"Iiwan mo na talaga ako?" pag-iyak ni Ruth na akala mo eh umiiyak talaga
"Ang o.a mo, swiss. Pag nagka-flight ka 'don bisitahin mo kami ha. Saka babalik din naman ako dito pag nalabas na ang resulta sa board exam. Malay mo makapasa ako tapos siyempre magooath taking ako nun." Pagpapaliwanag ko
"I'll really pray hard for it. Makakapasa ka!! You will!!" habang yinuyugyog ako ni Ruth
Tinulungan na lamang ako ni Ruth na ayusin ang gamit ko habang ang dami pa rin nyang kwento.
Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nung huling gabing nakasama ko si Raine.
Maayos kaming nag-hiwalay at hinayaan na lamang ang magandang plano ng Panginoon sa buhay namin at unahin ang mga dapat naming mas pag tuunan ng atensyon.
Mas pinili kong hindi sabihin sakanya na pupunta kami ng ibang bansa upang bisitahin si Ate at kung papalarin pag nakapasa ako sa board exam eh babalik ako dito para sa oath taking habang sila Mommy ay magsstay na 'don dahil kailangan nila Lola ng kasama. Si Vince naman ay ipagpapatuloy na ang pag-aaral niya 'don.
"How's your things, Lois?" Mom asked me over dinner
"Nakaayos na, Mommy." At sumubo ako ng pagkain
"This will be a great start for us simula ng mawala ang Ate niyo at nagkanda sunod-sunod ang problema na dumating sa atin." Uminom ng tubig si Daddy "Sana masaya na ang Ate na nakikita tayong ganto ngayon pero mas masaya sana kung andito siya kasama natin."
"I'm sure, Dad Ate is already happy right now watching us." Kumaway si Vince habang nakatingala "Hi Ate. We'll visit you already antayin mo lang kami, ha?"
"Osya sige na. Huling kain na natin 'to dito at matulog na din para maaga mamaya. Magagalit ang Ate pag pinag-antay natin siya mabagal pa man din kumilos to si Vince." Sabi ni Mommy
Napa-kamot naman ng ulo si Vince "hindi ah. Saka si Ate naman ang bibisitahin siyempre hindi na ako babagal." Natatawang sabi niya kaya natawa na lang din kami.
Masaya ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon.
Sobrang saya at gaan.
Sana mag-tuloy tuloy na ito.
"Hi, Ate. Kamusta ka na? alam mo ba may good news ako sa'yo. LPT na ko ngayon." Iniharap ko ang cellphone ko sa puntod niya na para bang nakikita nya talaga ito. "Masayang-masaya kami ng makita namin ang resulta. Tapos mamaya naman ang alis ko pabalik sa pinas para sa oath taking ko. Sayang nga hindi makakasama sila Mommy eh pero okay lang naman dahil si Vince ang kasama ko pag-uwi at sa oath taking ko. Habol ka ah? Antayin ka namin 'don."
Natigil ang pag-sasalita ko ng tumunog ang cellphone ko "Swiss!!! See u later alligator!!! CONGRATS!! Ang saya-saya ko ng makita ko yung resulta!!! Sayang nga lang wala ka dito para mayakap kita eh pero pag-balik mo dito swear yayakapin talaga kita!!!" at halata sa boses ni Ruth ang excitement
Ilang buwan na din ang nakalipas pero hindi ko maitatangging may mga panahon na hindi mawala sa isipan ko ang mukha ni Raine at ang gabing pinagsaluhan namin na minsan nga sobrang nagmamaktol na ako dahil gustong-gusto ko na syang makasama ulit.
Sana nga nalaman nya na rin na nakapasa ako para naman hanapin na nya ko. Dahil ngayon buo na ang decision ko na gusto ko na syang makasama at okay na ang puso ko sa mga nangyari sa nakaraan.
Kaya sa ngayon ipinagpapasa-Diyos ko na lang muna lahat ng pwedeng magyari.
"Ditse, okay ka na? hahatid na daw tayo nila Dad sa airport." Kinuha ni Vince ang gamit ko
BINABASA MO ANG
Truly Yours
RomancePROLOGUE: How to have a happy ending in this world full of WHAT IF's? 'What if' can ruin everything you think you already have, and taking risks will give you the answer for that.... What will happen if you'll try to risk everything that you have ju...
