Woke up receiving a call from my best friend "LOIS!! FINALLY!! GHAAAD AFTER HOW MANY CALLS SINAGOT MO DIN!!" and yep she's shouting now nakapikit na ko pero mas napapapikit ako lalo sa tinis ng boses nya.Humikab ako para malaman nyang kagigising ko lang "What's wrong?" and then I closed my eyes again.
"May chicka ako omg!!!!" with full of excitement ang boses
Buti na lang talaga best friend ko 'to kasi kung hindi baka binabaan ko na ng tawag to sa sobrang tinis ng boses "pwede bang ikwento mo na lang. Inaantok pa talaga ako eh hays"
At talagang nag-clears throat pa "Kasi ganto, ang usap-usapan sa airline eh may bago dawng piloto 'don and damn! They told me na ang HAWT daw ofc he's also handsome. Na-curious ako! Medyo na-late kasi ako today..."
"Cos nag-inom ka nanaman kagabi. How many times do I need to tell you, Ruth mahirap basta basta ang umaalis ng dis-oras ng gabi. Ang tigas talaga ng ulo mo." I told her using my irritated voice
Tumawa ng nagpapa-cute ang gaga "sabi ko naman kasi sayo samahan mo ko eh. Eh since supportive and understanding best friend ako edi sige, busy ka sa review but but anw, stop with the sermon I know how much you love me. So going back to the story yun na nga!!! Haven't got the chance to see him kasi nga late ako but but nung nakita ko sched ko biglang chicka sakin ng ka-trabaho ko na siya daw ang magiging pilot namin this coming flight so dun ko palang siya makikita if ever."
Hindi ko masyadong tinuunan ng pansin yung kwento niya bagkus binigyan ko ng pansin eh yung SIYA mismo "And? Ilang araw ka nanaman mawawala?"
Feeling ko sumimangot siya dahil sa boses nya "Hindi pa ko tapos mag-kwento eh." Pagmamaktol niya "3 days and ang sabi pag-balik daw may welcome party daw sa mga new employees sa airlines and they told us we can bring anyone!!! So alam mo na, ha? Matagal ka ng hindi nagpapakita sakin and dun libre yung drinks" tumawa siya "so you'll come. Basta basta! Madami pa kong chicka sige na tinawagan lang talaga kita para bwisitin. Good morning, swissum!! Love you! See u after 3 days!!" at saka ako binabaan ng tawag
Binabalak ko pa sanang matulog pero naisip kong bumangon na lang at asikasuhin ang sarilli ko.
Panibagong araw at patuloy pa rin sa pagharap ng mga dapat harapin sa pang-araw araw.
Hindi ko maintindihan bakit nakakapressure kahit naman hindi ko gaanong isiping nakaka-pressure yung review.
"My flight will be tonight, swissum!! Galingan mo sa review!! See u after 3days!" text sa akin ni Ruth
Nag-send na lang ako ng kissmark na emoji alam na nya 'yon.
"Dad, I'll be out after 3days with Ruth inaya nya ako sa party. I'll update you swear." Advance akong mag-paalam sakanila, my relationship with my fam is super duper close am actually happy cos mom and dad is already okay now.
"Party for?" mom asked me
"Uhm a welcome party daw para sa new employee's nila and pwede daw mag-dala ng kahit sino. Ganun kabaait ang boss nila. Nakaktuwa nga eh sana lahat ng boss ganun." I laughed on the outside but on the inside ayoko talaga sumama
"As long as it'll make you happy, dear." Mom said and dad just nodded his head
"Ditse, ano? Sabay ka ba sakin? I'll drop you off." Vince said my younger brother
I kissed mom and dad good bye.
"How are you, ditse?" my brother asked me while he's driving
Tumingin ako sakanya para irapan siya "I'm fine much better than those days" alam ko naman kasi pinupunto nito
"Well, then I'm happy for you." He laughed alam kong nang-aasar talaga 'to eh.
(Best part – Daniel Caesar ft. H.E.R) just played on! Nagka-tinginan kami ng kapatid ko napa-irap ako habang siya ay tumatawa and yep! Mas lumakas ang tawa nya ngayon.
What can be worsen for today other than this?
Pero ang ikinapag-taka ko eh, ni hindi ko manlang nagawang ilipat yung kanta bagkus pinakinggan ko lang ito at ninanam-nam ang bawat lyrics ng kanta.
Masaya ang awitin pero hindi ko alam bakit may kirot akong nararamdaman sa bawat lyrics ng kanta.
Mas mabuti na ito kesa naman yung dati na kada-maririnig ko yung kanta eh umiiyak ako. Ganun ata talaga kababaw luha ko dahil nagagawa kong damdamin lahat maging ang kantang ito.

BINABASA MO ANG
Truly Yours
Lãng mạnPROLOGUE: How to have a happy ending in this world full of WHAT IF's? 'What if' can ruin everything you think you already have, and taking risks will give you the answer for that.... What will happen if you'll try to risk everything that you have ju...