"Bro, kinakabahan ako. Para akong natatae na naiihi. Anong gagawin ko?" pagtatanong ko sa pinsan kong si Jake
Natatawa naman ito "relax, Raine. Magppropose ka lang wala pang kasal." Tinap naman nito ang balikat ko
"Paano pag tumanggi siya? Bigla nyang maisip na hindi pa sya ready? Pero kasi we already achieved lahat ng goals namin sa pamilya namin at sarili namin eh. I can't afford to lose that amazing woman in my life again, never." Pagpapaliwanag ko at ang gago kong pinsan eh tinawanan lang ako "Stop laughing mas lalo akong kinakabahan."
Narinig ko ang pag-dating ng sasakyan na service ni Lois para makarating dito sa bahay namin.
We set a small gathering with my family together with her bestfriend Ruth and the boyfriend Samuel I even told her parents about it nakita nilang maayos ang intensyon ko and how I really love their daughter.
I'm behind a curtain dahil sa kagaguhan ng pinsan ko sa sobrang taranta ko I don't know how to surprise her kaya si Jake ang nag-isip kung paano ko issorpresa si Lois and will tell her that I want to spend the rest of my life with her.
"Good evening po." I saw her behind this curtain na binabati ang buong pamilya ko isa-isa at binebeso ito
Mas lalong nangatog ang tuhod ko sa hindi ko malaman na dahilan parang gusto ko na lang lumabas dito at sabihin sakanyang gusto ko syang pakasalan dahil hindi na ko makapag-antay pa.
Nakita ko silang medyo nagkakasiyahan pa habang umuupo na sa long table na sinet-up namin I even saw her looking around well she's obviously looking for me kaya napa-ngiti naman ako.
Wait for me, My love.
Biglang tumunog na ang FOREVERMORE (piano instrumental)
Eto na ang sensyales na lalabas na ako sa kurtina na ito at pupuntahan na ang taong kanina pa ko hinahanap.
Pero parang may pumipigil sa akin dahil sobra akong kinakabahan.
Nakita ko naman silang tumitingin sa paligid na para bang may hinahanap at alam kong ako 'yon.
"Tangina mo." Bigla akong hinatak ni Apol at Jake mula sa likod ng kurtina "Ang tagal mo lumabas." Naiinis na banggit nila
"Teka lang kasi." Nagulat ako ng itulak nila ako ng dahan-dahan.
Nang makita ako ni Lois agad naman itong nag-taka ngunit patuloy pa rin ang pag-tugtog ng kanta.
Huminga muna ako ng malalim at nilapitan ito mula sa kinauupuan niya.
"May I?" inilahad ko ang kamay ko nag-taka naman ito pero binigay pa rin nya ang kamay niya sa akin.
Dinala ko sya gitna at habang tumutugtog ang kanta isinasayaw ko siya.
Dinamdam ko muna ang pintig ng puso niya at ang kanta.
Ngunit nasisilayan ko ang pamilya ko na halos maiyak na kaya naiyak na rin ako.
"May problema ba?" pag-tatanong niya I looked at her from head to toe it's not that bad seeing her with her Teacher-uniform while me wearing my Pilot-uniform and will ask her to marry me.
"Many times I already told you about this and now that we already achieved our goals in life and to our family, I'm now keeping my promise to God and myself that I'll spend the rest of my life with you. Lois, I know words aren't enough to tell you how much I love you and will prove it to you everyday but let me start with this..." lumuhod ako at inilabas ang box na nasa bulsa ko "The pilot is now asking the teacher.." binuksan ko ito "Will you spend the rest of your life with me?" and seeing her now na humihikbi na makes me want to hug her because I really don't like seeing this woman crying
"Love.." pag-babanggit niya "Of course, I'll marry you." At itinayo niya ako "The Teacher will marry the Pilot."
Umiiyak akong tumayo at sinuot ang singsing sakanya at hinalikan ang labi niya "Mahal na mahal kita sobra sobra." Narinig ko ang pag-hikbi nito kaya yinakap ko ito at itinuloy ang pag-sayaw namin hanggang sa matapos ang kanta.
The forever starts now... and I'll always be Truly Yours until our last breath.

BINABASA MO ANG
Truly Yours
RomancePROLOGUE: How to have a happy ending in this world full of WHAT IF's? 'What if' can ruin everything you think you already have, and taking risks will give you the answer for that.... What will happen if you'll try to risk everything that you have ju...