CHAPTER 9

12 0 0
                                        

Sa sobrang buryo ko dito sa bahay dahil ilang araw na din akong nakakulong dito naisipan kong lumabas na lamang muna.

Dahil nung nag-grocery kami nung isang araw may bagong bukas na coffee shop sa labas ng village at ang ganda nito usap-usapan nga daw na lagi itong dinadayo. Siguro dahil bagong bukas nga at nagkalat ang mga social climber.

Kinuha ko ang pouch ko at hindi naman siya kalayuan mula sa bahay namin at alam kong safe naman dito kaya nag-lakad na lang ako.

Pero habang naglalakad ako hindi ko maiwasang kabahan dahil pakiramdam ko may sumusunod sa akin para bang gusto kong tumalikod at bumalik na lamang ulit sa bahay.

Ngunit nandito na ako kaya tinuloy ko na lamang ang paglalakad na may halong kabilisan na rin para marating ko na ang coffee shop.

"Hi, Manong guard. Kamusta po kayo?" binilsan ako ang lakad papunta sa guard upang kamustahin ito pero ang totoo alibay ko lang iyon dahil sa sobrang kaba na naramdaman ko

"Okay lang po, Mam. Kayo po? Nakabalik na po pala kayo." Pag-sagot niya sa pangangamusta ko

"Okay lang, Manong. Oo nga po eh. De bale, Manong sige po dito na po muna ako." Pagpapaalam ko sakanya at dumerecho na sa coffee shop

Lumiwanag din at nawala na din ang kaba na naramdaman ko dahil sa kaninang pangyayari.

Dumerecho ako sa counter area para um-order. Matapos akong maka-order humanap ako ng bakanteng upuan at umupo.

Pinipilit kong isipin ang nangyari kanina na halos atakihin ako sa puso dahil ng subukan kong lingunin ang sumusunod sa akin napansin kong may hawak itong yosi dahil may usok eh o baka guni-guni ko lang? hindi ko alam baka dala na din ng kaba kaya hindi ko na rin napansin.

"Here's your order, Mam Lois?" ngumiti sa akin ang crew na lalaki in fairness may sa ka-cute-an din itong lalaking ito ha.

"Yes, salamat." At tinanguan ko ito.

Nang iikot ko ang mata ko sa buong coffee shop totoo ngang maganda ito at kahit sino dadayo dito.

Ngunit ng matamaan ng mata ko ang crew na nag-abot sakin ng order ko kanina naka-ngiti ito sa akin kaya nginitian ko na lamang din.

Tumayo ako upang pumunta sa comfort room dahil naiihi ako pero pumunta muna ako sa counter area upang ipaalam na hindi pa ako tapos o aalis para hindi nila ligpitin at ang sumalubong sa akin ang naka-ngiting crew na nag-bigay ng order ko kanina "Punta lang ako ng CR wag muna linisin yung nasa table ko hindi pa ako tapos." Ngumiti ako

"Yes, Mam lois." Ngumiti din ito pabalik

At simula nun na-weirdohan na ako sa lalaking ito.

Bumalik ako sa upuan ko at may nakita akong note sa lamesa ko 'Stop smiling. You're giving me pain.' Nag-taka naman ako kaya ng tinignan ko ang counter area at hinanap ang lalaki kanina na nag-serve sa akin wala na sya 'don.

Kinabahan nanaman ako dahil sa note na natanggap ko pakiramdam ko kanina pa talaga may nagmamasid sa akin.

Lumapit ako sa counter para um-order ng pwedeng ibigay kay Manong guard at nag-tanong sa babae sa harap ko "Miss? Asan na yung kaninang lalaking nag-serve sa akin ng order ko?"

Nag-taka naman ang babae "Lalaki po? Natandaan niyo po ba yung pangalan?" pagtatanong ng babae

Lalo akong kinabahan dahil bakas sa mukha nya ang pagtataka kung sino ang tinutukoy ko. Ngumiti na lamang ako sakanya bilang sagot. Nang matanggap ko ang order ko dinaanan ko muna si Manong guard upang iabot ang binili ko kanina nag-pasalamat naman ito sa akin.

Truly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon