"Hi there, beautiful lady. It's your big day." Pag-bungad ni Vince sa kwarto ko "Let's go?" lumapit ito sa akin
Kanina pa ako nakaayos at parang wala pa rin sa sarili dahil sa mga nangyari kahapon.
Uminom din ako ng gamot ko dahil kumirot ang sugat ko kanina.
Nakausap ko na din ang Mommy at Daddy at nag-alala naman ang mga ito buti na lang talaga hindi ko sinabi ang totoo dahil ayokong mag-alala sila lalo.
"Si Ate ruth daw kikitian na lang daw tayo after ng oath taking kasi kailangan nya daw pumunta sa airlines." Paguupdate ni Vince sa akin
Pinaandar na ni Vince ang sasakyan.
"Congratulations again to all the LPT passers!" pag-babanggit ng nagsasalita sa harap
Simula pa kanina hanggang sa matapos si Vince nagaala photographer dahil bawat galaw kuha ng kuha ng picture at nakakahiya na pinagtitinginan tuloy siya sa ginagawa nya.
May lumapit kay Vince na babae at nagpakuha ng picture dito. Natawa naman ako dahil todo pa-cute tong isa.
"Hindi mo kina-gwapo 'yon, Vince." At humawak ako sa braso niya
"Ditse naman. Minsan lang naman 'yon. Ang lakas maka-artista diba?" natatawang banggit naman nito.
Nag-drive na kami papunta sa restaurant kung saan namin kikitain si Ruth para kumain.
Nang makarating kami doon nauna pa pala si Ruth at Samuel dahil todo hagikgikan yung dalawa ang lakas talaga maka-bitter ng mga gantong sitwasyon.
Lumapit kami sa dalawa at bineso namin sila.
"Naka-order na pala kami. Inaantay na lang yung pagkain." Pagbubungad ni Ruth "AND TADA. Congratulations, Swiss!!!!" may ini-abot siya sa aking ticket "A gift for you!!! Yehey!!" parang batang tuwang-tuwa dahil may regalong natanggap pero siya talaga ang nag-bigay kaya natawa naman ako
"Congrats, Lois." Pag-bati naman ni Samuel
"Salamat sainyong dalawa. Pero hindi mo namana ako dapat bigyan pa nito." Naka-ngiti kong usad kay Ruth
"Ano ka ba. Siyempre it's a welcome para sayo dahil ngayon ka na lang ulit andito eh! Tapos uuwi na rin namana si Vince kela Tita edi mag-vacation ka muna habang nag-iisip ka kung dito ka ba muna o kela Tita ka na ulit." Pagpapaliwanag nito "oo nga pala kalian ang flight mo, baby brother?" pagtatanong niya kay Vince
Napa-kamot naman ito sa ulo "si Ate ruth talaga.. baka kung kalian na lang po ang alis ni Ditse para sabay na kami. Kalian ba naka-date 'yan, Ditse?" tinignan nya ang ticket na hawak ko "Ahh bukas makalawa sige sige. Magpapa-reserve na din ako."
"Salamat talaga, Swiss. Pero mas masaya sana kung makakasama ka." Bumuntong hininga ako "Kayo."
"Swiss, may duty kasi ako eh. Sorry na!! babawi na lang ako sa susunod promise." Pangangako naman nito
Dumating na ang pagkain at nag-umpisa na kaming kumain at patuloy pa rin sa kwentuhan.
BUMILIS ata bigla ang araw dahil mamayang gabi na ang alis ko papunta sa binook ni Ruth at ang uwi ni Vince kela Mommy.
"Tapos ka na ba mag-ayos ng gamit mo?" pagtatanong ko kay Vince ng makita ko ito na naka-dungaw mula sa pintuan ko
"Oo, Ditse. I just checked on you kung tapos ka na kasi si Manang rose kadarating lang din." Pagpapaliwanag nito
BINABASA MO ANG
Truly Yours
Storie d'amorePROLOGUE: How to have a happy ending in this world full of WHAT IF's? 'What if' can ruin everything you think you already have, and taking risks will give you the answer for that.... What will happen if you'll try to risk everything that you have ju...