CHAPTER 2

39 0 0
                                        


"May quiz ata tayo today kay Sir? If I'm not mistaken?" sabi ng kasama ko sa review

"Oo nga meron daw. Nakapag-review ba kayo?" pag-sagot ko naman sakanya

"Oo naman tayo pa ba. Kaya natin to. Aja lang! makakapasa tayo sa board nito!! Yiiieee." Pagccheer up naman ng isa naming kasama

Dumating ang prof at nag-quiz muna kami about sa last topic na tinuro nung huli.

Salamat sa Diyos at nairaos.

Sa ngayon mas nakikita ko ang rason bakit lahat ng masasakit na nangyari eh kinailangang mangyari eto na ako ngayon oh. Mas malakas na at mas nagkaron ng oras para sa lahat ng bagay lalo na sa Diyos at sa sarili ko.

Ngunit minsan may mga oras pa rin pala talagang hindi mo maiiwasan na maisip lahat ng bagay na nagpa-lungkot sa'yo noon, at isipin ang bawat masasayang nangyari na napunta sa kalungkutan pero magiging isang magandang storya na lamang ito na kahit kalian eh hindi mo malilimutan.

TAMA storya na masaya. Hindi lang naman lagi ang huli ang dapat eh happy eh, ang totoong magpaparamdam ng saya eh yung laman ng storya.

"so hopefully, this will be the first and last time that I'll be seeing all of you in my class. Do well on your exams. Next time na makikita ko kayo eh makikita ko sa mga mukha niyo ang tanda na kayo ay isang lisensyadong guro na." ngumiti kaming lahat sa sinabi ng prof namin

Masarap sa pakiramdam ang makatanggap ng mga encouraging words dahil ito ang magpapalakas ng loob ng bawat tao eh at iyon ang natutunan ko.

Ang maging malakas at laging i-encourage ang sarili ko na kaya ko lahat.

At oo, nakayanan ko nga.

Kaya ko pala.

Tumutunog ang cellphone ko "Sige, lois! Una na ako ha." Sabi ng kaklase kong kausap ko. Tumango na lang ako at nag-umpisa na syang mag-lakad papalayo.

Nang tignan ko ang pangalan as usual sino pa nga ba. Napa-irap na lang ako bago sagutin ang tawag "Pauwi palang ako galing review, baka naman gusto mo munang pahilatain ako?" pagtataray ko

Narinig ko siyang tumawa "ang sungit mo naman, swissum! Namiss kita eh. Pasalamat ka nga namimiss kita at alam mo eh. Siya nga hindi mo alam kung namimiss ka eh." Pang-aasar niya

"teka parang may tumatawag. Babaan muna kita ng tawag ha. Salbahe ka eh." Pagtataray ko

Lalo siyang tumawa ng malakas "okay okay. Joke lang. pero may chika nanaman ako!!!" puno nanaman ng excitement ang boses nya

Naihampas ko sa noo ko ang librong hawak ko "ano nanaman iyon?" ginamit ko ang boses kong kunwari eh interesado sa kinukwento niya

"Smile ka muna bago ako magkwento. Yiiiee dali na!!" natawa na lamang ako sa pagiging ganto ng babaeng to, alam niya talaga paano ako pangitiin.

Tumawa na ako "okay na? para kang ewan." Banggit ko

"That's my best friend!! Tanong mo muna sakin kanino ko nalaman yung mga ganung strategy? Siyempre sa swissum ko!! Naks naman." Napa-irap na lang ako kahit kalian talaga tong babaitang to "okay okay so ito na nga! Shet, swiss! Totoo nga!! Ang gwapo at HAWT kaso alam mo ang napansin ko ang dark lang ng aura niya ngumingiti siya pero hindi mo mararamdamang masaya siya eh. Tapos kanina naka-pila ako sa counter para bumili eh sakto siya pala yung nasa harapan ko. Nagulat ako may tinititigan siya sa wallpaper ng cellphone niya akala ko eh tinitignan niya lang yung oras yun pala tinititigan niya yung picture! Pinilit kong tignan kung sino eh baka kasi mamaya jowa niya pero shet! Sa kakatingkayad ko yung bata sa likod ko eh nasagi ako, lumingon tuloy sakin yung piloto tas napansin niyang nakatitig ako sa cellphone niya. Ni-lock niya bigla yung screen, nag-peace sign pa nga ko eh kasi akala ko magagalit siya pero hindi! Nginitian niya ako, swiss! Pero hindi ko alam bakit pakiramdam ko ang dilim pa din ng aura niya. Sayang nga hindi ko nakita yung babae sa screen niya eh! Sayang talaga!" pagmamaktol niya

"chismosa ka talaga kahit kalian!" pang-aasar ko "hayaan mo na hindi mo mabibingwit 'yan may jowa ata. Saka ang dami-dami mo ng lalaki leche ka. Paawat naman." Pag-wawarn ko sakanya

"I know I know! Pero kasi nasanay ako sayo kung paano ka maging observer sa mga tao sa paligid mo eh. Saka laman sya ng airlines simula nung dumating siya parang hindi pa rin nawawala ang usap-usapan about sakanya. Grabe kasi mga tao dito sa trabaho bang chichismosa kaloka. Meron pa nga sabi eh sinundan daw siya dito ng EX-girlfriend niya. Oh taray diba?" natatawang kwento niya "and take note! Close na kami ng EX-girlfriend niya, nagddrama pa nga sakin eh. Ewan ko ba pero sobrang sakit lang I mean nararamdaman ko rin yung nararamdaman nung babae hanggang ngayon. Ang sakit-sakit, swissum! Sabi ko nga sakanya papakilala kita eh, ikaw ang kilala kong kayang magpawala ng lungkot at hinagpis ng isang tao eh. Ganun ako ka-proud! Sabi ko pa nga best friend kita eh. Kung lalaki lang ako eh jinowa na kita." At oo nalimutan ko atang sabihin na madaldal ang kaibigan ko.

"Kahit kalian ka talaga, Ruth!! Nakakaloka ka!!" pag-simangot ko habang naglalakad

"eh bakit ka ba! Hehe. Sige na, sa party din pala isasama niya yung best friend niya. Oh diba! Girl power na tayo nun eh. Kaya hindi ka na mahihiya. Okies? See you! Miss you, swiss!!" nag-sound effect siya ng kiss at saka binaba ang tawag

HINDI KO DIN ALAM BAKIT KO BA NAGING BEST FRIEND 'YAN. Nuknukan ng kadaldalan at kaingayan sa buong katawan. Kahit kalian talaga.

Pagka-uwi ko sa bahay, kumain muna ako at nakipag-kwentuhan kela mommy

Nang matapos din akong mag-hugas ng pinagkainan. Pumanik na ako sa kwarto upang mag-basa basa pampaantok.

Nang mabuksan ko ang laptop ko habang nakahiga naka-tanggap nanaman ako ng incoming video call...

"Hey there girl! HAHAHAHHAHA. Gusto ko lang mambwiset." Habang humahalakhak

Umirap muna ako "u really like ruining my day?"

Nag-make face pa "You'll surely miss this face pag nagka-jowa ako. Ikaw din." Pag-babanta niya

"And please wag naman yung lolokohin ka ulit, ha? How many years is that? 5 years ni hindi ka manlang nagka-hint na niloloko ka na." I explained to her

"but then blessed enough bc you were there during my suicidal days cos of the problems that I had. Thank you, Lord for the life of swissum!! Yiiiieeee." Giving me kisses

Again nag-maldita nanaman ako "asus nambola pa. Oo na sasama namana ako sayo welcome party niyo." Saka ako ngumiti

Her mouth became a big-O "REALLY?! OMG!!!!! Naeexcite na tuloy ako umuwi!!! I'll be buying your dress here. Gusto ko medyo matchy-matchy tayo eh!! Alright, alright, already heard what I want to hear. So good bye! Sleep well! Extend my 'I miss you' to Tito and Tita!! Love you, swiss!" then she did the pouty lips to kiss the screen then turn it off

Natawa na lang ako sa kaaningan ng best friend ko. Kahit kalian talaga.

At ngayon naisipan kong kalkalin ang laman ng laptop dahil sa sobrang bored at hindi pa ako inaantok.

Then my heart skipped a bit.. here it goes again..

But ngayon it's a good thing that I'm not crying anymore instead I just felt this mini-heartache again.

At least kahit papano mas okay na talaga ako kesa noon.

And yes, the missing parts came back again for some reasons and I cant stop myself from smiling seeing everything that's inside of this laptop.

How I wish everything became different... baka mas masaya pa kesa sa nangyari.

Truly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon