Chapter 3: Habulan na dis!

2.7K 137 18
                                    

VOTE and COMMENT

Baekhyun sa gilid

..................................................................................................................

[Taeyeon's POV]

"Bakit mo ba yun ginawa kay Jiyeon!?" sigaw nya sakin

Ano daw, eh parang kanina lang eh nagalit sya dun sa Jiyeon tapos ngayon tatanungin nya ako ng ganyan?

"Ikaw kaya itulak ng walang dahilan!?" sigaw ko din.

"Eh dapat umalis ka nalang dun, wag mo na dapat sinapak pa si Jiyeon!!"

"Anong wag sapakin? Ikaw kaya sapakin ko?"

"Ang hirap mong umintindi!!"

"Aba at ako pa ah? Kayong dalawa ng Jiyeon na yan ang may Kasalanan. Parehas kayong tatanga tanga!! Makaalis na nga dito baka mahawaan pa ako" sabi ko

Walk out galore hahaha

"Hoy Kinakausap pa kita! Hoy bumalik ka nga dito!"

"Talk to my Middle Finger" sabi ko

Uuwe na ako. Ayoko ng ituloy pa itong first day ko dito dahil nakakabadtrip

"Hoy kinakausap pa kita!!" hala?

Sinusundan nya paren ako?

"Tigilan mo na nga ako! Hindi naman kita kilala dyan eh"

"Yung libro!" sigaw nya

"Anong libro?" napahinto naman kami sa paglalakad

"Yung Libro ni Alesana Marie?" tanong nya

"Ha?"

"Akin na nga!"

"Teka bakit ko ibibigay sayo yun!?" tanong ko

"Sabing akin na eh!" hinugot nya bigla ang bag ko at mabilis na tumakbo sa soccer field

"Hoy Ibalik mo yang bag ko!! Hoy magnanakaw ka!!!!" sigaw ko habang hinahabol sya

"Nyenyenye agawin mo muna sakin!" sabi nya. Mukhang niloloko ako neto ah?

"Aghhhhhh!!!! Papatayin kita dyan!!!" sigaw ko at nagpatuloy sa paghabol sa kanya

Paikot ikot kami sa buong field. Bwisit na lalaki toh!

"Hoy!!!!!! Yung bag ko!!!!!!"

"Akin na muna yung libro!"

"Ayoko nga!!!!"

"Pwes di mo makukuha itong bag mo!"

Nagsisigawan kami sa pagitan ng 40 meters

Inuubos nya yung pasensya ko. Nag ta-transformer na ako dito, at pag nangyare yun!!! Magiging sunog na bacon sya

Ang korni -__-

May naisip ako, yung garden hose

"Lagot ka na talaga sakin!!" sigaw ko at binuksan yung gripo saka tinutok sa kanya yung hose

"Akin na sabi yung bag ko eh!"

"Uy, wag kang mambasa! Lintek na---" binasa ko sya hahah

"Akin na ang bag ko!"

"Wag kang mamba--- ano ba!? Nababasa na--- hoy patayin mo na nga ya--- hoy sayang ang tubig nat---"

Si Megaphone at Loudspeaker [Book 1:COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon