi ko maipaliwanag ngunit kumikirot ang puso ko. Iyong para bang may tumutusok. Para bang may bumabagabag sa'kin. Para bang may nagawa akong kasalanan. Para bang... para bang... hindi ko na maipaliwanag.
"Zina," I softly whispered her name to call her out from her reverie. But I did not get any response from her.
Now I'm damn worried for her. What happened to her? She look damn miserable.
"Zina," this time I held her shoulder to tap her. Just to inform her that I am here. But still she didn't bother to look at me nor utter a word neither remove my hand from her shoulder.
"Zina," sa pagkakataong ito ay dumausdos na ang kamay ko mula sa kanyang balikat patungo sa kanyang kamay na nakapatong sa kayang hita. Pinisil ko ang kamay niya umaasang sa pagkakataong ito ay papansinin niya na 'ko.
Napabuntong hininga na lang ako nang hindi pa rin ako makatanggap ng sagot sa kanya makalipas ng isang minuto.
Tinititigan ko siya at inaalala kung kailan ko ba siya huling kinausap. Hindi ko na maalala sa sobrang tagal.
"Mawawala rin naman lahat ng ito, hindi ba?
Itong kilig, sa bawat binibitiwan mong salita."
Nagulat ako sa bigla niyang pagsasalita pero hindi niya naman ako linilingon. Nakatingin lang siya sa makulimlim na langit. Pero ano ba itong pinagsasabi niya?
"Itong saya, sa bawat pagdampi ng iyong balat, sinta
Itong kaba, sa bawat pagsulyap sa'kin ng iyong mga mata
Itong sarap, sa bawat pag-aalala na iyong pinapakita."Napatitig ako sa kanya habang binibigkas niya ang mga salita. Isang tula. Isang pluma gamit ang bibig. Isang katha, isang obra maestra.
"At itong sakit, sa bawat matamis niyong senaryo
Itong kaba, sa bawat hakbang mo sa'kin papalayo
Itong paghihirap, sa bawat pagbuo mo nang bagong mundo na wala ako.
Itong kirot, sa bawat ngiti mong alam kong ang rason ay hindi ako."Natigilan ako. Nangiginig ang tuhod ko. Tila ba may yumuyugyog sa katawan ko. Hindi na ko mapakali. Hindi na mapakali ang puso ko.
"At lalo na itong pagmamahal, na kahit sa bawat sakit, kaba, paghihirap at kirot ay alam ko pa ring itong puso ko ay di ka pa rin limot. Kasi ganito kita kamahal. Walang kulang ngunit labis, dahil wala na sa'king natira, walang mintis."
Nanunuyo na ang labi ko sa mga oras na 'to. Hindi ko na alam ang gagawin ko. She's doing a spoken poetry. Atleast now, I can feel her feelings. Atleast in her voice, there's a life. A life suffering and doing miserable.
"Pero siguro mawawala rin ito diba?
Kasi pagod na 'ko.
Kasi sobrang nasasaktan na 'ko.
Kasi sobrang kirot na nito.
Kasi sumusuko na 'ko.
Kasi ayoko na.
Kasi sumusobra na."Ramdam ko ang bawat emosyon sa bawat salitang kanyang binibitawan. Ramdam ko ang pagod niya, ang sakit, ang pighati niya. Gusto kong alisin ang mga mata ko sa kanya. Na simula ata nang makita ko siyang nakaupong mag-isa ay hindi na siya linisan nang aking mga mata. Gusto kong iiwas ang aking tingin, kasi natatakot ako. Natatakot ako sa reaksyon niya. Natatakot ako na kasabay nang pagbuka ng bibig niya, ay pagbukas ng emosyon sa kanyang mga mata. Natatakot ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako...
Natatakot ako kasi baka biglang may magbago.
Natatakot ako kasi baka bigla akong makalimot.
Natatakot ako kasi...
"Gusto ko nang kumawala, sa bawat pagyakap sa'kin ng iyong mga braso.
Gusto ko ng kumawala, sa mga ngiti mong bumubuo sa mundo kong gumuguho.
Gusto ko nang kumawala, sa panandaliang saya na iyong binibigay.
Gusto ko nang kumawala, kasi sa oras na sabihin mo'y maging buwan ay aking iaalay.
Gusto ko nang kumawala, kasi pagod na 'kong lumuha."May pumatak na tubig sa aking pisngi.
"Pagod na 'kong ang tanging laman lang nang aking isip ay 'yong mukha.
Pagod na 'kong tuwing gabi ay mahal pa rin kita.
Pagod na kong matulog nang alam kong kailanman ay di magiging akin ka.
Pagod na ko kasi paulit-ulit na lang na...Mahal kita.
Mahal kita.
Mahal kita.
Kahit na pagod na 'ko, sinta.
Kahit na ayoko na.
Mahal pa rin kita.
Mahal pa rin kita.
Mahal na mahal pa rin kita."
Kasabay nang pagtikom nang kanyang bibig ang sabay-sabay na pagbagsak nang ulan.
Ang kaninang tahimik na paligid ay napalitan ng tunog nang pagbagsak ng ulan. Nakikisabay ata sa aming dalawa.
Nang biglang tumunog at nagvibrate ang cellphone ko. Linabas ko ito at binasa.
From: Gail, Misis ko
Ba't ang tagal mo?
Nasa'n ka na?Dalawang mensahe mula sa kanya. Unti-unting nagbago na naman. Nahahati na naman ako. Sa pagkakataong ito ay hindi na ako makapili. Kung dati ay si Gail, ngayon may Zina na nangangailangan na sa'kin.
Nang biglang natigil ang pagpatak ng ulan sa'min. Iyon pala ay si Benjie na may hawak na payong.
"Tara na, Zina." Inakay niya si Zina patayo at kinuha pa niya ang bag nito dahil wala naman siyang bitbit except sa payong.
"Sige na brad, tumakbo ka na lang. Hinahanap ka ni Gail." Walang emosyon nitong sinabi at naglakad sila ni Zina na siyang nagpatangay naman.
Napakunot ako nang makitang tila nakaakbay na sa kanya si Benjie. May kirot dito sa loob ko sa hindi malamang dahilan.
I'm into Gail right? I just pity Zina.
BINABASA MO ANG
Tula Ko'y Ikaw
Short Story(Completed) Pihilip is a guy who will give you poems than flowers. Together with her best friend, Zina, who likes him is also inlove with poetry. A typical love story where love is just not right. And a not so typical story where there lives is jus...