VOTE AND COMMENT
©XoxoChina
…………………………………………………………………………
[TAEYEON'S POV]
**Sa Kama
Kakauwe lang namin ni Baekhyun. At nakahiga kami habang naka tingin sa kisame.
"Si Luhan"
"Oh bakit si Luhan nanaman?"
"Kasi, sinabihan na nga kita kanina na wag sumama sa kanya pero sumama ka paren, di mo lang alam kung gaano katinik yun sa babae"
"Bakit pagdating kay Luhan inis na inis ka? Bakit mo ko pinagbabawalan na lumapet sa kanya, kung ikaw naman lumalapit kay Jiyeon di naman kita pinipigilan ah!?"
"Haist iba naman yung akin at yung sayo eh"
"Anong iba? Quits na tayo noh, sayo yang JIYEON mo at akin naman si Luhan!! Maliwanag!?"
"Basta pinagsabihan na kita, bawal ka ng sumama sa kanya, at higit sa lahat bawal kang ma inlove sa kanya!"
"Bakit naman!?"
"Ayokong sabihin ang dahilan"
"Hala? Pabitin pa eh"
"Basta sundin mo nalang ang sinasabi ko"
"Ayoko nga, di ako makikinig sayo kasi wala namang dahilan para lumayo ako kay Luhan ah!"
"Taeyeon makinig ka nga?"
"Eh pano kung sabihin ko din na lumayo ka kay Jiyeon?"
"Eh di sabihin mo lang pero di kita susundin"
"Eh di sinabi mo nadin yung sagot ko." sabay taklob ng unan.
Tama naman diba, wala naman talaga syang pake sa amin ni Luhan, dahil wala naman dapat syang pakealamanan. Tsaka di ko nga sila pinapakealaman ni Jiyeon eh.
Bwiset pakialamero talaga!
"Alam mo ba kung bakit kita pinapalayo sa kanya, kasi para hindi ka mahirapang mahalin ako pag oras na kasal na tayo" sabi NYA
Dahan dahan kong tinanggal ang unan sa mukha ko at napatingin sa kanya.
"Eh ikaw, hindi ka ba mahihirapang mahalin ako?" straight to the point kong tanong habang nakatitig pa sa mata nya.
Ngumiti sya at pinadaan ang daliri nya mula noo hanggang sa labi ko.
"Hindi ako mahihirapang mahalin ka, kung ngayon palang nahuhulog na ako sayo" totoo? Nahuhulog na sya sakin? Juscolored, mababaliw ata ako sa sinasabi nya
"Weh?"
Ngumiti ulit sya tapos nagtaklib na ng kumot.
Totoo? Nahuhulog na sya sakin? Di ko alam. Waaaaa ano ba itong pinag iisip ko? Juscolored baka mamaya sa kanya na ako ma-fall, ay naku hindi pwede, Taeyeon gumising ka! Hindi pwedeng ma fall ako sa kanya. Naku naku maling mali na itong naiisip ko.
Makakatulog kaya ako?
Sabado pa naman bukas kaya magkasama kami buong araw!
**Kinabukasan
"*yawn* ansarap talaga matulog lako na kap--- AHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!" bakit naka posas ang kamay ko sa kamay ni Baekhyun!?
"Baekhyun!!? Baekhyun gising!!?" inalog alog ko sya.
BINABASA MO ANG
Si Megaphone at Loudspeaker [Book 1:COMPLETED]
FanficSino mas malakas? Si MEGAphone o si LOUDspeaker? Eh kung magsama silang dalawa? Eh kung mag ingay silang dalawa Eh kung isa sa kanila manahimik? Eh kung.. Eh kung... Ay basta basahin mo nalang to. Ang kwento kung saan nagsama ang dalawang bungangera...