CHAPTER 5

16 0 0
                                        

May kung ano akong nararamdaman ngayon na hindi ko nanaman maintindihan.

Gumalaw ako ng kaunti para ayusin ang pag-upo ko at pagkukunwaring tulog ko.

Narinig kong nag-huhum ang driver dahil sinasabayan nya ang kantang tumutugtog.

Sa hindi ko malaman na dahilan ay ibinuklat ko ang mata ko at tinignan ang driver. Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nagddrive.

Napansin niya sigurong nakatitig ako sakanya "yes?" pagtataka nya at ibinaling ulit ang mata sa pagmamaneho

Umupo ako ng maayos at hindi pinansin ang sinabi niya at tumitig na lamang sa bintana.

Siya ang EX ni Camille? Raine? Pinipilit kong alalahanin lahat pero parang mas lalong sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari. Utang na loob kung panaginip lang to gisingin niyo na ko.

"Nasusuka.... Ako..." boses mula sa likod

Napa-preno ng bahagya ang driver at oo hindi ko suot ang seatbelt ko kaya kamuntikan na akong masubsob.

Nagulat ako ng lumapit siya sa akin, upang ikabit ang seatbelt "safety first." Walang reaksyon niyang paalala sa akin

"T-thank you.." at hinawakan ko ng mahigpit ang seatbelt

"Buu.." napa-lingon kami dahil may nagbabanta na talagang masuka sa likod

Mabilis na bumaba ng sasakyan si Raine, OO SI RAINE ANG EX NI CAMILLE... at pinuntahan si Camille upang alalayan pababa para sumuka.

"Ano ng nangyayari? Asan na tayo?" pagtatanong ni Ruth habang humihikab

"Sumusuka si Camille." Pagsagot ko sa tanong nya

"Si Raine nag-aasikaso? Buti naman. Akala ko ikaw pa eh. Sana nga maging okay na sila para hindi na nagkakaganun si Camille. Nakakaawa kaya sya." Pagpapaliwanag ni Ruth

"Sana nga..." at oo nasasaktan ako

"Gusto ko nga kasi sa tabi mo maupo." Pangungulit ni Camille ng buksan ni Raine ang pinto sa likod

"Hindi ka nanaman marunong makinig Camille. Ang kulit mo nanaman. Pumasok ka na para maiuwi ka na namin." Iritableng sabi ni Raine

"Hon naman eh. Dali na. Please" pagmamakaawa ni Camille

"Kung ayaw mo sumakay edi wag. Ang tigas ng ulo mo." naiinis na sabi ni Raine at pumasok na sa driver's seat

Nilingon ko si Camille at nakita kong parang maiiyak nanaman siya.

Hinawakan ko ang seatbelt... "Don't" sabi ni Raine habang hawak ang kamay ko. Eto ata ang unang beses na nahawakan ko ang kamay niyang matagal ko ng gustong mahawakan..

"Look at her at nasasayang ang oras. Kailangan na din naming umuwi" inalis ko ang kamay ko sa seatbelt

"Nasanay 'yan na laging pinagbibigyan dapat matuto nyan." Bumalik ang tingin niya sa harap

Lois, alam mo ang lahat wag kang mag-maang maangan diyan.

"Pero-" magpapaliwanag pa sana ako

"Hayaan mo siya." At ngayon naktitig na sya sa akin "sasakay ka ba o hindi? Aalis na kami kung hindi." Walang ganang sabi nya

Nagmamaktol na pumasok si Camille sa loob ng sasakyan at ibinagsak ang pinto ng sasakyan

Sana hindi narinig ni Ruth "oh no, not my car." Pagmamaldita ni Ruth. Nilingon ko sya pero nakapikit pa rin siya

"Sorry." At yumuko si Camille "Ano ba kasing problema, Raine? Bakit ba ayaw mo na sakin? Dahil ba sa babaeng nasa wallpaper mo?" bakas sa boses ni Camille ang papaiyak na

Truly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon