CHAPTER 11

11 0 0
                                        

Nag-umpisa nang mag-lakad ang mag-asawa papalayo sa amin kaya nag-umpisa na rin akong mag-lakad papalayo kay Raine.

"Saan ka pupunta?" pagtatanong nito

"Hindi ko alam." Pag-sagot ko dito pero patuloy pa rin ako sa paglalakad ko

"I won't ever lose you again. Not this time." Hinigit ako nito paharap sakanya

"Hindi ko maintindihan lahat ng nangyayari, Raine. Okay? Naguguluhan ako." Biglang kumirot ang ulo ko kaya napahawak ako dito.

Napansin siguro ni Raine na humawak ako sa ulo ko "Pumunta na tayo sa kwarto mo you need to drink your medicine for that." Nag-aalalang sabi nito na ikinataka ko

"Paano mo nalaman na dapat may inumin akong gamot for this? At itong sugat ko?" nagtataka kong tanong na naiinis na ngunit kumirot ulit ito

"I'll explain everything but first you really need to drink your med. Let's go." Pag-alalay nito sa akin nagpa-akay na rin ako dahil nahihilo na ako.

Nang makarating kami sa kwarto ko tinanong niya ko kung saan nakalagay ang gamot at hinanap ito.

Umupo ako sa kama ko habang inaantay siyang iabot sa akin ang gamot.

"Here take this." Inabot niya sa akin ang gamot at tubig

Ininom ko agad ito "Salamat." Akmang hihiga na sana ako ng pigilan ako nito

"After 5mins." Hawak pa rin nya ako

"Okay." Inialis ko ang kamay nitong nasa braso ko

Umupo siya sa upuan malapit sa kama at naka-tingin lang sa akin "Stop staring at me." Pagbabawal ko sakanya

"I don't know why I really love staring at you kahit mapalayo o mapalapit sa akin." He said while still looking at me "I know you became clueless about everthing that happened." Tumayo ito at aakmang lalapit sa akin "5mins is already done."

"You stay right there, Raine. You can't come closer nor touch me until you'll tell everything you need to tell me." Pagbabanta ko sakanya

Kinuha nya ang upuan na ginamit niya kanina at ipinuwesto ito ng di kalayuan sa pwesto ko at umupo "Your order, Misis ko."

Tinitigan ko ito at inirapan.

"Still the girl I love since then." Napapa-iling na banggit nito "After what happened to us that night sa bar, everything became so messy because of Camille, she played me. Kaya hindi kita magawang iwanan ng gabi pagka-tapos natin siya ihatid dahil nag-banta siya sa akin na she'll make my life miserable dahil kung hindi lang din daw siya sasaya dapat ako din. She already knew na ikaw yung babaeng sinasabi nyang babae ko kaya simula nun I told myself Camille will not lay a hand on you kung sasaktan ka lang nya. Masaya akong umalis ka dahil pinuntahan niyo ang Lolo at Lola mo kahit masakit para sa akin dahil mas gugustuhin kong makasama ka pa o ituloy manlang ang pag-uusap natin mula nung gabi pero mas pinili ko ang ikabubuti mo. Kaya simula ng makarating kayo sa Lolo't lola mo ng malaman kong okay ka 'don saka ko inumpisahan ang laro na gusto ni Camille, I followed all of her orders. She even used me to tell everyone na ako ang Ama ng dinadala nya kahit ang totoo ay hindi with all respect to her family and our friends inako ko at nag-sama kaming dalawa dahil yun ang gusto niya but I didn't gave her what she wants... for me to love her again. I also made her life miserable inalam ko lahat ng ginagawa nya, nakausap ko na din ang totoong Ama ng dinadala niya at sinabi niya sa akin na itinanggi daw ni Camille na sakanya 'yon na we had sex kaya sakin daw 'yon but I know in myself we didn't the day you came alam kong naging gago ako for using her everytime na nangungulila ako sayo pero ang tagal na nun sobrang tagal na and after nun tinigilan ko na sya pero pinapamukha niya sa lahat na ako ang masama kaya hinayaan ko siya. Kaya umalis muna ako pansamantala sa airlines para ayusin ang gulong ginagawa ni Camille, nang malaman kong uuwi ka dito para sa oath taking mo tinanggap ko na ang offer ni Dad na mag-tayo ng coffee shop and yes yung coffee shop near at your place is mine dahil alam kong mas guguluhin ni Camille ang buhay mo dahil nakarating sakanya ang balita na uuwi ka na. nung gabi na may sumusunod sayo papunta ka palang ng coffee shop ako iyon dahil narinig ko si Camille na may kausap sa cellphone at pina-plano na nyang saktan ka at wala akong idea kung sino ang uutusan niya kaya ng makarating ka sa coffee shop minabuti kong hndi alisin ang tingin ko sayo hanggang sa nagpapa-cute sayo ang isa kong crew kaya ako nag-iwan ng note sa lamesa mo at ipinatawag ang crew na 'yon para sesantihin pero tinuruan mo kong makinig at umintind kaya pinag-bigyan ko siya ng nag-umpisa ka na ulit mag-lakad at nakita kong sinagot mo ang cellphone mo nataranta na ko ng marinig ko mula sa bibig mo ang pangalang Camille dahil alam kong ito na yung kinatatakutan kong mangyari" bumuntong hininga siya "I thought I was about to lose you, kaya ng makita kong pumasok na yung inutusan ni Camille sa loob ng bahay niyo tinawagan ko na si Apol at Jake dahil alam kong sila ang tutulong sa akin para mapigilan si Camille, nang makapasok kami sa loob ng bahay niyo napatigil ako ng marinig kong may bumagsak sa sahig at pinasok agad nila Jake ang pinto at hinawakan sila Camille hindi na nanlaban ang lalaki ng makita sila Jake agad akong lumapit sayo at inakay ka sa loob ng sasakyan at nagmadaling itakbo ka sa ospital minabuti naming hindi na to malaman ng kahit sino kaya kinausap ko si Camille at ng napa-DNA test namin ang batang dala-dala niya-" bumuntong hininga ulit ito na para bang may mali akong maririnig na sasabihin niya "hindi nga sa akin ang bata. Pinaliwanag namin ito sa magulang namin at pinadala si Camille sa states habang nagbubuntis dahil baka kung ano pa daw ang gawin nito." Umupo sya ng matuwid

Lumapit ako sakanya dahil nakita kong inaangat nya ang ulo niya at para bang may pinipigilan syang lumabas "Okay ka lang?"

"Gusto lang kitang makasama.. habang buhay.." at yumuko ito

Inangat ko ang ulo nito "naiintindihan kita. Salamat kasi ginawa mo lahat ng iyon."

"madami akong pinagsisihan pero madami rin akong natutunan sa mga nangyari. Kaya nagpapasalamat ako sa Diyos ng malaman kong ligtas ka. Kaya kinausap ko si Ruth na bigyan ka ng ticket papunta dito dahil gusto na kitang makasama. Gusto ko ng tuparin lahat ng pangako ko sayo at ang pangarap ko kasama ka. Lois, mahal na mahal kita. Higit pa sa buhay ko." Naka-tingin niyang sambit sa akin.

Hindi ko alam ang dapat kong maging reaksyon sa sinabi niya pero naliwanagan na ako ngayon hindi ko alam kung kaliangan ko pa bang pag-isipan ito.

"Maiintindihan ko kung ayaw mo muna akong makausap pagkatapos nito ang mahalaga nasabi ko lahat ng ito para hindi ka na mahirapan pang mag-isip kung bakit nangyari lahat ng iyon." Akmang tatayo na sana sya ng pigilan ko sya

"Salamat talaga, Raine. Salamat sa lahat kahit hindi mo naman dapat gawin 'yon." Yinakap ko sya at naramdaman ko ang higpit ng yakap nito sa akin.

Matapos ng pag-uusap na 'yon mas pinili ko munang mag-pahinga dahil tina-try ko pang i-sink in sa utak ko lahat ng nalaman ko.

Ngayon ko nalaman na lahat pala talaga hahamakin mo para sa pagmamahal na gusto mo.

Sa dami ng nangyari sa amin ni Raine isa lang ang hindi ko maitatanggi na meron pa rin sa amin yun ay ang pagmamahal namin isa't-isa at kahit anong mangyari kung kina-kailangan malayo muna kami para sa isa't-isa gagawin namin kung ito ang mas makakabuti dahil naniniwala kami Sakanya na may gagawin Siya para sa amin at sobrang laking pasasalamat ko kasi nangyari lahat ng iyon.

Dahil kahit ako may natutunan sa nangyari.

Napa-upo ako agad at pumunta sa cr para mag-hilamos.

"I need to look for him. Tell him everything." Nang matapos akong mag-punas ng tuwalya ay nagmadali akong hanapin ang pouch ko.

Truly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon