Pang-sampu

85 7 20
                                    

A/N:
Thank you for reading until the end. You've been so amazing for coming here so far. I love you!

---

Five months later

"Hoy Philip, tapos muna thesis mo?"

"Oo. Bakit, ikaw?" Tanong ko sa kanya. Gumanda siya after 5 months. Her short hair before grew long and it really suits her. Unexpectedly, she's really beautiful in my eyes.

"Siyempre hindi," tumawa siya nang kinunotan ko siya ng noo. "Tapos ko na. Ako pa. Tatanungin ba kita kung hindi?"

"Si Benjie, nasaan na? Ang tagal niya." Pagrereklamo niya na siya namang ikinairita ko.

"Bakit ba palagi mo iyong hinahanap? Diba nga nagpasa daw sa English Department." Ngumiti naman siya ng todo.

"Eh bakit ba kung hinahanap ko? Eh namimiss ko eh." 'Saka siya humagalpak ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin at inakbayan.

"O saan tayo pupunta? Wala pa si Benjie." Pag-angal niya pero hinila ko pa rin siya.

"Susunod rin 'yon."

Habang naglalakad kami ay namataan namin si Gail kasama si Kenneth. Masayang masaya sila habang magkasama.

"Masakit pa ba?" Biglaang tanong ni Zina na agad ko ring sinagot. Diniin ko pa siya lalo sa'kin.

"Hindi na. Maayos na ko. Nakuha ko na ang closure ko." Ngayon natatawa na lang ako kapag naiisip kong nagkagusto ako sa pinsan ko. Parang sobrang bilis lang nang pangyayari pero para sa'kin ay parang ang tagal-tagal na no'n.

Zina was there for me those times. And those times are also the time she needed someone for I broke her. We didn't fix each other, but we became the missing piece for us to mend ourselves.

As of now, she's the only person I need. And honestly, I'm starting to fall for her. Not yet deep as how I fall for Gail but it's starting to become deep. I'm pretty contented and happy right now. Basta 'wag lang magkamabutihan si Benjie at Zina. I can't handle another heartbreak. Para na naman akong bakla, tangina.

"Zina," I called her name for nothing. I just want to speak her name.

"Oh?" She replied and I grin. Ang sarap sa feeling na may nagkakagusto sa'yo.

"Zina," I repeated and she answered again.

"Bakit?" Bored niyang sabi. I love her voice. Malamig ito at masarap pakinggan lalo na't malinaw siyang nagsasalita.

"Zina," I utter her name again.

"Hmm?" Ayon na lang ang nasabi niya. Agad ko naman siyang yinakap hindi inaalintana ang mga tao sa paligid. I hug her as if missed her a lot that we didn't saw each other for years.

"What the fudge?!" Bulalas ni Zina, gulat na gulat. Noong una ay tinutulak niya pa ko pero dahil mas malakas ako ay hindi niya rin ako tuluyang napalayo.

"Hmm," pang-aasar ko pa. Pero maya-maya'y naramdaman ko ring hindi na siya nagpumilit at niyakap na din ako.

"Naglalambing ang baby ko." Natatawa niyang sabi at hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin.

"Zina, gusto mo pa ba ako?" I softly whispered to her. Agad niya naman akong itinulak at pinakawalan niya naman ako.

I saw her blush as she walk away from me.

"Gutom na ako. Bilisan mo diyan." She said and I just smirked.

"May naaamoy akong umiiwas. Sino kaya?"

"Baka si Benjie?" She smirked and I lour.

"Joke?" She questioned me. Like what the fuck?

"Am I supposed to laugh?" Malamog kong tugon pero tinawanan lang ako.

"Selos ka na naman." She said laughing as if it's something to laugh for.

Lumipas ang araw na nagbabangayan lang kami.

Uwian at naglalakad kami ng magkasama. Pauwi na kami at ihahatid ko siya sa kanila. Since then lagi ko naman itong ginagawa. But naudlot lang no'ng pinansin na ko ni Gail.

I'm actually really happy for Gail. Maybe those two ate really meant for each other. Well they look nice together anyway.

"Sa paglipas ng panahon
Unti-unti na tayong bumabangon
Sa sakit na dulot ng kahapon
Tayo'y aahon."

She started reciting again a poem. Alam kong on the spot na naman ito. She suddenly spoke poems whenever she feels like speaking. Sabi niya baka daw sumabog siya pag hindi niya masabi o masulat sa mga oras na iyon.

"Ang mga pahina'y muling maisusulat
Para sa'ting tanyag na alamat."

Sa pagkakataong ito ay liningon ko na siya dahil nararamdamang kong may malalim itong dahilan.

"Tayo'y muling maglalakad
Sa pagkakataong ito'y sabay tayong titingkad.
Wala nang mauuna, wala nang mahuhuli
Pagkat ang daang ito'y sabay na nating pinili."

The dawn is coming to end. Pero binagalan namin ang aming paglalakad na tila ba gusto pa naming makasama ang isa't isa ng matagal.

"Masakit... masakit sa una
Unang pag-iyak, unang pangungulila
Unang kirot, unang tumaya
Pero sa dulo nitong lahat, kapalit ay saya."

Is she running out of words?

"Sa larong lahat ng tao'y handang sumugal
Kahit na mabagal at matumal.
Sa larong lahat ng tao'y tatawa't iiyak
Pero handa pa ring tumaya kahit panalo'y di tiyak.
Sa larong lahat ng tao'y umaasam na may kapareha
Sabay na ipapanalo o ipapatalo, ilalapag lahat ng kaha.
Sa larong lahat ng tao'y tanga
Pero muling hihingi ng 'isa pa nga.'
Sa larong puso ang taya
Kupido ay madaya
Isip ay itabi muna
Pagka't sa puso pa rin siya papana."

Ang galing ng kanyang pagbigkas. Tagos sa kalamnan, puso'y natamaan.

"Sa muling paglalahad ng kwento
Puso ko pa rin ay nalilito
Kung ang mahal ko'y handa na ba
O siya'y umaasa pa.
Itong larong 'to
Kahit nasaktan na 'ko ng todo
Kahit muntik na akong masira nito
Sa kanya pa rin ako hihinto.
Dahil sa buhay na ito
Sa isang tao lang ako naitakdang magmahal ng totoo."

Huminga siya ng malalim bago ituloy ang kwento.

"Sa pagkakataong ito, hindi ako magpapaka maria clara
Mahal ko, kaya ilalaban ko pa.
Sa lalaking nagpatibok ng puso ko
Sa lalaking nagpapasaya sa'kin ng todo
Gusto ko lang itanong sa kanya."

Tumigil siya at liningon ako.

"Pwedeng ako naman
Lingungin mo ko hindi lang minsan
'Wag mo na siyang tignan
Ako naman.
Pagod na kong maghintay
Pero ako'y magiging matibay
Kasi sa pagkakataong ito
Puso natin ay di na maglalayo
Sapagkat lalaban pa rin ako
Aasang pwede maging tayo
Pwedeng magkaroon ng ikaw at ako.
Pwedeng ako naman?"

I smiled as I saw a tear escape her eyes. Pinunasan ko ito gamit ang aking hinlalaki. Hinawakan ko ang mukha niya at ngumiti.

"This time, let me do this for us. This time you won't do anything. Let me. Let me."  I smiled again.

"Hayaan natin ang oras, maghintay sa'ting tamang panahon. 'Wag nating madaliin pagkat hawak natin ito."

I kissed her forehead and she smiled.

"I'm not good with words. Pero sa pagkakataong ito, lahat ng tula'y iaalay ko sayo. Lahat ng tula ko'y magiging ikaw."

"I like you, Zina. Of all the words I said, this is not a sugarcoated one. For  this is real."

I hug her as the moon watches us share our passion to each other.

Wakas

Tula Ko'y Ikaw Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon